Chapter 5: Hasmonean Palace

512 13 0
                                    

Ch. 5: Hasmonean Palace

It's been weeks since Jazhielle and Troy move-in to Hasmonean Palace.

"Unang una, Hindi kita gusto..."

Napatingin si Jazhielle kay Troy. 

Ha?! Ang kapal talaga nito! "H-Hindi rin kita gusto no!"

"...patapusin mo muna ako pwede?! Psh. =__="

hindi sumagot si Jazhielle.

"Okay. Gusto ko lang sabihin na hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan kaya huwag kang magpacute sakin..."

Nanlaki ang mata ni Jazhielle. 

Kailan ba ako nagpacute sa kanya!? aba! Naka-drugs ata 'to eh! Sa tanan ng buhay ko, hindi pa ako nagpapacute o nanlalandi no! >____<

"...At since hindi tayo close, wag kang makikipag-usap sakin especially sa school. Ang pangit kasi ng boses mo, ang sakit sa tenga =___=...."

Once again, nanlaki ang mata ni Jazhielle.

Ha?! Ilan ba ang nalak-lak niyang rugby!? Oo, aaminin ko na gusto ko siyang kausapin MINSAN, pero it's human nature!! Ay!---oo nga pala, hindi nga pala siya tao. Pero ano daw?! Pangit daw ang boses ko?!? PANGIT!?! E hindi na nga mabilang ang singing contest na napanalo ko eh!! GGRRR! >__<

"...syempre, meron tayong kanya-kanyang privacy kaya naman magkasundo tayo na walang pakialaman, walang magkakalat ng kung ano mang info tungkol sa isa't isa para walang gulo..."

Hmm...may point siya.

"...Last but not the least, huwag kang magkakamaling hawakan ako o dikitan ako. Dumistance ka saken ng more than 1 inch. Ayaw kong mahawaan ng kat.ngahan mo. =___="

Kunot na kunot na ang noo ni Jazhielle sa sobrang inis kay Troy.

Kalma lang Jazhielle. Kalma. Masanay ka na sa salbaheng di pang tao niyang ugali!!! >___<

"Oh anong kinukunot ng noo mo jan?! Hindi ka ba magsasalita? =___="

Nawala ang kunot sa noo ni Jazhielle at napalitan ng ngiting parang papatay ng daga.

Ako na pala ang next. Hihihihihi! Patay ka saking tukmol ka! MWAHAHAHAHAHA!!!! *evil laugh* >:))))

Umupo ng maayos si Jazhielle. "Ehem ehem. Unang una, AYAW KO RIN SA'YO NO! ANG KAPAL MO! AT HINDING HINDI KITA MAGUGUSTUHAN! ANG RAMING LALAKING MAS POGI SA'YO! WAG KA MASYADONG MAYABANG! SIGURADO NAMANG RETOKADO KA EH! HALATA NAMAN! TIGNAN MO NGA YANG ILONG MO! TABINGING TABINGI! WAG KANG FEELING HA! NAPAKA-PILINGERO MO!" 

Napatalon si Troy ng kaunti sa upuan niya. Hindi niya kasi akalain na sisigawan siya ni Jazhielle.

"W-Wag ka namang sumigaw!!"

napansin naman ni Jazhielle na nawawala na siya sa sarili kaya naman umupo siya ng maayos.

"Ehem ehem. Exposure Jazhielle, exposure..." Nag-iinhale at exhale siya.

"T@nga, composure. Hindi exposure. =____="

Nanlaki ang mata ni jazhielle.

"ANO!?!?!?! Jazhielle, composure. COMPOSURE...bago ulit ako magsimula, pwede bang sagutin mo muna ang tanong ko?" 

"Ano? =____="

"Cattleya ka ba?"

"Hindi. Tao ako. Bulag ka ba? =____="

AKO?!? BULAG!?! HMMMMM....COMPOSURE!

"Ha-Ha-Ha-Ha! Patawa ka talaga! SABIHIN MONG 'BAKIT'!!!"

"Ahhh! Para matapos na 'to. Bakit? =___=''''"

My Royal Fiancé ♔---Ch. 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon