Third Person's POV
"What do you want?!" galit na sabi mo sa kanya
Inisip mo nga na hindi dahil mahal na mahal mo at sobrang tanga mo sa kanya e gawin mo nang career yang pagiging tanga mo.
Hindi dahil may napatunayan ka sa ex nya--- I mean, sa boyfriend nya e ganun na lang yun. Yung basta-basta mo na lang patatawarin.
Masakit e. Sobrang sakit. Kasi pinatunayan mo naman na wala kang ginawang di nya gusto. Pinakita din naman ng mga kaibigan nyo yun sa kanya e. Nadamay pa tuloy yung mga organizers.
Pero di mo naman sya masisisi e. Kasi galing sya sa relasyong pinagmukha syang tanga. Sa relasyong sinira ang tiwala nya.
Pero bakit ganun? Bakit damay ka? Bakit pati sayo nawalan sya ng tiwala? Ginawa mo naman lahat e.
At higit sa lahat, bakit si Suho pa yung binalikan nya? Bakit yung taong sumira pa sa tiwala nya?
Umiiyak ka na. Hindi mo na mapigilan. Sumandal ka sa gilid ng kotse mo. Buti na lang madilim na at medyo tago yung pinagparkingan mo.
"Seulgi~ Usap naman tayo oh." sabi nya sayo na umiiyak din. Naramdaman mo yung sincerity sa boses nya.
"Gustuhin ko man, hindi pwede. Masaya ka na kay Suho e."
"Seul, sige na naman oh." lumapit sya sayo...
Niyakap ka nya ng mahigpit.
"Kang Seulgi mahal na mahal pa rin kita. Please mag-usap naman tayo oh."
Hindi ka nagsasalita. Kasi hindi ka makapagsalita. Humahagulgol ka habang mahigpit yakap nya sayo.
"Irene! Let's go!" narinig mong sigaw ni Suho sa kanya
Tinanggal nya pagkakayakap nya sayo at nilapitan si Suho.
"Junmyeon-ah~ Sorry. I'm really really sorry. Please let me go. I'm so sorry. Kasalanan ko lahat ng ito. Just let me go. Para na rin sayo. You deserve someone." malumanay na sabi nya kay Suho
Biglang napangisi si Suho. Hindi mo alam kung anong ibig sabihin nung ngisi nya.
"I knew it. Sana maging masaya ka sa kanya. Sorry din sa lahat. We both deserve someone. Thank you, Joohyun."
At naglakad na paalis si Suho.
"Get inside, Irene." utos mo sa kanya na parang boss ka nya.
Wala syang choice kaya sumunod sya. Kasi gusto din nya. Kasi gusto nyang maayos kayo. Kasi mahal nyo pa ang isa't-isa.
Pagkasay na pagkasakay nyo sa sasakyan mo, tumawag ka kay Sungjae.
"Sungjae sorry sa nangyari. Okay lang ba kung ikaw na muna bahala kila Joy? Okay, okay. Sorry. Pakisabi din sa kanila na sorry. Okay lang ba sa kanila? Okay~ Thank you." sabi mo sabay baba sa tawag
Inistart mo na yung kotse mo at umalis na papunta sa kung saan man.
"S-seul. If you don't mind.... saan tayo pupunta?" nauutal na tanong nya sayo
"Why? I thought gusto mo akong kausapin? Akala ko gusto mong mag-usap tayo? Okay, I'll just take you home." walang face reaction mong sagot
"No!" she protests "I just wanna ask." dagdag nya
"Pupunta tayo sa lugar na kung saan ako dapat magpopropose sayo." malumanay na sagot mo.
Parehong mugto yung mata nyo. Pero yung ilong mo parang pinahiran ng sili sa sobrang pula.
Sumusulyap-sulyap sya sayo habang nasa byahe. Yung sulyap na naging titig.
"Malusaw ako." biro mo
Masyado kasi kayong tahimik kaya sinubukan mong i-lift up yung mood. Gumana naman kahit papaano kaya napatawa sya ng slight.
Mas natawa sya nang mag-growl yung tyan mo dahil sa gutom. Namiss mo yung tawa at ngiti nyang nagpapaliwanag sa buhay mong madilim.
"Daddy~ Kain muna tayo. Gutom ka e. Puro ka alak kanina." hinawakan nya pisngi mo.
Nakakamiss no? Tapos bigla ka nyang tawaging ganun. Bastos lang. Hahaha.
Sumunod ka sa kanya kaya nagdrive-thru kayo sa nadaanan nyong kung anong fastfood chain sa expressway.
After nun bumyahe na kayo ulit. Habang nagdadrive ka sinusubuan ka nya. Pinapainom ka. Pinupunasan pisngi mo dahil parang bata ka kung kumain.
Parang walang nangyari.
Sana ganun kadali.
BINABASA MO ANG
With A Smile [SEULRENE FANFIC]
FanfictionFirst, homophobes are not allowed here. I'll write the story as if LGBT peeps are accepted in our community. My story will flow like how heterosexual couples act. I'm not that fluent in English so please bear with my grammar. Tag-Lish (Tagalog-Engli...