Abalang-abala si Irene sa panonood ng mga videos na nakikita nya sa newsfeed nya nang mapadaan ang isang bagong pakulo ng mga netizen.
"Dying inside to hold you car challenge?! Eh literal ka mada-dying inside sa ginagawa nilang ito e. Dying inside the car! Ha!" she whines pero pinanood pa rin yung video.
Focus na focus si Irene sa mga napapanood nya kaya di nya napansin na tumabi si Seulgi sa kanya sa higaan nila. Nagseremonyas kasi yung oso sa comfort room nila dahil madami nanaman syang nalamon dahil ayaw syang tantanan ng kasama nya sa kakasubo ng mga pagkain na inorder nila kagabi sa food park.
Hindi pa din sya pansin ni Irene kaya nagsalita na sya na ikinagulat naman ng kuneho.
"Mommy ano yang--"
"Ay oso ka! Ano ba naman yan daddy! Ginulat mo naman ako."
"Excuse me kanina pa ako nandito sa tabi mo kaso busy po kayo sa pinapanood nyo ano po?" nang-aasar ang tono ng oso kaya ayun hindi nya mapigilan matawa ng bahagya
Para syang bata kung yakapin nya si Irene dahil hindi nanaman sya pinapansin nito.
"Joohyun ano ba yang pinapanood mo bakit di mo ako pinapansin?" naka-pout na sabi ni Seulgi
"Ewan ko ba kung ano to. Bagong pakulo nanaman."
Pinindot ni Irene yung play button para ipakita kay Seulgi yung pinapanood nya.
"Dying inside to hold you?" tanong ni Seulgi
"Oo. Literal silang ma-dying inside sa gawa nila." tumawa si Irene
Bahagya silang natahimik para panoorin yung mga sari-saring videos ng nasabing 'challenge'
"Gusto mo gawin natin?" tinignan ng oso yung niyayakap nya
"Okay ka lang daddy? Kung balak mo magsuicide wag mo ako idamay. Ayoko."
"Ikaw bahala."
"Teka, kanina lang naka-pajama ka ah? Bakit naka-boxers ka na ngayon?"
"Mainit."
"Nako Kang tigil-tigilan mo ako ah. Nakadami ka na kagabi." pabangon na sana sa hinihigaan nila si Irene pero pinigilan ito ni Seulgi
"Hindi naman e." yumakap si Seulgi sa kanya ng mas mahigpit
"Daddy magluluto na ako let me go."
"Wag na. Nagke-crave ako ng quarter pounder ng mcdo. Drive thru na lang tayo."
"Sige. Gusto ko din nun."
All of a sudden bumangon si Seulgi kaya confused face na lang narespond ni Irene dito
"Tara na."
"Nakaboxers ka Seulgi okay ka lang? Mukhang hindi. Kanina ka pa e."
"Ano naman? Tara na." naglakad si Seulgi papunta sa coffee table para kunin yung wallet at susi ng kotse nya
Tumayo lang si Irene at nilapitan sya.
"PWEDE BANG MAGPAJAMA O KAYA JOGGING PANTS KA HA KANG SEULGI?! ANG KAY JOOHYUN, KAY JOOHYUN LANG! MAGPALIT KA DON!"
Nanlaki ang singkit na mata ng oso kaya wala na syang nagawa kundi sundin si boss.
"Edit ko na lang pagkauwi natin." sineset-up ni Seulgi yung smartphone nya sa may holder nito sa loob ng kotse nya
"Sige. Ayusin mo ha! Kung hindi nako makikita mo." mahilig ata talaga magbanta ang mga kuneho sa panahon ngayon
"Okay filming na. Play mo na."
Nagsimula nang magdrive si Seulgi at nagsimula na din iplay ni Irene ang kanta.
And I was dying indside to hold you ~
I couldn't believe what I felt for you
Dying inside I was dying inside
But I couldn't bring myself to touch you
Kuhang-kuha nila yung steps sa bawat beat ng kanta.
Bawat lyrics alam mong feel na feel nila.
Bawat beat din ng kanta ay kasabay din nito ang pintig ng puso nila na para lamang sa isa't-isaNang matapos ang kanta, si Irene na nagpindot para i-end ang recording.
Pinanood nya ito at masasabi nyang pak na pak ang bawat steps na ginawa nila. Buti na lang talaga magaling magdrive yung future hubby nya kung hindi eh deads inside the car na sila kanina pa.
Ilang beses nya itong pinanood at napansin ito ni Seulgi kaya naisipan nyang asarin ito.
"Ayaw pala ha." nginisian nya si Irene sabay hampas naman nito ng malakas sa braso ng kawawang driver sweet lover.
-----
A/N: Thank you readers, new readers and future readers! Here's a small gift for y'all. Please keep on streaming Russian Roulette and please support our girls on their upcoming comeback! Lovelots! 💖💛
BINABASA MO ANG
With A Smile [SEULRENE FANFIC]
FanfictionFirst, homophobes are not allowed here. I'll write the story as if LGBT peeps are accepted in our community. My story will flow like how heterosexual couples act. I'm not that fluent in English so please bear with my grammar. Tag-Lish (Tagalog-Engli...