PROLOGUE

103 4 1
                                    

MICAH'S POV ( WAY BACK 2013)

Nasa bahay kami ngayon ni Angela. Pag boring ang professor di kame pumapasok at minsan magka.cutting pa kame. Minsan lang naman at ito yon:

"Ang Santa Monica ay isa sa mga lugar na dinadayo ng mga turista dahil sa pagkakaroon nito ng mgagandang beach resort at hindi lamang yon, dahil na rin sa ganda ng tanawin dito. Ang Sta. Monica ay makikita sa lugar ng Siargao, Surigao Del Norte. Mayroon itong labing isang barangay. (Dinescribe tlga noh? hehehe.... ) kaya sino ang mag-aakalang pamumugaran ito ng mga bampira? Ayon sa isang kuru-kuro  may isang lumang mansyon sa sta. monica na sinasabing may bampira raw na naninirahan doon. May isang dalaga raw ang pumasok sa loob ng sinasabing mansyon at di na ito kailanman nakabalik pa. " mahabang salaysay ng mang-uulat sa TV.

" Hay naku! kalokohan. Sa taong ito may bampira pa? Haler, 2014 na kaya ngayon, dina uso yang mga vampy na yan." si Angela (si Angela ang unang tauhan ng kwentong ito bago si Jenny. Magkaiba sila ng eskwelahan at bayan. Walang kaugnayan sa isat-isa.)

" Wait lang friend, tingnan mo muna yong hunted mansyon." ako  

Sabay namang napatingin sina Angela at Trixie. " Sang lugar yan?" si Trixie.

" Sa sta. monica lang din yan pero san banda yan?" ako.

Maraming nagtangkang pasukin ang sinasabing mansyon sa kadahilanan din na maaari raw na may mga antique na kagamitan dito. Ayon sa ilang respondents mula sa karatig barangay, mahal daw ang antique kaya nagbabakasakali silang maghanap doon, ngunit nabigo sila sapagkat wala naman daw lumang mansyon sa sinasabing lugar. Totoo nga bang may mansyon sa sta. monica na pinamumugaran ngayon ng bampira? Totoo nga rin bang may bampira sa panahon ngayon o gawa-gawa lang ng mga tao? Ano ba ang ................

Agad na pinatay ni Angela ang telebisyon sabay kaming hinarap ni Trixie. " Naniniwala ba kayo sa balitang iyon?" si Angela.

" Malay mo naman kasi Angela. Wala namang masama pag naniwala ee." ako.

" You know what friend, magandang adventure yon." si Trixie.

" Adventure? " si Angela, salubong ang kilay.

" Yes friend! mag ghost hunting tayo. Ano?" si Trixie.

Nakita kung napangit si Angela. " Hmm... sige ba. Deal! Tingnan natin kung may bampira nga. Kung gwapo okay lang kung dina ko makabalik, Ahahahah...."

" Panu kung meron nga? makakabalik pa ba tayo?" ako

" Hay naku Micah! yang kaduwagan mo. Sa tingin mo ba meron nga? 2013 na ngayon. In short, digital age meaning new time. Wala tayo sa panahon ni Dracula noh." si Angela.

" Ghost hunting tayo ha?... " si Trixie.

Ang totoo niyan ayoko sa plano nila. Malay mo meron ngang bampira diba? Mamamatay kaming di pa nakagraduate? Haizt! wala akong magawa, mga kaibigan ko din sila. Tama si Angela bago na ang pahanon ngayon at wala kami sa panahon ni Dracula.

" Sige. Go ako." ako.

Napagsunduan namin na sa susunod na linggo kami pupunta sa lugar na iyon. Niresearch na rin ni Trixie ang lugar maging ang kwento ng lumang mansyon. Napag-alaman namin na wala naman daw mansyon sa nasabing lugar.  Ang sabi naman ng ilan meron daw. Ang sabi naman ng iba inasawa  ng bampira yong dalaga kaya hindi na ito nakabalik pa. Maganda daw kasi yong babae. Hay naku.... ewan....  Tuwang-tuwa pa si Angela. Naghahanap ng gwapong bampira. Pano kung gwapo nga? Anong silbi nun kung papatayin naman siya. Haizt talaga! 

STA. MONICA, SIARGAO

Lulan kami ng taxi papunta sa lugar na sinasabi ng balita na parte parin ng Sta. Monica. Actually, malapit lapit lang ito sa lugar namin. Sinadya ni Angela na gabi kami bumiyahe para daw mas nakakathrill. Mag goghost hunting daw kami. Wala kaming ibang dala bukod sa flashlights, cellphones at camera. 

" San po tayo miss?" tanong ng taxi driver kay Angela. Si Angela kasi ang nasa tabi ng driver's seat at kami ni Trixie sa backseat.  Hindi pa kasi namin sinabi kung saang lugar. Ang sinabi lang namin ay Alegria, Sta. Monica. Nasa Alegria na kami kaya nagtaka siguro yong driver. 

" Sa lumang mansyon po, alam nyo po ba kung saan banda yon dito?" si Angela

Biglang nagpreno si manong.

" Lumang mansyon?" 

" Bakit po, manong?" sabay na sabi naming tatlo.

" Hala, bumaba na kayo." si manong. " Alam nyo ba ang ginagawa ninyo? Alam niyo ba ang balita tungkol dun?" 

" Manong? Naniniwala ka po dun? " si Angela

" Naku!  kayong mga kabataan ngayon iba na talaga. Kayo yong lumalapit sa disgrasya ee." si manong.

" Manong, totoo po ba yong kwento?" ako

" Aba hindi ko alam. Pero wala namang masama kung maniniwala." si manong. " Ano, tutuloy pa kayo?"

" Tuloy po." si Angela.

" Bahala kayo, binalaan ko na kayo. Sige, bumaba na kayo. Nakita nyo ba ang daang yan? Diyan kayo papasok, dire-diretso lang yan... masukal sa loob at higit sa lahat walang mga kabahayan diyan." si manong.

" Salamat manong. Pero diko aakalain na duwag ka rin pala." si Angela.

Hindi na nagsalita si Manong. Mabilis na nitong pinaandar ang kanyang sasakyan. Pero syempre, bago siya umalis nagbayad na kami. 

I Will Be Watching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon