Chapter 01:

13.4K 336 12
                                    

                       ♡Kai♡

Umaga na naman,gigising na naman ako na mabigat ang pakiramdam.Ikaw ba naman ang magkaroon ng ganitong katawan na parang drum kung di bumigat pakiramdam mo.

Bata pa lang mataba na ako.Dati okay lang kasi cute pa pakinggan.Pero pagmalaki kana di na cute, nakakainis na.
Nung Elementary ako di ko naranasan maging muse,okay lang naman kasi wala pa akong alam sa crush.

Pero highschool di ko pa rin naranasan maging muse kahit nag vo-volunteer na ako di pa rin nila ako pinagbigyan.Kaya I nominate myself ,kaso ang bagsak ko class president, well okay lang naman kasi matalino naman talaga ako.Atleast naka bawi naman

Dumating ang Js Prom..dun ako unang nagkaroon ng kaibigan ang ,"bangko".Kasi the whole night walang gustong makipagsayaw sa akin kahit ginastusan pa ni Naynay at Taytay ang gown na isinuot ko.
Bangko ang naging kasama ko habang ang iba kung classmate masayang sumasayaw.

Pero may nagsayaw pala sa akin si Leo,a.k.a Lia ang bestfriend kung maganda.Maganda mula ulo mukhang paa.Pero mahal ko naman sya kasi sya ang tagapagtanggol ko sa mga panget na nambubully sa akin.

Di ko rin naranasan ang magkaroon ng kakiligan laging ako lang yung kinikilig.Sabi ng bestfriend kung si Lia sa umaga at Leo sa gabi maganda naman daw ako.Kaso di uso ang less rice sa akin.

Ang dami kung naging crush pero lahat crush lang...kaya nung mabasa ko ang "Bakit di ka crush ng crush mo" medyo nakarelate talaga ako ng bongga.

Dumating ang college days wala  naman nagbago nadagdagan lang ang timbang ko.Stress kasi sa pag-aaral.
Dati gusto kung maging flight attendant pero di daw pwede babagsak daw ang eroplano kaya no choice change course.Wag ko na daw pilitin wala ring mangyayari sabi ni naynay.

Kaya kumuha na lang muna ako ng pagkain kasi nakakapagod kaya magkwento...so ayun na nga nag IT na lang ako mas okay na daw yun atleast may makukuha akong trabaho.

During college days ko nagkagusto ako sa mas ahead sa akin at itago na lang natin sya sa pangalang Devlin Samaniego.
Napakagwapo nito at napakatalino kaya siguro isa ako sa nahumaling sa kanya.

Pero isa din ako sa mga nabigo.Dahil ang girlfriend nito ay isang model ng shampoo.
Si Bella Valdez ang pinakasikat na estudyante sa school namin noon na pag-aari ng pamilya ni Devlin.

Actually di ko lang naman crush si Dev ,mahal ko sya.Kaya para mapansin nya ako inutusan ko yung mga friends kung bakla na ipagkalat na may gusto ako sa kanya.

At nung malaman nya hindi ko alam ang naging reaksyon nito.
Dahil hindi naman eto nagsasalita at pili lang ang kinakausap nito.Pero nakakatakot lang dahil baka bigla na lang ako nun ipakidnap at iligaw

Pero kahit ganun ang lovelife ko okay lang kasi mabait ang parents ko at matalino ako..well sabi ngani Lia maganda ako kaya yun muna panghahawakan ko sa ngayon.

Devlin's Siksik-tary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon