Chapter 36

8.8K 262 5
                                    


♡Kai♡

Lumipas ang dalawang buwan at naging maayos naman ang itinayo kung computer shop.

Sinabayan ko na rin ng pagluluto dahil may mga custumer akong nagugutom kaya sinamantala ko. Nag-aral akong magbake ng ibat ibang klase ng cupcakes para dagdag kita din.

Lunes ng magpasya akong pumunta sa mall.Gusto ko kasing kumuha ng mga ibang idea para sa mga bagong flavor ng cake na i seserve ko sa shop ko.Dapat kakaiba para mas madami pagpipilian ang mga costumer ko.

Nagtry na din ako magpa order at magdeliver pero sa ngayon dito lang muna s malalapit.Kadalasan mga kapit bahay at mga estudyante ang umuorder sa akin.

Ang sarap ng lakad ko dahil di masyadong mainit kaya di ko napansin ang itim na sasakyang nakasunod sa akin kaya nagulat ako ng huminto eto sa harapan ko.

At mas nagulat ako ng bumukas ang pinto at lumabas si Devlin.
Naumid ang dila ko walang salitang lumalabas sa bibig ko kaya sinamantala nya ang pagkatulala ko.

Agad nya akong pinasok sa kotse nya at inutusan ang driver na paandarin eto at ihatid daw kami sa bahay nya.Tahimik lang ako sa tabi nya.Ayoko syang tingnan.. kasi baka kiligin na naman ako.Nakakainis lang kasi,hindi sya pumapanget mas lalo lang nagiging gwapo.

"Kahit ilang beses ka pang magtago sa akin..makikita at makikita pa rin kita.Hindi ako mapapagod na hanapin ka."seryoso nyang sabi pero nagkunwari akong walang pakialam pero deep in side halos himatayin na ako sa kilig

"Hindi ko naman sinabi sayo na hanapin mo ako.At hindi din kita pinagtataguan.Kaya wag mo kung hinahanap."Nakairap kung sagot

"Bakit mo na naman ako iniwan ng di nagpapaalam.Halos mabaliw na ako kakahanap sayo"galit na sabi nya

"Mabaliw..eh last time na nakita kita masaya ka dahil magkasama na naman kayo ng mahal mo.
Wag mo na akong utuin
Mr.Samaniego.Wag mo na akong pag-aksayahan ng panahon pa. Dahil hindi na mangyayari ang nangyari noon.Go on with your life.I can find my own happiness."seryoso kung sagot sa kanya.

Hindi na sya nagsalita,akala ko ibaba nya na ako pero dumerecho lang eto at pumasok sa isang exclusive subdivision.
Sabay kaming bumaba.Hindi na sana ako sasama sa loob dahil baka nandyan si Bella masabunutan pa ako.Kaya nanatili lang akong nakatayo sa labas ng bahay nya.

"Come here.."tawag nya

"Okay na ako dito.Kung may kailangan kang gawin.Gawin mo na.Ayokong pumasok dyan."
matigas kung sagot sa kanya

Akala ko iiwan nya na ako,pero
hinawakan nya ako sa kamay at hinatak papasok sa loob ng bahay.Na parang palasyo sa laki.
Dumirecho kami sa sala

"Sit down.I want to talk to you something important.At Oo lang dapat ang sagot mo."sabi nya na kinataas ng kilay ko.

"Ano na naman ba to Mr.Samaniego..bakit ba ang hilig mo akong utusan.Iwas na nga ako ng iwas sayo lapit ka pa din ng lapit."sagot ko sa kanya

"See di inamin mo na tinataguan mo ako.Kaya ako naman hanap ng hanap sayo."galit nyang sagot

"Eh ano naman sayo!"galit ko din sagot sa kanya

"Sino ba ang pinagmamalaki mo?!.Yan Devon mo ha..mas magaling ba yan sa akin ha?!"sigaw nya.Nagpanting ang taenga ko kaya nakatikim sya ng sampal

" Shut up!..wala kang karapatang pagsalitaan sya ng ganyan.Hindi mo sya kilala kaya maghinay hinay ka sa mga sinasabi mo."galit na galit kung sigaw sa kanya

"At talagang pinagtatangol mo pa yang lalaki mo sa akin.Kung kinakailangan kong ipapatay yan gagawin ko mawala lang yan sa landas nating dalawa."galit nyang sagot.

Agad nya akong hinawakan sa braso at ipinasok sa isang silid,kwarto nya ata dahil napakaganda nito para kang nasa loob ng isang mamahalin hotel.Pero wala akong pakialam dahil galit ako sa kanya ngayon.

"Bitiwan mo ako..subukan mong gawin yan at ako mismo ang papatay sayo.Tigilan mo na ako..aalis na ako."sigaw ko sa kanya pero pinigilan  nya ako kaya sa galit ko pinagsasampal ko sya wala akong pakialam kung saan sya tamaan

Devlin's Siksik-tary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon