CHAPTER 3- PRINCE CHARMING

45 2 0
                                    

JENNY'S POV

Parang nakita ko na siya pero diko maalala kung saan? Hmmmm... kahit anong isip ko diko talaga matandaan. Pero sa klase ng tingin niya sakin kanina parang kilala niya ako. Batid kung sakin siya nakatingin at hindi kay Ayah.  Pero, bakit ganun siya makatingin sakin? Nakakatakot, feeling ko tuloy may malaki akong kasalanang nagawa sa kanya. Gwapo pa man din sana pero sa tantiya ko, suplado. Akalain mo yon, 200 years old na siya, hahahaha XD dami ko tawa pero pinipigilan ko lang. Seryoso pa man din siya nung sinabi niya yon. Biro na ba yon? Ahahaha, ah basta, natawa ako sa sinabi niya kanina. Ganito tawa ko oh: XD

AYA'S POV

Ang gwapo talaga niya. Bagay sa kanya yong name niyang Daimon, ang kisig pakinggan. Siya yong ideal man na pinapangarap ko, ang aking prince charming. Pero infairness ha, ilang taon na nga ulet siya? 200? ahahaha... ahem..... joke kaya yon? Well, wa epek naman yon sakin ee basta ang mahalaga crush ko siya. Nasa kanya na lahat ng characteristics ng ideal man ko: Devilish eye-check; handsome-check; serious type-check; mukhang genius- check; nakaka.intrigue for being mysterious- check. OMG, siya na nga. Pero bakit kaya siya nakatingin kay Jenny kanina? Napansin kung kay Jenny siya nakatingin at hindi sakin, isang malaking CONFIRM yon. Magkakilala kaya sila? Na love at first sight kaya siya kay Jenny? No no... paano kung magkaganun nga, papayag ba ako? Hmmm, bestfriend ko si Jenny, kung type siya ni Daimon edi okay. Okay lang... (wee, di nga?) Pero kasi......

" Type mo rin ba siya Jenny?/ Nakita naba natin siya?" sabay kami.

??????????????????????????????????????????????????????????????????????

" Sige, kaw muna.." ako, si Jennysince. 

" Hindi, kaw muna." si Ayah.

" Hindi, kaw na." ako

Recess na kasi namin ngayon, nasa canteen kami ni Ayah. Kaya pala tahimik siya kasi nagmumuni 

" Type mo ba si Daimon, Jenny?" si Ayah.

Napaubo ako sa tanong niya, eksakto ba namang pagtungga ko ng juice. " H-Ha?" ako

" Gwapo si Daimon diba? Type mo rin ba siya?" si Ayah.

" Tama ka, gwapo nga siya pero mukha naman siyang suplado. At isa pa, mukhang mayabang lalo na galing siya sa ibang bansa." ako.

" So, hindi mo siya type?" si Ayah (nakangiti ng ubod tamis)

" My friend, hindi kaya siya na ang sagot sa wish mo?" ako.

" Tama ka diyan, Jenny. Eh panu kung type ka niya?" si Ayah

" Wag munang alalahanin yan. Hindi mangyayari yun ." ako

Nakita kung lumiwanag mukha ni Ayah. Tama naman ang sinabi ko sa kanya na wag siyang mag-alala. Mahal ko kaibigan ko at ayokong mag-away kami dahil lang sa lalaki. Isa pa hindi ako ganun, hindi naman kasi ako mahilig sa lalaki ee. Hanggang crush lang ako. Minsan tinatanong ko sarili ko kung babae nga ba ako. Alam kung type ni Ayah si Daimon kaya tutulungan ko siyang mapansin nito. Maya-maya'y nakita ko ang grupo nina Clyde, palapit samin.  Eto na nga.

" Hello, my dear Jennysince."  si Clyde ( 2nd year college palang kami nanliligaw na sa akin toh). Mayabang at presko. 

" Pwede mo bang tanggalin yong dear, Clyde. Masyado kasing sweet pakinggan ee baka langgamin tayo." ako. 

