"Huwag kang tumulad sa tatay mong bakla," saad ng mommy niya habang kumakain.
"Yes, Mom," walang ganang sagot niya. Mukhang mawawalan pa siya ng gana pero mabuti nga at nakontrol niya.
Matapos ng hapunan ay kaagad siyang pumunta sa kwarto at nahiga sa kama niya. Ilang beses din siyang napatitig sa kisame bago nagdesisyon na i-text si Lancel.
Good evening, Lance. Gising ka pa ba? May sasabihin sana akong importante bukas.
Wala pang dalawang minuto ay nag reply na ito.
Oo, Franco. Gising pa ako. Sige, kita nalang tayo sa school.
Mukhang hindi siya mahihirapan sa balak. Ang dali kasi nitong kumagat sa pain niya.
Simula noong malaman niya kung ano ang 'bakla' ay nahiligan na niyang kaibiganin ang mga ito, paaasahin at saka iiwan sa ere. At mukhang si Lancel ang susunod niyang biktima.
---------------------
KINABUKASAN ay excited na excited si Lancel na pumunta sa school. Magkikita kasi ulit sila ni Franco.
Napapangiti siya tuwing naaalala niya ang sinabi nito.
"Wala naman sigurong problema kung maging kami ni Lancel."
Parang ang sarap lang kasi sa taingang pakinggan iyon mula sa lalaking gusto niya. Oo, gusto niya si Franco. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto rito, eh ang bait-bait nito at saka gwapo? Matalino rin ito saka role model pa ng buong campus.
Ngunit kailangan niya rin mag-ingat na mahulog ng tuluyan sa lalaki kasi baka naman maulit 'yung nangyari sa kanya noon.
Matapos makapagbihis at makapagprepare ay kaagad na naglakad siya papuntang school nila. Walking distance lang kasi at saka nagtitipid din siya kaya kesa gumastos para sa pamasahe ay nilalakad na lang niya.
Kararating pa lang niya sa gate nang may biglang humatak sa kanya at dinala siya sa kung saan. Napalingon siya sa mukha ng humatak sa kanya at namula siya nang makitang si Franco pala iyon. Napansin niyang tense ito.
"Ah, Franco, saan mo ako dadalhin?"tanong niya na nagpatigil dito.
"Sumama ka na lang," nakangiti pero tense pa rin na sagot nito.
Nakarating sila sa likod ng 4th year high school building. Napansin niyang sila lang ang nandoon.
"Bakit mo ako hinatak at saka bakit ang tense mo ngayon?" inosenteng tanong niya.
Humarap ito sa kanya pero hindi ito dumiretsong tumingin. Napakamot ito sa batok bago nagsalita.
"Hindi ba sinabi ko sa iyo na wala namang masama kung maging tayo?" Tumango siya bilang sagot saka nagpatuloy ito. "Alam mo ba noong una kitang makita nung tinutukso ka ng mga schoolmates natin, na curious ako sa iyo pero actually, matagal na talaga kitang napapansin dito sa school. Saka tinulungan kita noon kasi nga gusto kitang makilala. Ewan ko ba pero tila may kung anong pwersa na nagsasabing dapat kitang kilalanin."
Huminto ito saka hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula pero sa tuwing magkasama tayo, I feel happy. I feel comfortable. I like you, Lance."
Natigilan siya sa kaagad nitong pagtapat sa kanya. Hindi niya inaasahan 'yun.
"Kung pahihintulutan mo, liligawan sana kita. Lance, can you be my boyfriend?"
Mas lalong nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Boyfriend???
"Nililigawan mo ako? Bakit?"
Natawa ito saka ngumiti. "Anong bakit? Eh, sa gusto kita," malambing na sabi nito. "Ano nang sagot mo?"
Hindi pa rin alam ni Lancel ang isasagot dito. May gusto naman siya kay Franco kaso parang sobrang bilis naman ata.
"P-pag- iisipan ko m-muna," nauutal niyang sagot. "Bigyan mo muna ako ng time para makapag-isip. Basta bago ang uwian, sasabihin ko ang sagot ko."
