Jho's POV
"Mga Ate ayos na ba lahat?" tanong ko kay Ate Amy at Ate Ella
"Yes Jho. Tignan mo nga tong listahan baka may kulang pa." sabi ni Ate Ella sakin. Hmmm. Parang wala naman na.
"Wala na ate. Ate Marge yung video okay na?" tanong ko.
"Hindi pa pero sure na matatapos ko to mamaya. Dont worry." sabi naman nya. Nag nod ako.
"Yung baloons? Roses?" tanong ko
"Idadaan na din namin ni Babe ko later." sabi ni Ate Ells.
"Good. May kulang pa ba?" tanong ko
"Hoy Jho! Chill ka lang." sabi sakin ni Jirah
"Mas tense ka pa kesa kay Den e!" Sabi ni Ate Els
"Relax Jho." sabi naman ni Ate Amy. Huminga ako ng malalim. Feeling talaga ne? Hahaha.
"Sobrang naeexcite lang talaga ako!" kilig na sabi ko. Kasi naman monthsary na nila Ate Den. Ang saya kaya. Madaming pagkain!😁😁
"Wait. San na pala si Ate Den?" tanong ko.
"Kasama ni Bea nagshoshoping. Iniwan ka bes. Hahaha" loko sakin ni Ate Ells. Naku talaga yung taong yun. Masapak ko na yata. Di man lang nagpaalam.
"Bastos talaga yun. So okay na lahat? Go go go!" sabi ko at agad na kaming naghiwahiwalay. Agad ko naman tinawagan si Bea
"Hello Love?"
"Hoy Beatriz!! Wag mo nga akong malove love dyan! Bigla ka na lang umalis di ka man lang nag paalam! Aba! Baka nakakalimutan mo De Leon, may girlfriend ka na! Hindi ka na single!"
"Oh. Chill ka lang Love ko. Sorry na. Si Ate Den kasi e. Bigla na lang akong hinila tapos papasama daw. Hindi naman na ako makatanggi kasi nasa loob na kami ng sasakyan nun Love."
"E bakit di mo ko tinawagan?!"
"E kasi Love sabi ni Ate Den wag daw kita istorbohin kasi kanang kamay ka daw nya."
"Wag kang mangbabae dyan Beatriz!"
"Op-- *Hi Bea! Nandito ka pala!*"
"Hoy! Sino yan De Leon?!"
"*Uy E-Ej.. N-nandito ka din pala. Hehe*"
"DE LEON!!!!!!!!"
*****************************
Bea's POV
Here I am. Stuck with the one and only EJ Laure. Lagot na naman ako neto pag uwi e. Hay! Ayokong matulog sa labas! Hindi ko kayang hindi sya katabi. Hindi ko kayang hindi sya naaamoy. Hindi ko kayang hindi sya nayayakap. Hindi ko kayang hindi nahahawakan yung ano.. Ahmm.. Yung ano..
Yung kamay nya. Kayo naman! Masyado. Hahaha. Basta hindi ko talaga kaya. So ipanalangin nyo na ako na makatabi ko sya matulog ngayong gabi. Huhu.
"Uy Bei! Di ka naman nakikinig e. " sabi nya sakin. Nagsasalita pala sya? Lutang bes.
"Ano yun EJ? Sorry."hingi ko na lang ng pasensya.
"So yun nga. Birthday ko na next week. Punta ka sa bahay namin ha? Im sure hahanapin ka ni Mama." sabi nya