PROLOGUE 1

67 3 1
                                    

ahahahah... haba ng prologue noh? ganun talaga... sabi ni direk ee. chos! kumusta mga wattpad readers? house your day? still building it? anodaw.... ahahaha... atlast! nakuha ko na rin draft ko pero syempre may mga changes akong ginawa dito. Hope you enjoy reading my first ever story...

ARIGATO GOSAIMAS!

#iamkyokun

__________________________________________________________________________________________.....

We are on our way to the said hunted mansion. Manong driver is right,  the place looks like a wilderness. Baybay namin ang daang tinukoy ni manong. Madilim-dilim ang paligid, buti nalang at meron kaming dalang flashlight (tig-iisa kami). Mga 8:45 na mga oras na iyon. Hinahanap namin ang " Lumang Mansyon" kuno. Maniniwala na ako na di totoo ang balita. Wala kaming nakitang mansyon sa lugar na tinukoy ng balita. Pero ba't ganun na lang ang tibok ng puso ko? Biglang humangin ng napakalamig. 

" Hay naku, nagsasayang lang tayo ng oras." si Angela. Nakita kung naiinip na rin siya.

Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Wala akong nakikita pero may napansin akong kakaiba. Napansin kung unti-unting nagkakaroon ng fog sa paligid. Sa akin natural lang iyon dahil sa lamig. 

" Panu yan Angela, di tayo makakapag-ghost hunting ngayon?" si Trixie.

Angela............

" Bakit?" si Angela. " Bakit Micah?" tanong niya sakin.

" H-Ha? Bakit?" ako (nagtataka :-!)

" Di mo ko tinawag?" si Angela (nagtataka din) " Kaw Trixie?"

" Hindi ah.." si Trixie. " Baka guni-guni mo lang yon."

Iginala ko ulet ang aking paningin sa paligid. Kakaiba ang aking nararamdaman. Hindi na ito maganda. Nang bigla akong nanghilakbot. Nakita ko ang mansyon mismong nasa likuran namin.

" T-Tingnan nyo." ako

Sabay na napalingon sina Angela at Trixie. " Oh my...." si Angela.

" Ang m-mansyon..... " si Trixie

Nakabukas ang malaking gate nito... Nakita ko pagkabigla sa mukha ni Angela pero saglit lang at napalitan ito ng ngiti.

" Hey guyz, LETS GO!" si Angela.

Sumunod kami ni Trixie. Napakalawak ng paligid. Tahimik. Nasa tapat na kami ng malaking pintuan. Walang ni isang pumihit ng doorknob. Napansin ito ni Angela, nang akmang hahawakan na niya ito kusa nalang itong bumukas. Hindi namin pinansin iyon, tuloy-tuloy na kaming pumasok.

Diretso kaming umakyat sa mahaba at paikot na hagdanan. Napansin din namin ang mga kandilang nakasindi sa bawat sulok ng pasilyo.  Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Nakakatakot. Sobra. Nakita ko rin ang mga antique na kagamitan. 

"Hey friends, " si Angela sabay turo sa nakaawang na pintuan.

Alam ko ang nasa isip ng babaeng ito. Gusto niyang pumasok kami sa loob. At nangyari nga naman. Pagkapasok namin..

" Aaaaahhh.....!" sigaw ko. Napayakap naman si Trixie sakin. Panu ba naman kasi eh nakita namin kabaong sa loob ng isang kwarto. ' Wala na patay na kami nito.' saloob-loob ko. 

" Sa tingin ninyo, tama ba yong balita?" si Angela. Nakatayo at dina gumagalaw. Akala ko iuutos niya na lumabas na kami pero hindi. Lumapit pa siya sa kabaong.

" Wait, Angela!" awat ni Trixie. " Don't you dare to draw closer to that f*****g coffin!" 

Pero tila parang di kame narinig ni Angela. Humakbang na ito palapit sa kabaong.

"Angela!" ako.

Lumingon siya samin.

" Sa mga nababasa kong books ang mga vampires raw ay maala prince ang hitsura. Sa tingin nyo ba may laman sa loob ng coffin na to?"  si Angela.

" Pero......" si Trixie

"Hay naku!  dba mag goghost hunting tayo? Anong klaseng ghost hunting to eh ang duduwag nyo." si Angela (galit)

Bumuntong hininga siya. " Kung natatakot kayo edi okay, just wait and see." si Angela. Tuluyan na itong nakalapit sa coffin. 

" Oowww!" si Angela (gulat)

" A-Angelaaa!" sigaw namin ni Trixie.

" Joke lang." si Angela. " Oh, wala akong nakitang bampira dito oh. Malinis. Matatakot pa rin ba kayo?" si Angela habang nakapamewang samin.

" T-Teka.... A-Angela... " ako. Para kasing  may anino akong nakita sa likod ni Angela. Kung di ako nagkakamali.

" Oh, bakit na naman?" si Angela.

" A-Angela....." si Trixie. " Ano yang nasa balikat mo?" 

Napako ang tingin ko sa balikat ni Angela. Ganun din si Angela. 

" Ano ba t........ AAAAAAAHHHHHHHHH.........!" si Angela. Kasabay nun ang paghablot sa kanya ng buong lakas ng kung sino. 

" AAAAAAAAAHHHHHH.... Angelaaaaal....." ako at si Trixie. 

Kung hindi ako nagkakamali totoo nga yong aninong nakita ko kanina. At ngayon sinunggaban na niya si Angela. Isang lalaking naka kulay itim ang suot. Payakap niyang hinawakan si Angela. Nakita kung kinalmot ni Angela ang mukha ng lalaki ngunit di ito natinag. Anong gagawin ko? Bigla ring natumba si Trixie, nahimatay ba siya? Anong gagawin ko.

" Trixie! Triixie!" ako. Pinilit ko siyang ginigising . Kailangan makaalis kami sa lugar na ito. Ngayon, napatunayan kong totoo nga sila. Binitawan na ng lalaki si Angela at bumagsak ang katawan nito sa  sahig. Si Angela, patay naba si Angela? Humakbang samin ang lalaki, may bahid pa ito ng dugo sa bibig. A-Anong gagawin ko?

" Trixie....! Trixie!......." sigaw ko sabay yugyog! Kailangan makaalis ako dito. Kailangan malaman ng lahat na may bampira nga sa mansyong ito. Kailangan! Nagising din sa wakas si Trixie ngunit huli na. Nasa harapan na namin ang lalaki. Tumakbo ako palabas. Oo, tumakbo ako palabas, AKO lang.

Hindi ako tumigil sa kakatakbo hanggang mabuksan ko ang pinto palabas ng mansyon. 

Takbo

Takbo

Takbo.

Diko alam kung san ako dadalhin ng aking mga paa. Takbo, takbo! kasabay ang malakas na sigaw ni Trixie.

" P-PATAWAD......................" hanggang makalabas na ako sa kalsada. Bigla akong nanghina at nagdilim ang aking paningin. " Ka-Kailangan nilang malaman ang ..............totoo."  at wala nakong maalala pa.

I Will Be Watching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon