Chapter 19 <3 Detention

20 3 0
                                    

Enjoy reading!

-----------------------------------------------

Stephanie's Point Of View

Kainis! Nakakaasar talaga yung prof na yun! Palibhasa matandang dalaga kaya mainitin ang ulo. Na detention na nga badtrip pa ko. Ano kayang pwedeng paglibangan hmm...

Habang nagmumuni-muni ako biglang bumukas yung pintuan ng detention room.

"Pumasok ka na at wag na wag kang gagawa ng kalokohan naiintindihan mo? Pasok na." sabi nung matadang dalaga.

Shocking Free! Bakit kelangang mag-abot pa kami dito?

Umupo siya sa kabilang dulo ng room habang ako nasa kabila ring dulo.

Pinagmamasdan ko siyang nakaupo sa kabilang dulo ng room. Habang pinagmamasdan ko siya lumingon siya sakin kaya lumingon ako sa iba.

Shocks! Bakit ba pinagmamasdan ko siya? Pano kung akalain niya pinagnanasaan ko siya? Naku naman! Ano ng gagawin ko? Napakagat labi na lang ako sa mga na iisip ko.

Nagtaas noo na lang ako at sumandal sa pader habang nakapikit. Masyado ng nakakapagod yung mga nangyari ngayon. Haaay....

Parang sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Yung tipong nasasaktan na nga ako, malungkot pa ko.

Di ko maiwasang mapaluha dahil sa mga nangyari ngayon. Agad ko namang pinunasan ng kamay ko yung gilid ng mata ko dahil ba ka makita pa niya.

Pagod na ko.... Pagod na ko. Sana hindi ko na pinasok ang gulong to para hindi na ko nasasaktan. Pero hindi naman ako selfish na sarili ko lang iniintindi ko, gusto ko rin naman alalahanin yung company na pinaghirapan ng magulang ko.

Hindi ko na mapigilan ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. Mayamaya napahagulgol na din ako.

Hindi nagtagal naramdaman kong may tumabi sakin.

Hindi pa din ako tumitigil sa pag-iyak.

Ilang sandali lang ng maramdaman kong niyakap na niya ko. Dahil sa ginawa niya mas napahagulgol ako. Lahat naman tayo pagniyakap ng mga kaibigan natin na umiiyak, mas umiiyak sila diba?

"Shhh..." hinahagod niya ang likod ko.

"ajsnshjwvj" may sinabi siya pero hindi ko naintindihan pero wala na kong balak alamin pa kung ano yun.

Di nagtagal tumigil na rin ako sa pagiyak. Lumayo na rin ako sa kanya.

"Oh. Punasan mo yang luha mo."

Inabutan niya ko ng panyo at tinggap ko naman. Hindi ko dala yung panyo ko eh.

"Salamat" inabot ko na yung panyong pinahiram niya

"Sayo na yan."

Napatingin na lang na lang ako sa panyong binigay niya tsaka ko tinago.

"Sorry.... Sorry kung hindi ko na tupad yung usapan natin. Ku---"

"Kung yan ang dahilan ng pag-iyak mo, wag mo ng isipin yun. Wala na tayong magagawa. Kung iniisip mo yung company niyo, hindi ko naman ipapatitigil ang pagtulong dun." hindi pa rin niya ako tinitingnan at ang lamig ng pagkakasabi niya.

Napayuko na lang ako. Ilang minuto rin kaming natahimik.

Ilang minuto pa ba kami tatahimik? Hindi rin ako mapakali na kasama ko siya at higit sa lahat kaming dalawa lang.

Urgh!!! Hindi ko na kaya! Magsasalita na ko.

"Yung araw na nag-away tayo... Yun din yung araw na nakausap ko si Kevin alam kong alam mo na ex ko siya. Nagulat lang ako na mahal pa rin niya ko hanggang ngayon." pag-amin ko sa kanya.

The Long Lost Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon