8 years ago
Nakayukong naglalakad sa pasilyo ng 4th year building si Lancel. Nahihiya kasi siya. Pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng nakatambay sa gilid ng hallway.
Last week kasi ay nalaman na ng halos lahat ng mga estudyante sa paaralan niya ang kanyang sekreto.
Oo, bakla siya. Nagkakagusto siya sa kapwa lalaki. Pero choosy din naman siya. Gusto niya na mahal din siya nito bago siya magkakagusto rito.
At ang naka-alam pa ng sekreto niya ay ang walang-hiyang kaklase niyang si Michael. Nakuha kasi nito ang diary niya at nabasa.
At ito nga. Naging sikat siya sa school.
"Hi gurl," narinig niyang tawag ng isang lalaki pero di siya lumingon. Dire-diretso lang ang lakad niya.
"Hindi ako bakla, kla, kla, kla," tukso pa ng isa.
Nasasaktan siya. Para bang may sakit siya na nakakahawa.
Nagpatuloy siya sa paglalakad nang biglang ....
"Aray!"sigaw niya nang bigla siyang matumba. May humarang palang paa sa dinaanan niya kaya siya natumba.
"Bakla na nga, lampa pa!"
Nagtatawanan na ang mga naroon. Tumutulo na rin ang luha niya. Nasasaktan siya at hindi na niya natiis iyon.
Patuloy pa rin ang tawanan ng mga naroon nang may nagsalita.
"Anong kaguluhan ito?!!!" sigaw ng isang lalaki. At infairness, maganda ang boses nito kahit na sigaw iyon.
"May bakla po kasing natumba," paliwanag ng isa at tumawa.
"Alam niyo bang bawal dito ang pang-bu-bully? Gusto niyo bang ma-terminate sa school? Graduating pa naman kayo," seryoso ngunit nakakatakot na banta nito.
Humingi ng tawad ang mga naroon pero alam niyang pakitang-tao lang iyon. Hindi niya kasi ramdam ang sincerity ng mga nag-apologize.
"Okay ka lang ba?"
Hindi niya ata namalayan na lumapit ito. Tumingala siya at natulala siya nang makita ang itsura nito.
Ang guwapo!
Mula sa makapal nitong kilay, sa mahaba nitong pilikmata, sa bilogan nitong mata na kulay light brown, sa matangos nitong ilong at sa mapula-pulang labi, aba'y kahit na sino ay magkakagusto rito.
Tumikhim ito dahilan para bumalik ang ulirat niya. "Sabi ko, okay ka lang ba?" nakangiting sabi nito.
At ang ngipin, ang puti, kompleto at ang ganda.
Tumango lang siya bilang tugon.
Napansin niyang inilahad nito ang kamay nito. "Let me help you stand," sabi nito sa malambing na boses.
Walang pag-aalinlangang tinanggap ang kamay nitong napakalambot.
"Salamat," mahinang sabi niya. Nahihiya siya hindi dahil sa nangyari kanina kundi dahil sa pagtulong nito sa kanya. Nagmukha tuloy itong knight in shining armor niya. "Sige slamat uli," pagpapaalam niya rito.
Tumalikod siya ngunit lalo siyang nagulat sa ginawa nito.
Inakbayan siya nito at pinagdikit ang mga katawan nila. "Samahan na kita," alok nito.
Wala siyang magawa kundi ay tanggapin ang alok nito. Nagsimula na silang naglakad sa pasilyo. Ang lakas ng tibok ng puso niya at parang nawala siya sa sarili dahil sa ginawa nito. Hindi niya alam kung paano magre-react.
BINABASA MO ANG
His First Love (BoyXBoy)
RomancePangalawang beses ng nasaktan si Lancel sa dalawang lalaki pero mas masakit ang nangyari sa kanila ng ikalawa niya na si Franco dahil nagkaroon siya ng trauma noong naging sila pa nito. Mabuti na nga lang ay nakilala niya si Marco, ang cute na bata...
