Chapter 3: His Second Day

27 1 0
                                        

Maagang nagising si Lancel nang sumunod na araw. Masaya siya dahil kahit na kinukutya siya ng mga estudyante ay tila naging knight-in-shining-armor niya si Franco.

Bumangon siya para maligo nang biglang tumunog ang message tone ng cellular phone niya.

Binasa niya ang nasa screen. It was an unregistered number. Kaagad niyang binasa ang laman ng text.

Hi Lancel. Good morning. Si Franco ito. 😊 Kumain ka na ba? Mag-almusal ka na ha. Huwag na huwag kang magpapagutom.

Oo nga pala. Hiningi pala nito ang number niya.

Ang laki ng ngiti niya nang mabasa ang mensahe nito. Napakalambing naman ng lalaking ito.

Kaagad siyang nagreply.

Good morning din, Franco. Kakagising ko lang. Ikaw? Kain ka na rin diyan. Salamat sa pag-aalala.

Makalipas ang ilang sandali ay nag-respond ito.

Tapos na, Lancel. Can I call you, Lance if okay lang? Can I invite you for lunch? Gusto ko sanang sabay tayong kumain mamaya.

Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o magduda sa sinabi nito. For the first time ay may nag-invite ng lunch at ang lalaking ito pa.

Yes. It is okay. You can call me Lance if you prefer that and yes, it will be a pleasure na samahan kang kumain ngayong tanghali.

Hindi na siya nakatanggap ng response kaya nagmamadali siyang bumangon para maligo.

Matapos maligo ay pumunta na siya sa hapag-kainan para mag-almusal. Nadatnan niya roon ang stepfather niyang si Rodrigo.

Matapos kasing mamatay ang tunay niyang ama noong limang taong gulang pa siya dahil sa aksidente ay ang ina na niya ang nag-alaga sa kanya.

Akala nga ng lahat ay hindi na ito magmamahal ulit pero katulad nga ng mga nasa palabas, na-inlove ito kay Rodrigo makalipas ang pitong taon.

Mabait at malambing naman ang stepfather niya. Pero simula nung mag-abroad ang mama niya ay lumabas ang tunay nitong pagkatao.

Lasenggero ito at laging sumusugal. Minsan ay nakita niya itong naninigarilyo. Minsan nga ay nalatayan na nito ng sinturo ang binti niya nang mabasag niya ang paborito nitong mug.

"Magandang umaga po Tito," bati niya rito.

Kasalukuyan itong nagbabasa ng diyaryo. Inilipat nito ang tingin sa kanya saglit para bumati saka ibinalik ulit sa binabasa.

Himala at good mood ito ngayon. Siguro ay pinadalhan ng pera ng mama niya kaya napakaganda ng mood.

"Papasok ka na?" tanong nito habang nakatutok sa binabasa.

"Opo."

"Ang aga naman ata."

"May project po kasi kami kaya mapapaaga ang pasok ng teacher namin."

Tumango-tango lang ito. "Baka mamaya hindi ako dito matutulog. May inuman kasi kami ng kumpare ko sa kabilang barangay. Baka doon na rin ako matutulog."

"Okay po."

Nagpaalam na siya saka naghanap ng jeep papunta sa school nila. Nagpapasalamat nga siya dahil malapit lang ang school nila. Isang sakayan lang.

His First Love (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon