Chapter 15

7.8K 270 1
                                    

♡Kai♡

Wala akong choice gustuhin ko mang matulog sa sofa.ki not be
di ko na kailangan i explain dahil kita naman sa katawan ko.No need na rin tanungin ang sofa dahil Im sure di nya ako kaya.

Pinatay ko muna yung lampshade sa tabi ko bago ako humiga.Nakatalikod ako sa kanya.Mahirap na baka bad breath ako.Pero makalipas lang ang limang minuto.
Naramdaman ko niyakap nya ako mula sa likod ko at siniksik ang mukha nya sa leeg ko.

Di ako makagalaw,tumayo ang lahat ng balahibo ko kahit yung mga hindi naman dapat tumayo ay tumayo na.

"Boss..ano ba may kiliti ako.
Nakakakiliti ang balbas at bigote mo."..bulong ko, pero ang loko umungol lang ..at infairness ang sexy ng pag-ungol nya,
nakakalibog sabi nga ni bakla.

"Wag ka na gumalaw.Gusto ko ang pwesto ko and beside antok na ako.Bukas na ako magsha-shave..matulog ka na rin.Maaga ka pa bukas para ipagluto ako ng almusal.."mahina nitong sagot sa akin kaya wala na akong magawa..malamang sya lang makatulog dahil mas na bothered ako sa nararamdaman kung matigas na tumutusok sa may pige ko.

Alas tres na..yan ang nakasulat sa relong nasa table sa tabi ko.Alas singko daw ako dapat gumising.
Kumusta naman ang mga eye bags ko nito kinabukasan.

Feeling ko kakatulog ko pa lang ng biglang nag-alarm ang cp ko.
Kaya no choice kundi bumangon.
Nahirapan pa akong tumayo dahil masyadong nakakapit si Boss sa akin.Saka baka magising na sya eh mamaya pa ang gising nya.Baka mabeast mode pa eto sa akin pagginising ko.

Halos di ko pa maidilat ang mga mata ko.Pero sa awa ng Diyos nagawan ko naman sya ng almusal.Hamsilog ang ginawa ko sa kanya for this morning.Di ko muna sya tinimplahan ng kape mamaya na lang pagkakain na at lalamig lang

Dahan dahan akong bumalik ng kwarto ko para gisingin sya.Alas sais na rin naman.Agad ko syang nilapitan ,mukha syang anghel pagtulog at pag gising mukhang ewan sa kasungitan.

"Boss..gising ka na alas sais na baka malate ka sa meeting mo."gising ko sa kanya..dahan dahan namang dumilat ang mga mata nya.At masasabi ko na gwapo talaga eto at walang panis na laway..walang kapintasan

"Okay..sige magsha-shower lang ako..pakikuha mo na ako ng mga damit ko sa kwarto ko"..utos nito sa akin..talagang pinanindigan nya ang paguutos nya sa akin.
Mukha akong asawa,yaya,at P.A sa sitwasyon ko ngayon.

Agad etong tumayo walang pakialam kung makita ko na may tent na nakatayo sa boxer nya.
Di na tuloy virgin ang mga mata ko pati utak ko madumi na din dahil sa lalaking eto na ang bango ng hininga kahit bagong gising.

Back in college days namin, di ko naisip na mangyayari to.Na kahit lumuhod ako araw araw sa Quiapo nungka ako nitong papansinin.Pero sabi nga nila ang swerte kusa yan dumarating kahit di mo hanapin.At sa tingin ko ngayon na dumating yung akin.Pero syempre ,ingat wag umaasa baka ma-hopia.
Bago lumabas naayos ko na ang mga gagamitin nya, pati brief nya dinamay ko na din.Take note white ralph lauren brief.Iba na talaga ang mayaman

Devlin's Siksik-tary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon