CHAPTER 4- CROW

35 2 0
                                    

Hello wattpad readers! Sorry for the late updates,  it happened that i have a rush work that i need to finish but sad to say hindi pa talaga ako tapos... but there's nothing to worry about . ...

#iamkyokun

_______________________________________________________________________________

 Nasa bahay nako. Kakauwe lang namin ni Ayah. Medyo mas mauuna siyang darating kesa sakin. Mas malayo -layo pa kasi bahay namin eh. Matapos magpalit ng damit ay bumaba na ko para kumain. Pagkadating ko sa kusina naghahanda na si mama. Hmmm medyo marami yata kaming ulam ngayon ah. Anong meron?

" Ang dami naman ng ulam natin ma? Anong meron?" ako (nagtataka)

" Ayaw mo ba? " si mama.

" Gusto po. " ako

" Oh, gusto mo pala eh. " si mama. " Eh kasi , birthday ngayon ng papa mo... alam muna? "

" Birthday ni papa ngayon ? " ako (nag-isip kung anong date ba ngayon..) " Ah, September 23 pala ngayon ..." ako

" Kumaen na tayo." si mama. At ganun na nga, kumaen na kami. Ang daming kwento ni mama tungkol kay papa. Nakakalungkot kasi diko man lang siya naabutan. Namatay ang papa ko dahil sa sakit sa puso, yun ang sabi ng mama ko. Alam niyo bang vampire hunter ang papa ko? Ako hindi, ngayon ko lang nalaman.

" Vampire hunter? diba mama sila yong nanghuhuli ng mga bampira? May bampira ba noon?" ako

Tumingin si mama sakin. " Meron, Jenny." si mama

" H-Ha? meron po?" ako (di makapaniwala).

" Oo. Atin lang to at wag na wag mong ikukwento sa iba. Merong bampira noon dito.  Siguro isang taon palang ate mo nun.  Ang papa mo ay kasapi ng isang organisasyon na ang misyon ay sugpuin ang mga halimaw na katulad ng mga bampira. Kaya lang, nahihirapan silang tukuyin ang mga ito sapagkat ang mga bampira ay sumasama  sa mga tao. Kaya gumawa sila ng paraan."

" Mama, nakahuli na po ba si papa ng bampira? nakita na niya po ba ito?" ako

" Oo. Nakahuli ang papa mo sa katunayan nga nakakita na rin ako eh. Nung pinagbubuntis kasi kita sinama ako ng papa mo sa trabaho niya." si Mama, maya-maya'y tinitigan ako. " Na siyang pagkakamali ng papa mo."

" H-Ha? Anong ibig niyo pong sabihin?" ako

" Nakikita mo ba ang sugat sa kanan mong dibdib? Anong nararamdaman mo? Sumasakit ba nagdudugo ba?" si mama

" PO? Ma, ano po bang ibig niyong sabhin? Minsan, sumakit siya kamakailan lang... " ako

" Ang sugat na yan ay isang sumpa Jenny." si mama. Sa narinig ko bigla akong natawa sabay tingin sa sugat na nasa kanang dibdib ko. 

" Pareho kaming may ganito ni ate." ako

" Tama ka. Hindi ordinaryong balat yan sapagkat yan ay isang sumpa mula sa isang bampira. " 

Napatingin ako kay mama. Ano daw sabi niya? Sumpa ito mula sa isang bampira?

" Jenny, makinig ka. Bago namatay ang bampira nagbitaw siya ng  isang salita. Ang sabi niya, dadami daw sila sa tuwing sasapit ang huling kabilugan ng buwan kasabay ng pagpatak ng dugo mula sa isang birhen. Sa pagsibol ng pulang buwan, ang birhen daw na iyon ay makukulong habang buhay sa isang sumpa. Durugo ng durugo ang tatak hanggang siya ay mamatay."

" M-Mama?..." ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko kay mama. Bakit ganun siyang magsalita?  Ayokong paniwalaan lahat ng mga sinasabi niya ngunit sa nakikita ko napakaseryoso niya para magbiro.

" Nang isilang kita, nakita ko ang isang hugis cross sa kanang dibdib mo.. Natakot ako... sapagkat ikaw ang tinukoy ng bampirang iyon. " si mama (umiiyak)

I Will Be Watching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon