"Dito mo balak magpropose sakin?" tanong ni Irene kay Seulgi
"Oo sana. Bakit?" tumigil si Seulgi sa paglalakad at hinarap si Irene
Buti na lang may white t-shirts, pajamas and maganda-sa-paningin na shorts. Naisipang magshorts na lang ng dalawa kasi di naman masyadong malamig. Namili muna sila ng damit para hindi puro white yung suot nila at para may maisuot naman sila bukas na maayos-ayos.
"Sobrang ganda naman dito. Kaya pala madaming nagsasabing swerte ako sayo." nginitian sya ni Irene
Natahimik silang dalawa ng ilang minuto. Pinagmasdan yung dagat kahit madilim. Pinakikiramdaman ang isa't-isa.
"Seul~ Pwede ba natin pag-usapan yung atin?" pagsira ni Irene sa katahimikan
"Nagmamadali ka bang patawarin kita?" tanong ni Seulgi
"Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang naman pag-usapan kung may pag-asa pa ba at paano mo ako mapapatawad."
Tumahimik si Seulgi ng ilang segundo. Nag-iisip kung paano ba.
Alam naman nyang maaayos pa e. Alam nyang pwede pa. Alam nyang mahal na mahal pa nya si Irene.
Kaso....
"Paano ako makakasigurong ako pa din mahal mo?" nakatingin pa din sya sa tahimik na dagat.
"Let's make love. Angkinin mo ako." sagot ni Irene
"Yan ba pagkakakilala mo sakin?" tumingin si Seulgi sa kanya. Seryosong tingin
"H-ha?! Hin-hindi! Hindi Seul! Ano kasi e. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano ko mapapatunayan. Si-siguro ano. Susunod na lang ako sa mga gusto mo." napayuko si Irene
"Paano kung sabihin kong magpakamatay ka?"
Biglang napatingin si Irene sa kanya. Tinitigan yung mata ni Seulgi. Hinahanap yung sagot sa tanong na seryoso ka ba?
"Gagawin ko." ngumiti si Irene sa kanya. "Handa akong mamatay para sayo." dagdag nya
Lumuhod si Irene sa harap nya.
"Pero gusto ko muna gawin ito. Gusto ko bago ako mamatay masabi ko sayo ito habang nakaluhod sa harap mo. Gusto kong humingi ng tawad sayo sa ganitong paraan. At kung ang paraan lang na mapatawad mo ako is mamatay ako. Then I'll do it."
Tahimik lang sila nang bigla syang buhatin ni Seulgi ng bridal stye.
Nakita ni Seulgi yung mga luha sa mata nya tulong na din ng mga ilaw sa di kalayuan.
"I won't let you die, syempre. Pakakasalan pa kita diba?" naiiyak na sabi ni Seulgi sa kanya.
"Ibaba mo ako." sabi ni Irene na ginawa naman si Seulgi
Niyakap sya ni Irene habang humahagulgol.
"I love you so much, Seulgi. Patawarin mo na ako. Please? Alam ko... Alam kong di ganun kadali pero please. Please patawarin mo na ako. I love you so much and I can't afford to lose you. You're my everything, daddy." humigpit yung yakap nya kay Seulgi na umiiyak din.
"Ligawan mo muna ako bago kita patawarin." pabirong sabi ni Seulgi kahit puno ng luha mga mukha nila
"Kapal mo naman. Di mo nga ako niligawan e." natatawang sagot ni Irene
Nagtawanan na lang sila na parang mga tanga kasi tanga naman talaga sila pero sa pag-ibig lang.
"Gusto ko din magsorry sayo kasi nawalan ako ng time sayo nung inaasikaso ko yung engagement natin." sabi ni Seulgi
"Naiintindihan ko naman yun. Kaya nga ako nagsosorry diba kasi ang kitid ng utak ko at di ko naintindihan yun nung una." sagot ni Irene
"Mahal na mahal kita, Hyun. Kung alam mo lang."
"Mas mahal na mahal kita. Nararamdaman mo naman diba?" pinunasan ni Irene yung pisngi ni Seul na puno ng luha
Hinalikan ni Seulgi yung noo ni Irene.
"Oo naman."
Niyakap ulit sya ni Irene ng sobrang higpit.
"I love you, Seulgi"
"I love you more, Joohyun"
------------
A/N: As I promised. Hehehehe :D
Happy 15M views!!! 💘
BINABASA MO ANG
With A Smile [SEULRENE FANFIC]
FanfictionFirst, homophobes are not allowed here. I'll write the story as if LGBT peeps are accepted in our community. My story will flow like how heterosexual couples act. I'm not that fluent in English so please bear with my grammar. Tag-Lish (Tagalog-Engli...