Chapter 8 <3 Reason

61 4 0
                                    

A/N: maagang update para sa inyo dahil alam kong natense kayo sa last update ko and dahil Love ko ang Readers ko hihi.

Stephanie's POV

"Bakit bumalik ka pa

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

KEVIN?"

Dahil sa nakita ko agad nawala ang pagkalasing ko. Hindi ko maiwasang maluha pero syempre hindi ko ipapakita sakanya ang mga luha ko dahil hindi siya dapat iniiyakan.

"Steph"

Humakbang siya palapit sakin pero agad naman akong umatras, na pansin niya siguro kaya hindi na siya ulit humakbang.

"Steph, ang tagal na kitang hinahanap. May gusto akong sabihin sayo." yung mukha niya parang nagmamakaawa n pakinggan ko siya kasi naman pilit kong tinatakluban ang tenga ko para hindi ko siya marinig. Kung sabagay niloloko ko din ang sarili ko dahil alam namin na naririnig ko siya kahit maingay sa bar.

Imbis na makinig sa kanya tumakbo ko sa parking lot dahil gusto ko ng umuwi. Pero ang tanga ko lang, sinundo nga pala ako ni Drake sa bahay kaya wala kong dalang sariling sasakyan.

Hindi ko napansing sinundan niya pala ko hanggang sa namalayan kong kaharap ko na siya. Shet! Bakit ba ang malas ko ngayon?

"Steph, gusto kong magsorry sayo da--" hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Magsorry? Para san ha?! Para sa pangbangga mo sakin kanina? Kalimutan mo na! Lumayas ka na sa harapan ko ayaw na kitang makita pa!" nanggagalaiti ako sa galit ng dahil sa kanya.

"Steph, pakinggan mo muna ko. Sorry dahil sinaktan kita dati hindi ko naman sinasadya a--" and again hindi ko siya pinatapos.

"Hindi sinasadya?! Sabihin mo nga! Hindi ba sinasadya ang pag-alis mo ng biglaan?! Ni hindi ka nga nagsabi sakin eh! Basta ka na lang nawala! Kahit isang tawag o text manlang wala akong natanggap! Oo ng pala may natanggap akong email from you na may nakalagay na 'I'm breaking up with you'  ,hindi ba manlang sumagi sa utak mo n lagyan ng dahilan?! Ganun-ganun na lang yun?! Kwes kung sayo madali sakin mahirap sobrang hirap! Inalala mo ba kung okay lang sakin yun?! Hindi diba?! Dahil wala kang pakialam sakin!"

Agad siyang natahimik at napayuko sa sinabi ko. Totoo naman eh wala siyang pakialam sakin!

"Ano?! Hindi ka na makasagot kasi totoo lahat ng sinabi ko? Kung wala ka ng sasabihin lumayas ka sa harapan ko at nag-iinit ang ulo ko ng dahil sayo!" naghand gesture pa ko nung sinabi kong lumayas siya.

"Steph, hindi mo ko na iintindihan. May dahilan ku--" as usual hindi ko siya pinatapos. Alam kong ang rude na ng inaasal ko pero sa tingin ko hindi siya kagalang-galang. Gusto niyo ng sample? Then watch and learn. I mean read and learn.

"So may dahilan? Sige sabihin mo kung anong walang kwentang dahilan yan!" sarkastiko kong sabi

"Eh pano ko sasabihin kung kanina mo pa ko hindi pinapatapos sa pagsasalita?"

See rude din siya kaya hindi siya dapat galangin.

"Sige! Go! Fine! Explain!" para matapos na to! ayoko ng makita ang pagmumukha nito eh.

The Long Lost Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon