CHAPTER 2- NEW CLASSMATE

44 2 0
                                    

 " Ano bang nangyari sayo ha, Jenny? Bat nagsisigaw ka? Masama ba ang panaginip mo?" si mama (nag-aalala).

" O-Opo." ako.

Inilayo ako ni mama mula sa pagkakayakap. Napansin kong napako ang tingin niya sa akin. " Ano yan, Jenny? Dugo?" si mama. Kinuha niya ang aking kamay. OO, may dugo nga sa mga kamay ko, pero san ko to nakuha? Biglang nanumbalik sakin ang nangyari .  Panaginip nga lang ang lahat pero ano ang ibig sabihin nito? Muli, napasigaw na naman ako.

" Aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh...." 

-SCHOOL-

Maaga akong pumasok sa eskwelahan, alas-dose palang nasa school na ako. Panu ba naman kasi eh hindi ako makatulog mula nung gabing iyon.  Tinabihan na nga ako ni mama ee. Brainstorming ang dating sakin nang mga pangyayaring iyon. Panaginip lang ang lahat, isang masamang bangungot pero panu nagkaroon ng dugo sa mga kamay ko? Panaginip nga lang ba talaga yon? At isa pa, hindi ko maalala ang lugar na pinuntahan namin sa panaginip ko. Hay, grabe.... Hanggang dumating na nga ako sa room namin. Syempre, ako palang yong tao. Para kalimutan ang masamang panaginip, inenjoy ko ang sarili sa paglilinis ng classroom kahit hindi ako ang cleaners. Nang  matapos na ay pumuwesto ako ng upo sa may teacher's table. Tulala ako 0_o. Kaya ayun naalala ko tuloy. " Ano kayang ibig sabihin nun?" ako . " Okay lang kaya sila?" ako ulet. Ipinikit ko ang aking mga mata at isinubsob ang mukha sa table habang ang dalawang kamay ay nakatakip sa tainga. Ayokong maalala yon. Ayoko. Nasa ganun akong angulo sa loob ng kalahating oras. (Infairness, kakangawit nun ha..)

" Jenny?"

Pero wala akong naririnig. Sarado ang isipan ko. 

" HOY, JENNY!" 

Bigla akong napaangat ng tingin sa lakas ng boses. " A-Ayah?" ako.

" Oh, para yatang nakakita ka ng multo ah?" si Ayah (nagtataka sa reaksyon ko)

" Ayah.... ikaw nga ba yan? buhay ka?" ako. Sabay tayo. Kinurot ko pisngi niya.

" Aray!" si Ayah. " Ano bang nangyayari sayo ha, Jenny? Ang weird at ang OA mo." 

" Ikaw nga!" ako sabay yakap sa kanya. " Tama, panaginip nga lang yon... akala ko namatay kana .." ako.

" Namatay?" si Ayah.

" Nanaginip kasi ako, namatay ka raw... kayo nina John at Eric." ako (nakaharap na sa kanya).

" Hmpf!. namatay pala ako sa panaginip mo ha?!.. Alam mo bang sa bawat panaginip ko tayo ang bida?" si Ayah. " Tapos, pag ikaw namamatay ako." si Ayah, may himig pagtatampo.

" My friend naman, panaginip lang iyon ee." ako :((

" Joke lang. Oh, ano dala mo na?"  :D si Ayah.

Tumango lang ako. " Mamaya ko na ibibigay sayo." ako.  Hanggang sa nagsidatingan na ang mga classmates namin, hudyat ito na malapit ng mag.time. Saktong pag tick ng clock sa 1 nasa loob na kami. Dahil wala pa yong prof. namin for first subject, syempre maingay muna. Tsismis dito, tsismis doon, kwentuhan dito, kwentuhan doon. THEN.....

" GOODAFTERNOON CLASS!" bati ng prof namin pagkapasok niya. 

Kami naman kanya-kanyang takbo balik sa upuan. Grabe tong prof namin bigla-bigla na lang sumusulpot. 

" GOODAFTERNOON, MR. VENTURA!" chorus

" You may take your seat." si sir.

" Okay, before we start our discussion.. let me first introduce to you your new classmate. " si sir, tumingin sa labas ng pinto. " Please come in Mr. del Saga." 

Pagkasabi niya ay pumasok ang isang napakagwapong lalaki. OO, gwapo siya. Napanganga lahat ang mga girls. 'DEVO...' sambit ko. Wala akong kaide-ideya kung bakit ko nasabi yon. Maging ako ay nabigla rin. ?????????? bakit kaya?

" O...M....G...., ang gwapo niya, Jenny." si Ayah. Kinikilig pa.

" Oo nga. Pero mukha namang suplado." ako habang nakatingin din sa bagong dating.

" Okay, can you please introduce yourself to them?" si sir.

Tumango ito. " I'm Daimon del Saga, from Britain. I'm 200 years of old."

Nagtawanan ang lahat,..... ano raw? 200 years of old? WAHAHAHAHAHHA..XD

" SILENCE!" si sir (medyo natawa rin, pinipigilan lang). " Again, Daimon. 200 years of old?"

" Baka 20 sir." si Aaron.

" Matanda pa pala yan sayo, sir?" si Clyde.

Puno ng tawanan ang buong room. Maging ako ay natawa rin (harharhar)

" Jenny, nakatingin siya sakin oh." si Ayah (assuming naman toh)

" Ha?" ako sabay tingin sa bago. Nang biglang nagkasalubong ang tingin namin. Nakatitig siya.... sa akin?.....

" Diba? Type niya siguro ako..." si Ayah.

Wala akong tugon sa sinabi ni Ayah. Panu ba naman kasi parang sakin nakatingin si Daimon. Hala, parang nakatingin nga siya sakin... Sa akin ba? ' OO, SAYO NGA!' si konsensiya.

" Okay, Daimon... please occupy the vacant seat behind Ms. Mendez." si Sir, sabay turo sa direksyon ko.. 

Mas lalo tuloy kinilig si Ayah. Katabi ko kasi ito ng upuan tapos sa likod ko pa si Daimon. Pero, iba ang dating ni Daimon sakin... parang nakita ko na siya, diko lang maalala kung san. 

Habang naglalakad siya papunta sa direksyon ko ang mga mata niya nakatitig parin sakin. OO, alam kung sakin talaga siya nakatingin. Bumibilis naman ang kabog sa dibdib ko tas biglang sumakit balat ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. Nang malapit na siya iniba ko direksyon ng tingin ko. At yon, lumampas na nga siya sakin.  Nasa may likuran ko na siya, pero ang weird ha. Feeling ko kahit nakatalikod ako nakatitig parin siya sakin. Si Ayah naman, parang bumubwelong lingunin si Daimon.

Basta, ang weird talaga. Yong mga girls ang tingin nasa likod na. Hay naku, pano kaya ako makakapagconsentrate nito. Sana ilipat ni sir si Daimon ng pwesto. 

___________________________________________________________________________________

iamkyokun's note

Mabagal ba yong story? ganun talga mga readers... mas matagal mas maganda... 

The more the bagal, the more the kilig and thrill..

sorry sa late update ha, medyo busy po kasi ee...

Thanks sa mga nagvote at nagbasa nito

Special mention:

Coleen and Daniel

heheheh... indorse nyo sa iba ha.... chos XD

I Will Be Watching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon