CHAPTER 6- VAMPIRE

36 2 4
                                    

Isang sunod-sunod na katok ang narinig ko... alam kong si mama yon. Pagkauwe ko kasi di na ako bumaba para kumaen. Naiisip ko parin ang nangyari kanina, bakit dun pa? Nakalimutan na ba niya ang pinagkasunduan namin? Sa dami ng lugar bat dun pa niya naisipang dalhin si Daimon ?

Diko mapigilang mainis kay Ayah lalo pa nung makita ko ang eksenang naghahalikan sila.. Grabe! Ganun kabilis bumigay ang bestfriend ko bsta type niya ito. Yon ang pinagkaiba namin..

Itinuon ko nalang sa pagbabasa ang inis ko kay Ayah.

" Jennysience, may balak kapa bang kumaen ha?"

Napahinto ako sa pagbabasa ng marinig ko si mama. Siguro nag- alala or nagtataka si mama. Itinigil ko ang pagbabasa at tumayo. Tinungo ko ang pintuan at binuksan.

Pagkabukas ko ay wala na si mama. Napagdesisyonan kong bumaba nalang at kumaen. Pababa nako ng hagdanan ng makita ko siyang nagbabasa ng magazine sa sofa. Napahinto ako at siya naman ay napatingin sakin..

" wala kabang balak kumaen? "
Hindi ako sumagot.

" May problema ka ba, Jennysience? "
Tipid ko siyang nginitian.. " Wala po mama..."

" Masyado ka ng nahuhumaling sa kababasa mo ng libro. Itigil mo na yan."

Hindi ako sumagot..

" Aakyat na ako, kumain ka dyan niluto ko yong paborito mo.."

" Opo."

" At isa pa Jenny, tigilan mo na yang kakabasa mo ng libro lalo na kung horror.. "

Tumango lang ako bilang sagot.

At tuluyan na siyang umakyat. Habang nasa hapag kainan ako nakaramdam ako ng pagkatakot.. Hindi ko alam bat ang weird ng feeling ko araw - araw. Simula ng managinip ako tungkol sa Mansion unti -unting nagbago ang buhay ko..

Sa bawat subo ng pagkain feeling ko unti-unting nawawala ang lasa.. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang nangyari.. Tama ba yong ginawa ko?? Nasaktan ko ba si Ayah?

Pagkatapos kong kumain pumanhik nako sa kwarto.. Gusto ko siyang tawagan kaya lng andun parin ung inis ko sa kanya.. Kaya nakapag desisyon akong bukas nlng kakausapin..

Nilibang ko na lang sa pagbabasa ang isiping iyon..
Tik
Tok
Tik
Tok
Tik
Tok

Diko na namalayan ang oras masyado na pala akong nalibang sa binabasa kong libro ni rebeca ang Hush Hush... Nakakakilig kc ee at gustong gusto ko yong character ni Patch dun...

Time check: 11:30 na, ngunit heto at gising pa rin ako.. Gusto Kong matulog ngunit di ako makatulog.. Naiisip ko ang sinabi ni mama saken, naiisip ko ang nangyari nong nakaraang gabi.. Naiisip ko ang nangyari kanina.. Punong puno na ang utak ko.. Kay sarap sagutin yong tanong sa Facebook na ' What's on your mind' sasagutin ko tlga ng Bombarded.. Haizzzt ..

Napagdesisyonan Kong matulog na lang.. Pipilitin Kong matulog dahil may pasok pa ako bukas.. Bukas pala iba na ang shifting namin. Pang umaga kame .. Nakahiga na ako at pinatong ko lang ung libro sa dibdib ko.. Maang lang along nakatitig sa paindap indap na ilaw.. Oo paindap indap sya..

Teka lang... Paindap indap? Ilang minuto ba akong nakatingin dun? Nang sa bigla itong namatay.
Walang boses na lumabas sa bibig ko. Nanatili Lamang ako sa kinahihigaan ko.. Ayaw gumalaw ng katawan ko.. Gustong gusto Kong sumigaw.. Gustong gusto Kong tumakbo pero bakit di nakikisama ang katawan ko??

' Nakita rin kita'

At sa narinig ko bigla akong napasinghap.. Kay dilim.. Wala akong makita.. ' mama! ' sigaw ng isip ko..

