Part 8

1.5K 36 0
                                    


"Don't steal my date." May diing sabi ni Jayvee kay Ryan dahil bigla nalang niya akong hinawakan at inilapit sa kanya.

Binawian naman ni Ryan si Jayvee ng masamang tingin.

"Plano niyo 'to diba? Ayaw niyong magkasama kami ni Alexa na pumunta sa debut na 'to?" Natatawa tawa pa siya.

Hindi ko alam kung nababaliw na ba itong lalaking 'to? O sadyang gumagawa nalang siya ng kwento.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Matapang kong tanong sa kanya at kumalas sa pagkakahawak niya sakin.

"Nagtatanong ka pa, eh nagkaron ng marka yung mukha ni Alexa dahil sa sampal mo Monique. Gumaganti ka ba talaga?"

"Binastos niya si Jayvee kaya dapat lang sa kanya yon."

"Wow. Parang kelan lang ako pa yung gusto mo Nikky ah. Si Jayvee na ba agad?" Pangungutya niya.

Sasagot na sana ako ng magsalita si Jayvee. "Ryan may usapan tayo tungkol dito."

"Bakit? Akala mo ba magugustuhan ka ni Nikky? Ha? Jayvee?" Ryan

"Jayvee umalis na tayo, baka atensyon lang hanap niyan." Yaya ko kay Jayvee at hinawakan na siya sa braso.

Oras ng kainan sa loob kaya walang tao dito sa labas ng venue. Dapat sana ay magpapalit lang ako ng sandals pero sinundan pa pala kami ni Ryan dito.

"Wala kang pakielam kung magustuhan man ako ni Monique o hindi. Pinagbigyan na kita Ryan, sapat na yung panahon na sinayang mo siya. Sapat na yung sakit na dinulot mo, sobra pa nga eh. Kaya wala ka ng karapatan pang lapitan siya lalo na't nandito ako." Napatingin naman ako kay Jayvee ng sabihin niya ang mga iyon.

Nakatingin ako kay Jayvee habang nagsasalita siya at nakatuon naman ang matalim niyang tingin kay Ryan. Anong sinasabi niya?

"Gusto niyong magsama kayong dalawa? Edi sige. Wala akong pakielam sa inyo. Jayvee, sayong sayo na si Monique!" Ryan

"Alam mo? Inulit mo nanaman yang sinabi mong wala ka ng pakielam. Pero baka sa susunod makita ka pa ulit namin ha. Magsawa ka naman." Sabat ko.

I'm also losing my temper.

"Ayaw mo ko makita? So better stop showing up again. In the first place, ako imbitado talaga dito. Ikaw sinama ka lang at ikaw naman ang laging nabuntot sakin kaya wag kang magmalinis dyan."

"Alam mo ang dami mong sinasabi. Daig mo pa si Alexa. Pero parehas kayo mahilig gumanti. Mga pinaglihi sa sama ng loob! Pasigaw na sabi ni Jayvee and he's provoking Ryan.

"Tara na Jayvee." Hinawakan ko na si Jayvee sa kamay at hinila siya papuntang kotse.

"You better leave Monique, kasi papunta na yung mga kaibigan kong nakakaalala nung napahiya ka." Narinig ko at may pagtawa pa siya.

Napayukom naman yung kamay ni Jayvee kaya hinawakan ko ito. I intertwined our fingers para kumalma siya. Pumasok na kami sa loob ng kotse at nagulat ako ng yakapin niya ako bigla.

"Monique sorry dapat pala hindi nalang kita hinayaan sa kanya."

"Anong ibig mong sabihin? Wala ka namang dapat ipag- sorry."

"Yung araw na pinahiya ka niya. Nagsisi ako nun. Dapat pala hindi nalang ako yung nagpaubaya kung di ka naman pala niya kayang ipakilala bilang ikaw sa mga bago niyang kaibigan."

"Nagpaubaya?"

"Oo may usapan kami. Bago pa niya makilala si Alexa. May gusto ako sayo pero siya ang gusto mo. Alam namin parehas yun ni Ryan. Sinabi niya sakin na hayaan nalang daw muna kita. Tutal masaya ka naman daw sa kanya. Pumayag ako pero sabi ko huwag na huwag ka niyang saktan. Dumating yung araw na nakilala niya si Alexa at tuluy- tuluyan ka na niyang nasasaktan emotionally. Alam mo bang gustong gusto ko siya suntukin ng paulit- ulit? Kaso pinipigilan ako ng mga tropa natin. Hayaan daw muna kita at si Ryan baka sakaling maayos pa at mangyari nga na mabalik mo si Ryan sa atin tulad ng gustong mong mangyari. Dalawang buwan ka niyang hindi kinausap. Akala ko tapos na don. Pero mas nagiging malala pa siya. Monique hindi ko na kaya pa na makita kung gaano ka niya saktan at itrato na parang walang halaga. Hayaan mo ko na nandito sa tabi mo at sa pagkakataong 'to hindi ko sasayangin ang oras at atensyon mo Nikky. Mahalaga ka sakin at pahahalagahan pa kita lalo na kahit kailan hindi naiparamdam ni Ryan sayo. I'm here by your side, keep that in your heart and mind Monique. I am the man for you." Jayvee

COMEBACK 1: Monique and Ryan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon