Maagang nagising si Lancel ngayong araw na iyon. Pang-pitong araw na nila bilang magkasintahan ni Franco. Kinabukasan matapos ang date nila ay mas naging malambing ito. Lagi siyang pinapaalalahanan na kumain sa tamang oras at mag-aral nang mabuti.
Pero tago ang relasyon nila sa loob ng paaralan. Kahit ang bestfriend niya ay hindi niya sinabihan tungkol sa kanilang dalawa.
Ngumingiti lang ito kapag nagkakasalubong sila sa daan. Hindi na rin ito sumasabay sa kanya na kumain dahil baka magtaka na ang ibang estudyante roon kung bakit lagi silang magkasama.
Matapos makapagbihis ay excited na lumabas siya ng bahay. Excited siya na makita ulit si Franco ngayong araw na ito.
Palabas na sana siya ng pintuan nang makita niya ang kanyang tito sa hindi kalayuan. Ngayon lang yata ito umuwi.
"Nagluto ka ba ng pang-agahan?" tanong nito nang makalapit.
"Opo. Papasok na po ako sa paaralan," sagot niya. Hindi na rin ito nagsalita at pumasok na sa loob ng bahay.
Napabuntong-hininga na lang siya dahil wala na talagang pag-asa na magbago ang tingin nito sa kanya.
Habang binabagtas ang daan papuntang sakayan ng jeep ay napansin niya ang isang ginang, na sa tantiya niya ay nasa limampung taong gulang, ang nakatitig lang sa may tila groceries na nakakalat lang sa daan. Mukhang naputol yata ang hawakan ng plastic bag nito.
May mga taong dinaraanan lang ito at saka hindi ito pinapansin.
Kahit alam niya na mali-late na siya ay hindi siya nag-atubiling lapitan ito.
"Ma'am, may maitutulong po ba ako?" magalang na bati niya rito.
"Okay lang iyon, Hijo. Napunit lang ang hawakan ng plastic bag kaya nabitawan ko. Kaya ko ito."
"I insist po," aniya sa ale. Naalala niya na may eco bag pala siya para sana sa mga basang damit niya dahil may swimming exam sila. Kinuha niya iyon saka kaagad na pinulot ang mga nagkalat para ilipat doon.
"Naku, Hijo. Nakaabala pa yata ako sa iyo pero salamat."
"Wala po iyon, Ma'am," sabi niya habang abala sa pagpupulot sa mga nagkalat. Nang matapos ay kaagad na tumayo siya. Sa halip na ibigay ay nag-insist pa siya na ihatid ito.
"Sigurado ka ba?"
"Opo," tugon niya. Saka nagsimula na silang maglakad papunta sa bahay nito.
"Ano nga pala ang pangalan mo, Hijo?" biglang sambit ng ginang habang naglalakad.
"Lancel po," sagot naman niya.
"Wala ka bang pasok ngayon?"
Siguro ay napansin nito ang i.d. sling niya na suot niya ngayon. "Meron po pero okay lang po iyon kasi wala naman kaming pasok sa ibang subject. Intrams po kasi namin ngayon."
Naalala niya na Intrams nga pala ngayon sa school kaso may pasok pa sila sa P.E. kasi exam nga nila.
Matapos ang ilang minuto ay narating na nila ang bahay nito ngunit hindi bahay ang nahintuan nila kundi isang sobrang laki na gate na gray ang kulay.
"Lancel, dito na lang. Salamat sa pagtulong," nakangiting saad ng ginang.
"Walang anuman po," sagot niya saka ibinigay ang mga pinamili nito.
Kumatok ito sa mas maliit na gate na konektado lang din sa malaking gate. Sinalubong sila ng nakangiting guwardiya.
"Ma'am, ako na po diyan," saad nito saka tinulungan ang ginang sa mga pinamili.

BINABASA MO ANG
His First Love (BoyXBoy)
RomansPangalawang beses ng nasaktan si Lancel sa dalawang lalaki pero mas masakit ang nangyari sa kanila ng ikalawa niya na si Franco dahil nagkaroon siya ng trauma noong naging sila pa nito. Mabuti na nga lang ay nakilala niya si Marco, ang cute na bata...