" Oo nga naman Clyde. Kung gusto mo sakin mo nalang ilagay. my dear Ayah." si Ayah.

" Mas sweet mas maganda." si Clyde sabay lapit sakin." Diba boys?" si Clyde ulet (tanong niya sa mga kasama niya habang nakahawak ang kamay sa pisngi ko.)

Iniwas ko mukha ko. 

" Ako nalang ganyanin mo Clyde, naku hindi ako tatanggi." si Ayah (yan bestfriend ko, walang inuurungan.)

" C.R. lang  muna ako friend." ako, paalam ko kay Ayah.

" Samahan kita Jennysince." si Clyde.

" Ako nalang samahan mo, Clyde." si Ayah, sabay hila sa braso ni Clyde.

 Immune na ako sa mga trip ni Clyde, pero hindi ako mahilig makisabayan. Papunta na akong C.R., may mga iilang students pa ang nakapila. Pumila na rin ako. 

JENNY......

Bigla akong napalingon. May tumawag sa pangalan ko. Nagpalinga-linga ako nagbabakasali na sumunod si Ayah ngunit wala naman akong nakikita. Hay, guni-guni ko lang ata yon. At sa wakas ako na rin. Agad akong pumasok sa C.R. at yon na nga. 

Paglabas ko ang tahi-tahimik ng hallway. Wala na akong nakikitang mga estudyante pa sa corridor. Time na ba? Napatingin ako sa aking relo, may 10 minutes pa ah bakit wala ng tao? Tinuloy ko lang ang aking paglakad patungo sa canteen. Nang mapansin ko ang bagong estudyante, si Daimon. Naglalakad ito pa opposite sakin meaning magkakasalubong kami. Pero naiilang ako sa tingin niya. Bakit ganun siyang makatingin? Walang kakurap-kurap ang mga mata. Nakipagtitigan din ako sa kanya. Malapit na kami. Eto na. Eto n_____

" Daimon." ako sabay takip ng bibig ko.  Hala, bakit? bakit ko nasambit ang pangalan niya? Hindi ko alam, parang may sariling isip ang bibig ko. Pareho kaming napahinto sa paglalakad. Magkatapat pa. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Nagkasalubong mga tingin namin. 

" P-Pasensiya na. D-Diko sinasadya. " ako

" Hindi pa tapos.............. babalik ka ulet.......... JENNY......" si Daimon, sabay alis pagkasabi nun.

Naiwan akong nagtataka at kinakabahan. Ano daw? Anong sinabi niya? Ako? hindi pa tapos? sa ano? Babalik daw ako ulet? A-Anong ibig niyang sabihin? Tinawag niya ang pangalan ko.... p-panu niya nalaman ang pangalan ko? 

" Jenny!" 

Bigla akong natauhan. " Ayah.'"

" Ang tagal mong mag-cr. Kanina pa kita hinihintay." si Ayah.

" H-Ha? Pasensiya na medyo mahaba ang pila kanina." ako

" Teka lang, bat parang namumutla ka?" si Ayah.

" Ha? ako, namumutla? Hindi ah." ako

" Oo kaya. Hay naku tayo na at kanina pa nagring yong bell. Lagot tayo nito." si Ayah.

Patakbo kami patungo sa room  namin, medyo nakakapagod umakyat lalo na't nasa 4th  floor kami. Pagdating namin dun saktong magsisimula na silang magdiscuss ng new lesson. Naisip ko baka nireview muna nila yong last lesson namin kaya sakto lang kami. Hehehe.. buti naman kong ganun, 

" Why are you late?" si Sir.

" Sorry po, sir." si Ayah.

Hindi na kumibo si sir kaya tinungo na namin yong upuan namin. At saktong napatingin pa ako kay Daimon. Nakatingin din siya sakin. Pero iba talaga ang tingin niya sakin yong tipong may balak na masama sayo?. Iniwas ko ang aking paningin at ibinaling kay Ayah. 

I Will Be Watching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon