Chapter 34

8.1K 281 10
                                    


♡Kai♡

Iniwan ko sya na mahimbing na ang tulog kaya nahalikan ko sya sa noo.At para malaman ko din kung may lagnat pa sya..para-paraan lang..dapat samantalahin habang walang malay si Big Bird.
Naisip ko kamustahin mo kaya.

Bago ako umalis.Nag-iwan muna ako ng notes about sa mga papeles at dun sa mga pagkaing niluto ko para sa kanya.

Gusto ko pa sanang mag-stay kahit habang buhay sa tabi nya.
Pero alam ko naman na hanggang pangarap nalang yun,
pasalamat pa nga ako at sa taba ko dati nakabuo pa ako ng gwapong anak.

Kinabukasan pagpasok ko ng tanghali may bulaklak at fruit basket sa table ko.Feeling ko tuloy ako ang nagkasakit.

Agad kung binasa ang card at tama ako kay Boss Dee ko nanggaling.Kaya pumasok agad ako sa opisina nya para magpasalamat.Pero nasaktan na naman ulet ako for the nth times.

Parang naulet lang lahat yung nangyari dati sa maynila.
Si Bella at sya magkayakap.
Tengenenemen oh..Ang sweet.. ang sarap pasabugin ng buong building.

At para di na masyadong masaktan.Umalis na lang muna ako at nagpunta ng banyo.
Sa galit ko Linagay ko sa basurahan yung mga bulaklak at binigay ko sa janitor namin payat yung mga prutas at sinabihan kung kainin nya lahat para tumaba sya

Siguro mga 20 mins din ako sa loob,pigil ang iyak.Ang tagal ko na ding hindi nag-e-emote kaya eto ngarag ang itsura.
Paglabas ko dumirecho ako sa table ko at kinalma ang sarili.
Di ko sya nakita hanggang mag-uuwian na at pinagpasalamat ko ng bongga.

Paguwi ko sa bahay naabutan ko si Bakla na may kasamang lalaki.
Si Joey daw jowa nya.Sinabi din nya sa akin ng gabing yun na magreresign na sya at free na akong umalis at bumalik sa maynila dahil magpapakasal na daw sila ni Joey sa ibang bansa.

Matagal na pala nila etong balak naudlot lang dahil sa akin.
Sinamahan nya ako nung times na di ko alam gagawin ko at kung saan ako pupunta..

Nag iyakan kaming dalawa ng mapagkwentuhan namin ang mga pinagdaanan naming dalawa na magkasama.At halos puro kalokohan lang ang iba.

Timing din ang pag-alis ni Lia para mapalayo na ako ng tuluyan sa Devlin na yun.Masyado na nya akong nasasaktan,nakakarami na.

Kinabukasan di na ako pumasok dahil nga mag-aayos na kami ng mga gamit para sa pagbabalik ko ng maynila.Binenta ko na rin ang mga dapat ibenta.Pati ang paupahan ko.Buti walang naging problema.

Sa loob ng isang linggo naayos ko lahat.Buti rin di na ako kinulet ni Devlin.Siguro hindi talaga kami para sa isat isa dahil una pa lang wala namin kaming naging relasyon..kundi sa kama lang.

Naunang umalis si Lia kasama ang boyfriend nya.Halos bumaha na ng luha sa tindi ng iyakan naming dalawa.Kulang na lang maglumpasayan si bakla.

Pero if I know..masayang masaya
sya dahil nakita nya na ang happy ending nya.Samantalang sa akin..fending pa

After a week..Kami naman ni Devon ang sumunod.
Nakakalungkot lang na iiwan ko na ang bayang tumanggap sa amin sa loob ng dalawang taon.

Pero pagnabigyan ako ng pagkakataon.Magbabakasyon kami dito pagmalaki na si Baby Devon.Sa ngayon aayusin ko muna ang sarili ko sa piling ng pamilyang tinalikuran ko dati.
Pero walang pag-aalinlangan nila akong tinanggap.

Atleast now makakasama ko na ulet sila.Salamat din at tinanggap pa rin nila ako kasama ang anak ko.Di man ako swerte sa lovelife.Okay lang maswerte naman ako sa pamilya ko

Devlin's Siksik-tary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon