Chapter 14

7.6K 289 8
                                    

♡Kai♡

Kaya ayoko sumama dito sa kanya.Ang saya ko sana ngayon kasama si Lia sa bar.Tapos now ganito lang mangyayari.Akala nya siguro mabait ako.

"Anong tinatawa tawa mo dyan?
Umayos ka ha!Wag mo ng isipin pa na isama or ipakita sa akin yan babae mo dahil malulumpo lang yan sa akin pagdinaganan ko sya..bwesit!!"masungit kung sabi sa kanya  na patuloy pa rin nakangisi sa akin

Di ko sya pinapansin hanggang makaalis kami sa grocery.
Badtrip na rin kasi ako,dahil pagod na ako sa biyahe may umepal pa.Nang makarating kami sa condo,di ko pa rin sya pinapansin.Agad na akong pumasok sa kwarto ko.Bahala sya kung aayusin nya yung mga pinamili namin.Basta ako matutulog na.

Kalahating oras na akong nakahiga di pa rin ako makatulog.Siguro namamahay lang.Kaya naisipan kung magkape muna dahil wala na rin akong marinig na ingay sa labas.Baka tulog na si Boss ,
aayusin ko na rin yung pinamili namin.Dahil malamang tinambak nya lang yun doon.

Di na ako nag abala magbihis.
Malaking T-shirt at boyleg lang amg suot ko deadma na sa mga pata ko.Wala naman ibang tao.

Paglabas ko nagulat ako dahil maayos lahat.Niligpit nya yung mga pinamili namin.Kaya nagtimpla na lang ako ng kape.

"Di ka rin pala makatulog!"..sabi nito mula sa likod ko na kinagulat ko ng bahagya

"Namamahay siguro,pero matutulog na rin ako after ko nito"..seryoso kung sagot sa kanya dahil naiinis pa rin ako.Kalalaking tao malandi palibhasa gwapo.

"Galit ka pa rin ba sa akin?"..tanong nya sa akin sabay upo sa harapan ko at nagtimpla din ng kape nya

"Di ako galit..napagod lang ako!"mataray kung sagot

"Bakit kape yang iniinom mo di ba dapat gatas para makatulog ka kaagad."sermon nya pa akin

"Ayoko ng gatas..nasusuka ako."sagot ko sa kanya

"Kung di ka makatulog tumabi ka na lang sa akin dahil di rin ako makatulog.At dont worry wala akong gagawin sayo"..sabi nya

"Ayoko..di ako sanay na may katabi.Saka wag na baka isipin mo may gusto ako sayo.Mawalan pa ako ng trabaho"..sagot ko sa kanya.Tapos tumayo na ako,hinugasan ko ang ininuman ko at iniwanan ko na sya after ko magpaalam na matutulog na ako

Pagpasok ko sa silid maya maya lang kumatok sya.Kaya agad ko pinagbuksan dahil baka may ibibilin para bulas ng umaga

"Oh bakit? may sasabihin ka ba?
Matutulog na ako!"masungit kung bungad sa kanya.Nagulat ako dahil may dala etong unan at derederechong humiga sa kama ko.

"Di ako makatulog.Kaya dito ako sa tabi mo matutulog!Patayin mo na yung ilaw at di ako sanay na bukas ang ilaw"sagot nito sa akin habang inaayos ang higa nya sa kama ko

"Wait lang..pumayag ba ako na tumabi ka sa akin?"
nakapamewang ko pang sigaw sa kanya na di man lang nagabala na tingnan ako

"Condo ko to..so it means room ko rin to!!kaya tumahimik ka na at tumabi kana sa akin ng makatulog na tayo"sigaw nito sa akin

"Di nga ako sanay!

"Bahala ka kung ayaw mo..sa sofa ka matulog.Wag kang papasok sa kwarto ko kung ayaw mong halikan kita!"..banta pa nito sa akin

"Kapag hinalikan mo ako..pakakasalan mo ako!" ..sagot ko rin sa kanya

Devlin's Siksik-tary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon