Chapter 8: His First Kiss

2 0 0
                                    

Nang matapos na silang kumain ay napagdesisyunan nilang dalawa na maglakad-lakad muna sa park. Medyo marami-rami na rin ang gumala roon.

"Salamat nga pala ulit, Babe. Kung hindi dahil sa iyo baka hindi na natuloy ang ating date," saad ni Franco.

Ngumiti siya. "Ano ka ba? Okay lang talaga iyon, Babe."

"Basta salamat ulit, Babe. Babe, I hope na maiintindihan mo kung bakit kailangan muna nating itago sa buong school 'yung relasyon natin. Ayoko lang talaga kasi na baka magalit ang mga teachers natin kapag nalaman nila ang tungkol sa atin. Labag kasi ito sa rules ng school."

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay nito. "Naiintindihan ko, Babe. Huwag kang mag-alala."

"Salamat, Babe. Ikaw, Babe?"

"Ha?" maang niyang tanong.

"Tinanong mo kasi ako kanina kung ano ba ang nagustuhan ko sa iyo. Ikaw? Gusto mo ba ako? Bakit mo ako sinagot kaagad?"

"Sinagot kita kasi nagtitiwala ako sa iyo at mahal na kita simula noong ipinagtanggol mo ako sa mga umapi sa akin. Ikaw lang ang taong gumawa ng ganoon" direkta niyang sagot.

Ngumiti lang din ito sa sagot niya. Ngayon lang niya napansin na lalo itong gumagwapo kapag ngumingiti.

Napansin niya ang bakanteng bench kaya tinuro niya ito kay Franco saka sila naupong dalawa.

Nagustuhan niya ang view nang makaupo. They were facing the whole park kaya kitang-kita ang mga ginagawa ng mga tao roon. Everyone was really busy. Nadagdagan rin ng mga bisita ang park.

"Babe, salamat nga pala sa pagdala sa akin dito. First time ko rito," maya-maya ay sabi niya matapos umupo.

"First time?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Tumango siya at sinundan naman kaagad nito ng tanong iyon. "Bakit?"

"Sa bahay at paaralan lang kasi ang araw-araw na gawain ko. Minsan kapag kailangan kong mag-grocery ay dumadaan lang ako sa maliit sa supermarket malapit sa bahay namin."

"Nasaan nga pala ang mommy mo?"

"Nasa Canada. Nurse kasi siya saka gusto niya na doon magtrabaho dahil na rin sa malaki ang pasahod doon kesa dito sa bansa natin."

"Umuuwi ba siya sa inyo?"

"Last niyang uwi ay 3 years ago pa. Simula noong malaman niya ang tungkol sa akin ay hindi na siya umuuwi. Nagpapadala na lang siya ng pera sa stepfather ko. Doon ko na rin kinukuha ang para sa school fees ko."

Dahil boyfriend nga niya ito kaya komportable siya na i-share ito rito.

"Ikaw, Babe? Anong mga hobbies mo?" tanong niya sa kausap.

"Aral lang at SSG-related works. Busy kasi ako sa posisyon ko. Dapat din ready na ako sa susunod na election next year."

Magtatanong pa sana siya rito nang biglang mag ring ang phone nito. Kaagad namang sinagot ni Franco iyon.

"Yes Ma?"

Sumenyas ito na sasagutin na muna nito ang tawag kaya lumayo ito saka naghanap ng tahimik na lugar. Naiwan naman siya sa kinauupuan niya.

Matapos ang ilang sandali ay lumapit ang isang matanda sa kanya na may dalang gitara. Sa tantiya niya'y nasa kwarenta na ang edad nito.

"Iho, maaari bang kumanta? Kahit ito na lang ang gagawin ko para kumita ng pera. Kanina pa ako rito pero sa tuwing lalapitan ko sila, pilit nila akong tinataboy."

Parang kinukurot ang puso niya sa sinabi ng matanda. Nakaramdam siya ng awa.

"Sige po."

Nagsimula na itong tumugtog ng gitara. Tinugtog nito ang isang kantang pamilyar sa kanya

His First Love (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon