Gaano nga ba kahirap tanggapin ang pagbabago ng isang tao? Lalo na't sa pamamaraang paglayo nito sayo.
Isang taong nag-ngangalang Ryan. Ang taong binuhusan ko ng atensyon at wala akong ibang hangad kundi para sa kabutihan niya. Ganoon ko siya kamahal. Pero sa isang iglap, wala na akong karapatan sa kanya.
Dahil oo, kaibigan nga lang pala ako. At oo, pag-mamay-ari na siya ng iba.
Kasalukuyang katatapos lang ng dance practice namin para sa sasalihang competition. Normal lang naman sa P.E. classes ang ganitong scenario, kaya obvious na para lang ito sa grades namin. Pero dahil academic scholar kami ng mga kaibigan ko, kailangan naming galingan ito.
Si Ryan ang choreographer ng grupo namin.
Oo, tama. Siya nga at siya rin ang taong pumukaw ng atensyon ko ngayon.
"Monique?" Pagkasabi niya non, natuon ang tingin ko sa kanya.
"R-ryan." Sambit ko at napangiti.
"Monique pwede ba tayo mag- usap?" Usisa niyang tanong.
Hindi ko ito inaasahan dahil sa halos dalawang buwan ngayon nalang kami magkakaroon ng chance na makapagusapn na kaming dalawa lang.
Dalawang buwan na walang imikan. Dalawang buwan iyon Ryan. Pero dahil ikaw, gusto kong makipag-usap dahil meron akong gustong marinig at iyon ay kung ano nga ba itong nangyayari.
Ryan and I are blockmates together with our circle of friends.
It's been only two months when he starts ignoring us as his friends. But when it comes to academic matters, he's fine with us. So I'm not hesitant to talk to him.
"Sure." I replied. Yung kabog ng dibdib ko, sobrang bilis. Bigla akong kinakabahan ng sobra. Kasi pakiramdam ko siya yung dating "Ryan" na ang makakausap ko.
Nauna naman siyang lumabas ng studio at sumunod ako. Walang nakapansin sa aming paglabas, dahil busy yung iba na mag-ayos ng mga gamit.
"Monique sorry." Bungad niya sakin at wala akong masabi. I've never heard him to say the word sorry before, not until now.
"Kailangan kasi talaga kitang iwasan. Lam mo na, gusto ko lang talaga si Alexa kaya pinag-bibigyannko. She told me to avoid you and our friends." Pagpapatuloy niya.
"Ah. Kaya pala, pero it's fine." Then I forced a smile.
"Really? I bet not." Sagot niya. "Kaya nga eto, nag-sorry ako."
"Siguro dapat masanay nako o sabihin na nating nasasanay naman na kami." I weakly smiled again. Pinilit ko nalang ngumiti.
"Nasasaktan na ba talaga kita?" May kuryosidad ang tono niya.
"Hindi naman na importante yun." Pabiro kong sagot.
"I have no choice left, Nikky. Mahal ko si Alexa." Mahina niyang sabi pero sapat naman para marinig ko.
Nang dahil sa sinabi niyang iyon nasaktan ako lalo pero wala akong balak magpakita ng kahinaan sa harap niya.
Wala naman akong magagawa. Kaibigan lang ako at iba ang mahal niya. Kahit pa una kaming naging magkaibigan maisasantabi iyon dahil iba naman mahal niya.
"Sana maging masaya ka sa desisyon mo." Yun nalang ang sinabi ko. "At sana, siya nga yung tamang tao para sayo."
"Sorry, pati mga kaibigan natin dawit dito." Banggit niya. "Hindi ganon kasaya, syempre nawalan ako ng mga kaibigan. Pero dadating din yung araw, na siguro magkakasundo-sundo din tayo." Pagkumbinsi niya.
"Sana nga maging maayos pa ang lahat." Mahina kong tugon.
Nanatili kaming tahimik ng ilang sigundo. Malamig na simoy ng hangin ang tila nagpapalamig pa ng husto sa malamig naming usapan.
At nabasag lamang ang katahimikan ng muli siyang magsalita. "Wala si Alexa ngayon eh."
"Napansin ko nga."
"Nasa loob pa sila Anne diba?" Tanong niya.
Si Anne yung bestfriend ko at ang tinutukoy niyang "sila" ay ang mga kaibigan namin.
"Oo, nag-aayos ng sound system at gamit."
"Ayos lang ba sainyo na magdinner ulit tayo sa paborito nating kinakainan?" Yaya niya.
Napatingin naman ako sa kanya ng may pagtataka.
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Gusto ko lang din mag- sorry sa kanila sa pag-iwas ko pero kailangan ko na din magpaalam ng pormal sa kanila na ipagpapatuloy ko na ang paglayo ko."
"Ryan. Gusto ko lang malaman. Sa tingin mo ba maaayos pa natin 'to, kung ganoon yung plano mo?"
Lumapit naman siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Magtiwala ka lang sakin Nikky. Magiging parte parin ako ng barkada natin kahit na kami ni Alexa, pero hindi pa sa ngayon." Mabilis din naman niyang tinanggal ang pagkakahawak niya ng tumunog yung cellphone niya.
"Sagutin ko lang muna 'to ah? Kung pwede sana mauna na kayo sa resto, susunod ako." Nagmamadali niyang sabi.
"Ah. sige." Tugon ko at dumerecho sa may parking at doon sinagot ang tawag. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas narin ang mga kaibigan ko galing sa loob.
"Bakit ka nag- iisa dyan?" Tanong ni Anne.
"Gusto niyo magdinner? Tara doon tayo ulit sa kinakainan natin." Nakangiti kong yaya sa kanila.
BINABASA MO ANG
COMEBACK 1: Monique and Ryan (Completed)
Short StoryHighest Rank: #52 in Short story Date Started: June 22, 2017 Date Completed: June 25, 2017 15 Parts Lets find out what would be the decision of Monique when she is in a dilemma of choosing between love and friendship. What would be the outcome, a re...