Nakangiting tumango si Franco. "I am expecting that your answer is yes."
Napakibit-balikat nalang siya saka nagpaalam na sa binata kasi may klase pa siya.
Habang nasa klase ay hindi matahimik si Lancel. It was really unexpected na may mag-co-confess sa kanya, na may mangliligaw pa sa kanya despite his appearance and his gender.
He is just nothing compared sa ibang lalaki o babae sa school. Siya 'yung tipo na moreno na kulot ang buhok at iyong tipo na hindi pansinin.
Pero pinadama sa kanya ni Franco na special siya. Na may magkakagusto sa kanya kahit na ganito siya. Na kahit simple lang siya. Tuluyan na talagang nahulog ang loob niya sa lalaki.
Nakapagdesisyon na siya at hindi na siya makapaghintay.
--------------------------Matapos ang klase ay kaagad na dumiretso siya sa tagpuan nila ni Franco. Nag-text ito na sa likod pa rin ng 4th year building sila magkikita.
Habang papalapit siya sa lugar ay ibayong kaba ang nararamdaman niya. Mas lumakas ito nang matanaw niya ang binata sa 'di kalayuan. Kaagad na nilapitan niya ito.
"Kanina ka pa?" bungad niya.
"Hindi naman masyado. Kadarating ko lang din. Ano na ang sagot mo?" tila excited na tanong nito.
Napayuko siya. "Ahhh.... t-tungkol doon. Uhm.... Sorry."
"Bakit?" Nahimigan niya ang lungkot sa boses nito.
Tiningnan niya ito. Nakita rin niya ang lungkot sa mukha nito.
"Sorry kung pinatagal ko pa 'yung sagot ko. Dapat kanina pa, eh," saad niya saka napakamot siya sa batok. "Franco, oo, sinasagot na kita."
Nagliwanag ang mukha nito. He was really happy.
Bigla-bigla ay niyakap siya nito. "Thank you. Thank you," paulit-ulit na sinabi nito.
Nagpapasalamat nga siya dahil sa mga oras na iyon ay walang tao ang lugar na iyon.
Dama niya ang sincerity at nararamdaman nito dahil siya rin ay iyon din ang nararamdaman niya sa binata - sa boyfriend niya.
Boyfriend. Isang bagay na akala niya ay hindi siya magkakaroon dahil na rin sa personality at sa pisikal niyang anyo at lalong-lalo na sa gender niya.
Kumalas ito sa pagkakayakap saka seryosong tumitig sa kanya. "Wala ng bawian iyan, ha," nakangiting saad nito.
"Oo naman," napatango-tangong sagot niya habang nakangiti.
"Ano bang gusto mong tawagan natin?"
"Ikaw ang bahala."
Napaisip ito. "Hmmm.... babe?"
"Okay.... babe."
"Babe, sana atin-atin lang muna ito ha. Hindi naman sa ikinakahiya kita pero gusto ko lang din munang itago lalo na sa mga kaibigan mo. Pagkatapos ng ilang buwan, sasabihin ko rin sa kanila," pahayag ng boyfriend niya na ikinatango lang niya.
"Oo naman. Naiintindihan kita," tipid ang ngiting sabi niya. "Saka ayaw ko rin munang malaman ni Tito 'yung tungkol sa atin. Alam mo namang galit iyon lalo na kung tungkol sa relasyong ganito. Ayoko lang maulit iyong nangyari noon."
Tumango ito. "Oo naman. Pangako ko sa iyo na hinding-hindi kita sasaktan at hinding-hindi kita bibigyan nang anumang rason para saktan ka."
Muli na naman itong yumakap sa kanya at ginantihan naman din niya. Matapos ay nagdesisyon na silang umuwi.

BINABASA MO ANG
His First Love (BoyXBoy)
RomancePangalawang beses ng nasaktan si Lancel sa dalawang lalaki pero mas masakit ang nangyari sa kanila ng ikalawa niya na si Franco dahil nagkaroon siya ng trauma noong naging sila pa nito. Mabuti na nga lang ay nakilala niya si Marco, ang cute na bata...