Chapter 16

1.2K 38 4
                                    

Wendy's POV

"Baby! Wag ka magulo."

"Sige na baby. Pagbigyan mo na ako."

Ang kulit talaga netong si Yeri. Hindi naman kasi pwede e. Nireregla kasi sya nakakaloka naman itong... aiish!

"Baby sige na last lang." pangungulit nya

"Isa lang ha! Isa lang." sabi ko. Wala akong magagawa e. Ang kulit e.

"Oo promise!"

"Ilang inch?" tanong ko

"Hmmm..... 8 inch!"

"Ang laki naman! Makakaya mo yun?!"

"Oo naman! Sige na baby ilang araw na akong nagke-crave sa cake na gawa mo huhuhu." pagmamakaawa nya.

"Oo na. Sige na sige na." oh kala nyo kung ano no? Hahahaha!

"Yeheeeeey!!!"

Bawal kasi sa kanya yung cake kapag nireregla sya. Kapag kasi kumakain sya nun kapag meron sya, lumolobo ang bebe ko. Hihihihi! Eh tinatanggal nya yun sa diet nya kapag meron sya. So, ayun..



[Dumb Dumb by Red Velvet cues in]


"Hello? Oh Seul, napatawag ka? Ah ganun ba. Sige ibe-bake ko lang yung cake na gusto ni Yeri tapos punta na ako dyan ha? Ha? Di pwede bumili. Gusto nya ako daw gumawa. Osige-sige. Bye."

"Ano daw?" tanong ni Yeri

"May gustong pag-usapan sa bahay nya."

"Kasama ako?"

"Malamang!"

"Oh bakit ka galit?"

"Di ako galit. Teka nga, sisimulan ko na yung cake mo." sabi ko sabay tayo sa pagkakahiga sa kama


"Baby wait! Punta na lang tayo kay Seulgi unnie!"

"Bakit mo naman naisipan yan? Paano cake mo?" pagtataka ko

"Madami kasi pagkain sa bahay nya. Tara na baby ligo na tayo!!" paghihila nya sakin

"Ha? Ah--- eh---"

"Tara naaaa!!!"

Ayun... kinaladkad ako...




-Seulgi's Place-


"Wow bongga may pameeting si mayor!" sabi ni Yeri. Abnormal talaga itong batang to

"May pagkain sa ref, Yeri. Nagpadeliver na din ako ng pizza." sabi ni Seulgi.

"Yan ang gusto ko sayo unnie e! Hihihi!" sabi naman ni Yeri sabay puntang kitchen



"Seul, ano pag-uusapan? Buti wala si Irene dito?" tanong ko

"Sshh ka lang, Wannie. Magpaplano na kasi tayo."

"Ha?! Bakit tayo?! Mygosh Seulgi! May lihim ka palang pagtingin sakin??!!!" gulat na sabi ko

"ANO YUNG NARINIG KO?!!!" biglang sulpot si Yeri na may hawak na isang mangkok na fruit salad

"Wala. Nagkamali lang ng intindi jowa mo! Kumain ka na lang dyan at may kailangan pa kayong sabihing dalawa sakin." turo ni Seulgi samin ni Yeri. Nakow puuuh

"Okay.." sabay balik sa kitchen si Yeri

"So, ayun na nga. Plano ko na kasi magpropose kay Irene."



"Huwaaaat?!" biglang eksena ni Joy na kasama din si Sungjae

After ilang seconds biglang labas naman ni Yeri na may isang mangkok ulit ng fruit salad. Juskong bata to. Child abuse na nga ako abuse din sya sa mga pagkain dito sa bahay ni Seulgi. Hahahaha!

"Joy unnie!!!!"

"Yeriit!!!"

"Bastos ka unnie." nilapag ni Yeri yung mangkok sa may table dito sa sala sabay pout

"Joke lang." sabi ni Joy sabay yakap kay Yeri. Itong Tom and Jerry tandem na to ang kukyuuuut talaga.

"Waz da meeting ol about, noona?" tanong ni Sungjae with pa-cool accent

"Sungjae please..." sabi ni Joy

"Sorry, sorry. So ano na?" sabi ni sungjae

Umupo si Joy at Sungjae sa tabi ni Seulgi at si Yeri naman sa tabi ko.



"Ayun nga, balak ko na magpropose kay Irene." pag-eexplain ulit ni Seulgi

"Anong balak mo sa proposal?" tanong ni Sungjae

"Magpropose."

"Oo noona, pero ano balak mo kapag nagpropose ka sa kanya?"

"Pakasalanan sya."

"JOSKO SULGE. Ano idea mo? Yun yung point!" sabi ni Joy na kunwari ztrezz.

Kami naman tawang-tawa.

"Ahhhh~ Ayun nga, kaya kayo nandito para tulungan ako."

"May kilala akong pwede mag-organize ng suprise mo." sabi ko sa kanya.

"Sino?" tanong nya

"Si Yoona unnie. Tapos sya na din bahala sa photographer and videographer kasi yun yung business ng asawa nya." pag-eexplain ko

"Sino asawa nya?" tanong ni Sungjae

"Si Yuri unnie."

"Ahhhhh~" sabi nilang lahat


At sinimulan na naming pag-usapan kung ano ang balak. Kung ano motif (wow parang kasal na talaga), at kung anu-ano pa.

Ang final na idea ni Seulgom kapag pag-umoo si Irene, kasal na agad. Derecho na agad ganern. Wala nang pero-pero. Balak din nya gawin sa Batangas. Dun sa Nasugbu ba yun? Gusto kasi ni Irene kung di man pwede church wedding, beach wedding na lang daw.

Kaya this day din, pumunta kami sa office ni Yoona unnie para ayusin na lahat-lahat. Itong oso natin determinado talaga. Kahit milyun-milyon ang gagastusin basta mapasaya lang kuneho nya nakow.

Find a jowa like Seulgi.

With A Smile [SEULRENE FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon