Chapter 38

8.8K 277 3
                                    


♡Kai♡

Pagpasok ng bahay lahat sila kumpleto sa sala kaya lahat sila nagulat dahil sa kasama ko si Devlin

"Oi tsong anong ginagawa mo dito?..bakit mo kasama ang ate ko?"tanong ni tumtum

"Tum-tum..kumusta ka na tsong?" at nag apir pa silang dalawa
"Ang laki muna..buhay pa ba ang binigay ko sayo ha?"...sabi ni Devlin kay bunso

"Oo naman..iningatan ko yung tsong..galing sayo yun eh..saka mahal yun "sagot ng bunso namin

Nang mapansin ni Devlin na nakatingin sa kanya ang mga magulang ko agad nya etong binati..

"Magandang gabi po sa inyo..nay..tay"..bati nya sa pamilya ko sabay mano

"Naku iho..kumusta.Mabuti at naligaw ka dine sa amin."sabi ni naynay habang nakangiti din si taytay.Nakakataba ng puso knowing kung gaano kabait ang mga magulang ko

"Naku oo nga po ,medyo naging busy lang po sa negosyo.Kaya ngayon lang nagawi sa inyo"..sabi ni Devlin

"Sandali lang po Naynay,ipaghahanda ko lang po kayo ng pagkain."sabi ko

"Naku anak mauuna na muna ako may gagawin pa ako sa talyer.O paano Devlin,iho mauuna na muna ako"..paalam ng taytay ko

"Oho..sige ingat kayo"..sabi naman ni Devlin sa ama ko

"Baby..saan ka pupunta?"
..tanong naman ni Devlin sa akin ng makitang aalis ako

"Pupunta lang ako sa kusina sandali.Maghahanda lang ako ng meryenda nyo"..paalam ko sa kanya

Pumasok muna ako sa kwarto ng anak ko.Para silipin kung gising na eto.Pagpasok ko napangiti ako ng tawagin ako ng anak ko.

"Mam-mam."tawag sa akin ni Devon habang karga ng pinsan kung si joy.Kagigising lang siguro nito kaya hinanap ako

Agad kung kinuha ang anak ko.
Yumakap naman eto sa akin kaya pinugpog ko sya ng halik na kinatawa ng anak ko.

Inutusan ko na lang si Joy na tawagin ang bisita ko sa sala.
Pagpasok ni Devlin agad syang umupo sa sofa habang nasa banyo kami ng anak ko at binibihisan sya

"Ang cute naman ng room ng anak mo siguro kasing cute mo din sya."sigaw nya mula sa labas ng banyo

Dahan dahan akong lumapit sa kanya habang karga ko si Devon.Nakayakap sa akin ang anak ko kaya di nya nakita ang mukha ng anak nya

Umupo ako sa tabi nya..
na kinangiti nya.

"Devlin..pinapakilala ko sayo si baby Devon"..pakilala ko sa anak nya.Dahan dahan namang humarap ang anak ko ng marinig ang pangalan nya nakangiti eto sa ama nya na ngayon ay tulala habang lumuluha

"Dee..si Devon..ang anak mo..
Im sorry kung di ko sinabi sayo.Dahil alam ko naman na hindi mo ako pananagutan noon dahil hindi mo naman ako mahal.S-sana w-wag k-kang m-magalit s-sa a-kin."Takot at utal utal kung paliwanag sa kanya habang umiiyak

Nakatingin lang eto sa akin at sa anak nya.Umiiyak pa rin ako dahil di ko alam kung galit ba sya o natutuwa..

"My God..all this time may anak na pala tayo.Im sorry kung ano ano pa tuloy ang nasabi ko.All this time ang pinagseselosan ko ay anak ko pala."sabi nya na nakangiti at nakikipaglaro sa anak nya..

"Im sorry din Devlin kung di ko sinabi natakot kasi ako noon na di mo sya matangap dahil di naman ako ang mahal mo.At napatunayan ko yun kaya nga ako umalis at nagpakalayo layo.Ayokong makagulo pa sa inyo ni bella"paliwanag ko sa kanya

"Its okay..dont cry..naiintindihan kita.Ang mahalaga ngayon..ikaw ako at si devon.Buo na ang pamilya natin Mee"...naluluha nyang sabi

Agad naman yumakap si Devon sa ama nya siguro alam din nya na eto ang tatay nya.Ang cute nilang tingnan habang magkayakap..at totoo ngang magkamukha silang dalawa.

Devlin's Siksik-tary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon