Irene's POV
Tatlong araw.
Tatlong araw syang di masyadong nagpaparamdam.
Walang may alam kung nasaan sya. Walang nagsasabi at wala din sya sa bahay nya.
Is she cheating on me?
Napagdesisyunan ko na umalis muna ng bahay para hindi maparanoid kakaisip kung napapano na ba sya. Kung may iba na ba. Kung bakit parang ang bilis naman kung meron man.
Bakit di nya ako iniisip? Bakit di nya maisip na nag-aalala ako sa kanya?
Habang naglalakad ako papasok sa mall nakita ko sya.
Sa isang coffee shop at may kasamang babae.
Ang saya nya ha.
Samantalang sinabi ni Joy na may mahalaga syang inaasikaso.
Napakahalaga naman ata.
Sana man lang sinabi nya diba? Hindi yung makikita ko pang ganito.
Pupuntahan ko na sana sila ng babae nya nang muntik na akong mabunggo ng isang pamilyar na sasakyan.
Wow, Kang. Dahil sayo muntik akong mamatay.
"I'm sorry, Miss." sabi nung pamilyar na lalaki pagkababa na pagkababa nya sa sasakyan nya.
"Suho?" oo, sya nga.
"Oh, Irene. Ikaw pala yan. Sorry ah mabilis takbo ng sasakyan ko. Muntik na tuloy kitang masagasaan."
"Okay lang. Kasalanan ko din naman di kasi ako tumitingin sa nililipatan ko."
Namiss ko sya bigla.
Yung tingin nya, yung hawak nya.
Yung pagmamahal nya."Saan ka nga pala papunta?" tanong nya
"Ah ano kasi e. Magkikita sana kami nung kakilala ko. Bago lang. Kaso biglang nagcancel kasi may emergency daw." pagsisinungaling ko
"Ah, ganun ba. Oh buti di mo kasama si Seulgi?"
Natahimik ako
"B-busy kasi sya sa work e. Anyway, pwede mo ba ako ihatid sa bahay ko?"
"Baka mabugbog nanaman ako ng Seulgi mo---"
"No, it's okay! Okay lang sa kanya."
"Oh~ Okay. Get in." sabi nya at umalis na kami.
Nasundan pa yung pagkikita naming yun. Hanggang sa umabot ng more or less one week I think.
Naramdaman ko sa kanya yung hinahanap ko kay Seulgi.
Na ilang araw nyang ipinagkait sakin.
Hanggang sa isang araw nakita ko syang nakatayo sa tapat ng bahay ko.
Ang kapal din ng mukha nya na magpakita pa after nung nakita ko.
Di na ako maniniwala sa mga sasabihin nya. After lahat ng nakita ko? No way!
Nasabi ko din sa kanya na kami na ulit ni Suho at may nangyari na samin.
Totoo yun maliban sa may nangyari na samin. Gusto ko lang maramdaman nya yung sakit. I want her to feel my pain.
Pagkatapos ng ilang oras after nung pangyayari sumilip ako sa bintana.
Madilim na.
Malakas din ang ulan.
Pero nandun pa din sya.
Ngayon mo makikita Kang Seulgi kung paano magmukhang tanga.
Kinaumagahan, tumawag sakin si Wendy. Magkita daw kami. Edi pumayag naman ako kasi kaibigan ko pa rin sya kahit papaano.
Kaso mali pala desisyon ko. Nagdala pa talaga ng supporting actress para pagtakpan bestfriend nya. Very wrong decision kaya nagwalk-out ako at nagpasundo na lang kay Suho.
Na kahit disrespectful ay ginawa ko because I'm so done with their shits.
Hanggang isang araw naisip kong dumaan sa harap ng bahay nya. For sure wala nanaman sya dahil kasama nya yung bago nya.
"Ang dami namang basura!" sabi ko sa sarili ko.
Bigla akong nacurious kung bakit ang daming basura sa tapat nya kaya sinipa ko ng very light yung bawat sako ng basura.
Parang lata.
Tska ano itong nasa isa? Sunog na dahon? Abo?
Sinipa ko ulit kaso nasira yung plastic nung mga lata.
Grabe sa dami yung lata ng beer!
Ganun ba kahayok sa alak yung dalawang yun?! Bad influence pala bago nya. Hahaha! Yun pala talaga tipo nya.
Umuwi na ako dahil nawalan na ako ng pake. Pagkauwi ko biglang tumawag si Suho.
Sunduin daw nya ako. Labas daw kami, punta daw kami entertainment bar.
Syempre pumayag ako. Jowa ko yun e! Hehehe.
--------
A/N: Sorry sa mga typo errors! :( Di ko kasi nacheck. Masyado ko kasi kayong love kaya update agad. Hahahaha. Aayusin ko naman e. Thank you sa inyong lahaaaaat! :D
BINABASA MO ANG
With A Smile [SEULRENE FANFIC]
FanficFirst, homophobes are not allowed here. I'll write the story as if LGBT peeps are accepted in our community. My story will flow like how heterosexual couples act. I'm not that fluent in English so please bear with my grammar. Tag-Lish (Tagalog-Engli...