Hanggang napansin Kong nagkaron ng mapusyaw na liwanag ang paligid ng aking silid..

Bumibilis ang tibok ng aking puso at unti unting naigagalaw ko ang aking katawan..

" Nakita rin kita ....'

Dala na siguro sa takot ay bigla akong bumalikwas at patakbong tinungo ang pintuan.. " Mama!! Mama!! "

Patakbo akong lumabas at ganun na lamang ang aking pagkabigla..

Kay lamig ng hanging dumadampi sa buo kung katawan.. Hindi ako makapaniwala .. Pano ako napunta sa labas?? At sa aking harapan ay ang mansyon.. Napaatras akong bigla .. Nanghihina ang aking tuhod na tila ba natatakot rin.. Nanginginig ang buo kung katawan... ' m-mama...'
Unti unting tumulo ang aking luha.. Naiiyak ako sa sobrang takot..

Tumakbo ako pabalik... " saklolo! Saklolo!! " sigaw ko..

Ngunit parang wala namang nangyari.. Bumabalik at bumabalik  lang ako sa mansyon..

"Pinaglalaruan mo ko ha!! Pwes !! Hindi ako natatakot sayo!!!! " at buong tapang akong pumasok sa loob.. Nanginginig ang buo kung katawan.. " Hindi ako magpapatalo sa isang panaginip lamang.. "

" Ano ha?!! Nandito na ko !! Lumabas kang duwag ka!! Gusto mo Kong patayin?? Cge patayin mo ko!! Patayin mo ko!!!! " sigaw ko..

Kasabay ng pagbaba ng isang lalaki sa hagdanan.. Dko masyadong maaninag ang mukha niya sapagkat may hood ito at medyo madilim pa.. Para akong napako sa aking kinatatayuan.. Ayaw ng gumalaw ang paa ko..

" H-Hindi ako natatakot sayo.. S-Sino ka? S-Sino ka ha?!!!"

Ngunit di siya sumagot.. Palapit siya ng plapit sakin.. ' Anong gagawin ko Panginoon?,, '

Isa.

Dalawa.

Tatlo.....

Kunti na nalang.  Malapit na siya saken..

Napapikit akong bigla.. Tinakpan ng dalawang palad ko ang aking mga mata.. Ayoko siyang makita.. Ayokong makita ang mukha niya.. Oo mahilig ako sa horror pero dko naman pinangarap ang makakita nito sa personal.. Napahikbi akong bigla.. Nakiramdam sa gagawin niya..

" Jennysience.."

Nagulat ako sa aking narinig.. Ano yon? Sinambit ba niya ang pangalan ko?? 

Maang akong napatingin sa kanya.. 

Nakatitig lang siya saken.. Diko gaanong makita ang mukha niya. Napansin ko ring matangkad siya sapagkat nakatingala ako sa kanya..
At napansin ko ring kaylapit na niya pala saken..

" S-Sino ka?? Bakit moko kilala?? "

" Hindi ko akalaing makikita pa kita sa panahong ito.. "

" A-Ano? Anong pinagsasabi mo? "

" Jennysience... " sambit ulet niya sa pangalan ko. Kasabay ng pagtanggal niya sa hood..  " Ikinagagalak kung makita ang anak sa pumatay sa aking ama.. "

At ganun na lamang ang aking pagkagulat...  Ang boses niya.. Ang mata niya.. At ang ngiting iyon..
" D-D... D-Daimon.... "

"Nagkita rin tayo... Jennysience.."
At pagkasabi nun bigla niya kong hinablot.. Kasabay ng pagsiil saken ng halik.. Ang sakit.. Ramdam ko ang hapdi ng aking labi at nalasahan ko pa ang dugo na mula rito. Marahas ko siyang itinulak ngunit napakalakas niya.. Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paghalik saken kasabay ng pagkirot ng aking dibdib..
Napahawak akong bigla sa dibdib ko at nanghihina ang aking katawan.. Nanlalabo ang aking mata..

Maya maya pay napansin ko ang papanaog na dalawang tao na nakasuot ng maitim na damit na mayroong hood..

' Sino sila?... '  kasabay ng pag ikot ng aking paningin..




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Will Be Watching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon