Part 15

2.6K 44 4
                                    

Masasabi kong ito na talaga yung araw na pinakahihintay ko. Bumalik na si Ryan sa amin at friendship does really matter more than infatuation ang nanaig kay Jayvee.

Kasama ko si Ryan ngayon sa bahay niya. Gusto daw niya ng quality time. Yung kaming dalawa lang. Maski rin naman ako. Gusto ko yung mga time na ganito.

"Monique, alam mo ba kung gaano ako kasaya ngayon?" Nakangiting sabi sa akin.

Napapangiti nanaman ako.

"Kahit naman ako hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko ngayon." Sagot ko.

"Buti nalang hindi mo ko sinukuan. Kahit gaano ko naging bad boy." Sabi niya na medyo nahihiya pa.

"Muntikan na kaya." Pagbibiro ko.

"Buti nalang talaga gwapo ako, mahirap kalimutan." Sabi pa niya.

"Pssh." Pinisil ko yung pisngi niya.

"Pero siguro kung hindi mo narinig yung voicemail ko para sayo, nasa complicated stage tayo ngayon. Knowing na parehas tayong may gusto sa isa't isa pero kapag hindi mo talaga alam yung panghahawakan mo mahirap eh."

"Alam mo yung pinanghahawakan ko sa atin? Sabi ko sa sarili ko na kung para talaga tayo sa isa't isa babalik ka sakin, sa amin ng mga kaibigan natin. Handa parin akong tanggapin ka eh lalo na't alam kong sincere yung mga sinabi mo?"

"Thank you Monique, ngayon sasabihin ko sayo ng personal na huwag kang mag- alala. Sigurado na ko sa nararamdaman ko ngayon. Ikaw yung unang nagparamdam sakin ng ganito ng hindi ako aware na nagkakagusto nako sayo, na minamahal na pala kita. Naghanap pako ng iba. Muntikan na ngang mahuli ako nung marealize ko yung halaga mo eh. Alam mo ba na nasaktan ako ng sobra nung makita ko kay ni Jayvee. Ang hirap pala. Ang sakit pala na makita kang may kasamang iba. Na may ibang po- protekta at magmamahal sayo na dapat ako yun. Alam ko kung gaano kabait si Jayvee at gentleman. He's a good guy kaya na- threatend ako ng sobra ng ma- realize ko yung feelings ko sayo. Dahil sa tingin ko huli na ang lahat, wala nakong kakapitan. Kaya sumuko nako. Pero nandyan si Ikaw, si Jayvee at mga kaibigan natin para sumaklolo sa akin. Hindi nga ako nagkamali na pagkatiwalaan si Jayvee despite of what happened nung last encounter natin. Cause he's really a best friend to me. Nagawa niyang magparaya ulit para sa akin, at para sa atin. He valued our friendship so much kaya ganun din ako sakanya babawi ako. Basta sa ngayon gusto ko munang bumawi sayo. Gusto kong tuparin yung sinabi ko sayo, lets be sweet couple. Gawin natin yung mga couple goals." Sabi niya habang ako iyak ng iyak kaya natatawa na siya.

"Sorry, corny ko na ba?" Sabi niya pa ulit.

"Ano ka ba, I love hearing that words from you." Napapangiti ako habang maluha- luha.

"I love you." Hinalikan niya yung noo ko.

"I love you more." Sagot ko.

"Teka, close your eyes muna." Sabi niya

"Anong kalokohan gagawin mo?" May nakakalokong ngiti naman ang nakita ko sa gwapo niyang mukha.

"Wala. Just close your eyes."

Ginawa ko naman ang sinabi niya. Ilang sigundo palang akong nakapikit ay parang kinakabahan ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Open your eyes."

Nang buksan ko yung mga mata ko, nakita ko siyang nakaluhod sa harap ko. May hawak na singsing at bulaklak.

"Monique will you be my woman for the rest of my life?" He asked.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagbend ako para magpantay kami at nginitian siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagbend ako para magpantay kami at nginitian siya. I didn't say anything as an answer.

I sealed it with a kiss.

THE END


[Credits to the owner of the picture I took from google. Thank you]

COMEBACK 1: Monique and Ryan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon