Chapter 1: Meeting Him Again

101 1 0
                                    

Napatingin lang si Lancel sa paligid niya. Everyone is very busy sa mga nakaatas sa kanilang mga gawain. Acquaintance Day kasi ng mga bata sa orphanage na pinagtatrabahoan niya. Nurse siya ng Home for the Homeless, ang pangalan ng orphanage kung saan siya nagtatrabaho at para na ring naging tahanan niya sa loob ng limang taong pamamalagi.

Maraming offer sa kanya sa ibang bansa lalo na noong mag-top siya sa buong Pilipinas sa board exam noong nakaraan pero dinecline niya ang mga iyon dahil narin napamahal na siya sa Homes.

Mahal na mahal na talaga niya ang mga bata dito kaya gusto nga niyang manatili na lang kesa maghanap pa ng iba na alam naman niyang hindi niya ma-i-enjoy. At isa rin sa mga dahilan ay ayaw niya ring mawalay sa tumatakbong bata papalapit sa kanya.

"Tito! Tito!" ang biglang tawag ng bata na nasa ika-anim na gulang na habang patakbo palapit sa kanya. His name was Marco.

"Hindi mo naman kailangan tumakbo Marco," sabi niya sa bata sabay punas sa namumuong butil ng pawis sa noo nito. Binuhat niya ito saka pinaupo sa lap niya. "Good boy ba ang baby ko?" tanong niya rito.

"Opo, tito. Nagbeheb lang po ako sa kwarto," sagot nitong nakangiti.

Ang ngiti nito ang nakatunaw sa puso niya. Ang hindi lang niya gusto ay tuwing ngumingiti ito ay nakakaramdam din siya ng konting kirot dahil pamilyar na pamilyar iyon sa kanya. Hindi lang talaga niya alam kung bakit.

Kinarga niya si Marco at pina-upo sa lap niya. Naaalala pa nga niya ang araw na dumating ito sa homes.

It was Sunday afternoon just last year. Busy si Lancel dahil nga kailangan niyang magprepare ng mga report na ipapasa niya sa Head Nurse nila na si Nurse Kimberly.

They were divided into different stations pero kahit ganoon ay alam na niya ang nga gawain sa kahit anong istasyon. Sampung taon na kaya siyang nagtatrabaho sa homes.

Papunta na sana siya sa Housekeeping Station nang mapansin niya ang isang batang lalaki na nakaupo sa labas ng office ni Mrs. Lagrenio, ang head ng Adoption Station.

Nilapitan niya ito at ngumiti siya rito. "Hi! Anong name mo?" masiglang bati niya sa bata.

Ngumiti naman ito bilang ganti. "Marco po kuya."

Sa tingin niya ay nasa limang taon na ang edad ng paslit. "Sino ba ang kasama mo at nasaan sila?"

"Si Mommy po" sagot nito at saka itinuro ang pintuan ni Mrs. Lagrenio. Teka lang. May plano bang ipa adopt sa kanila ang bata?

Napatingin siya rito at napangiti.  "Babalik din ang kasama mo ha. Huwag kang aalis diyan."

His First Love (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon