ALYSSA'S POV
Laban namin ngayon with the Adamson. 2-0 na. And sobra na din akong naiinis kasi pumunta si LA -.- May banner pa na nakalagay na "Go Den!" Ganun! E kung bombahin ko sya ngayon?! Girlfriend ko yun e! Tss. And nasasad din ako kasi kung dati yakap yung ginagawa namin ni Den every point of the team, ngayon group hug na kasama yung team :3 Napag usapan na kasi naman yun kagabi na bawasan muna namin yung yakap yakap para di kami maissue. Anong magagawa ko? May reputation kaming inaalagaan. Haay..ang hirap talaga ng ganito. Natauhan na lang ako nung binulong sakin ni Den
"I love you MVP"
Tapos pumasok na sa court. Hihi. Kinilig naman ang lola nyo. Hahaha. Pumasok na din ako sa court.
Nagserve si Bea then namiss recieve ni Zapanta free ball galing kay Paat. Dig ng loves ko, set sakin ni Jia then Boomm!!!
Point para samin. Napatumba pa sa Bang kaya pumunta ako sakanya at tinulungan syang tumayo.
"Sorry Bang" sabi ko
"Bagyo ka talaga Valdez. Haha" sabi naman nya sabay hampas sa braso ko.
"Aray! Baka nakakalimutan mo Spiker ka bang! Ang sakit ah" sabi ko habang chinicheck yung hinampas nya. Huhu. Nagviolet na. Charing.
"Hahaha. Sorry naman" sabi nya. Pumito na yung referee kaya bumalik na ko.
"Patay ka kay Commander" sabi ni Ella. Tinignan ko si Den.
Patay. Beastmode na.
Nagpatuloy yung game at wala sa focus si Den kaya pinalitan sya ni Mae. At eto namang si Bang kindat ng kindat! Nak teteng! Lalo akong patay neto e. Huhuhu.
Di nagtagal natapos na yung game. Syempre panalo kami. Yey!! Nakipag shakehands kami sa Adamson. At nung malapit na yung kamay ko sa kamay ni Bang bigla akong tinulak ni Mads kaya medyo mabilis lang yung pagkahawak ko sa kamay nya.
"Sorry capt. Si Ate den kasi tinulak ako e" sabi nya. Ahh. Now I know
"Okay lang mads" sabi ko.
And player of the game is me. So si Laura yung nag interview sakin.
"So Boom and Mozy I am her now with Alyssa Valdez our player of the game. So Alyssa what are your plans for the next game? We are facing your rivalry De Lasalle lady spikers. Is there any adjustments with the training?" She ask.
"Everyday naman Lau we are preparing talaga and wala naman masyadong adjustments kasi we're still keeping our focus every game, we meditate a lot and syempre we play happy" nakangiting sabi ko.
"Oh. So congratulations Ly for winning the game, who do you want to greet? Family, friends." Sabi nya habang nakangiting sabi sakin.
"I want to thank our sponsors, the Ateneo community and the fans of course. Family ko dyan sa batangas. Family ng teammates ko. Sila Tito Mike and Tita Arlene. Kay Mama at papa ko. Tsaka friends ko!" Masayang bati ko. Syempre kaylangan makapoints kila Tita para di na kami mahirapan ni Den pag umamin kami sakanila
"How about Kiefer? Yiee!!" Sabi nya sakin habng tinutusok yung braso ko. Psh. That Ravena. Tumawa na lang ako ng peke
"Haha. Hi" sabi ko.
"And there you have it, Alyssa Valdez. Back to you Boom and Mozy" sabi nya. Nung natapos nya at kumakanta na ng Ateneo Hymn bigla akong inakbayan ni Lau.
"Kamusta naman ang ex ko? Balita ko nililigawan ka ni Kiefer ah" sabi nya. Nagulat naman ako. The heck! Hindi nga ako pumayag di ba? Anong pinagsasabi nito?