Prologue.

63.3K 847 24
                                    

Prologue.


Sabi nila, ang mga pinaka-memorable na bagay na mararanasan mo ay nagaganap unexpectedly. Kumbaga, walang definite time at walang definite place. As in kusa na lang syang mangyayari. Magugulat ka na lang na nandun na pala.


Sabihin na lang natin na hindi kasama sa list of expectations ko na may makilalang certain person na mahilig magsuot ng kulay itim at mahilig makipagbakbakan habang break time sa klase.


Sabihin na lang natin na isa akong taong hindi naniniwala sa love at first sight pero naniniwala na ang feelings ay na-dedevelop. You can't force yourself to fall in love at once. May times na masasaktan ka na halos isumpa mo na lahat ng tao.


Sabihin na lang natin na malayong-malayo sa katotohanan na magkagusto ako sa isang taong alaskador at walang pakielam sa sarili. But what do you know? Malay mo, ang isang bagay na akala mo never mangyayari, eh yun pa ang reality in the future.


Akala ko walang sense ang pagpunta ko dito. I thought that coming here won't change anything at all and I always believed that it's just a country. Na walang kahit anong makakapagpabago sa akin sa lugar na to.


Well... sabihin na lang natin na...


Nagkamali ako.


*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

PROLOGUE RE-EDITED: APRIL 25, 2015

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon