Chapter Forty Four

6.6K 102 11
                                    

Chapter Forty Four

Back to school nanaman ang drama namin ngayon. Actually, hindi ako nakikinig sa klase ngayon lalo na’t hindi ko naman maintindihan ang mga pinag-sasabi ni Sir at mas lalong wala akong balak na intindihin pa yun. Kaya eto, pinaglalaruan ko na lang yung ballpen ko at baka sakaling ma-aliw pa ako kahit papaano.

2 weeks after nung ‘kasal’ nila Kuya.

 Hindi ko namang masasabing official kasal yun kasi hindi naman sa simbahan pero at least prinove na ni Kuya kung gaano niya kamahal ang girlfriend niya. May sarili na silang bahay kaya hindi na niya ako maasar at mas lalong wala na akong aasarin kasi wala na sila sa bahay. Si Jason naman pinabalik na ni Daddy sa States kaya bumalik na siya dun. Home Alone nga eh. Si Chloe, pinapabayaan ko na lang na laging makipag-date kay Dennis. Isa pa, halos ilang buwan ko din siyang kinadena sa akin kaya oras na pakawalan na yun. Mukhang sabik na sabik makipag-date sa boyfriend eh. Si Ivan naman, mamaya pang hapon yung klase tapos 6 ang end. Same as Jane. Si Caleb at Josh, hindi ko classmate pero morning kaming tatlo kaya kahit papaano eh nagkaka-salubong. Si Caleb, friends kung friends sabi niya. Hindi na rin raw niya ako gusto pero ready pa rin siyang maging crying shoulder ko in case of emergency nga daw. Lagi na nga silang mag-kasama ni Josh eh! Simula nung umuwi kami galing Cebu para na silang kambal tuko at hinding-hindi na mapaghiwalay. At ang tawagan nila, “PAREEEEEEEEEE!!” with elongated E pa talaga sa dulo. Paminsan para silang lasing na naglalakad sa hallway. Paano ba naman mahilig mag-gibberish talk ang loko? Pero dedma lang sa akin. Kung tutuusin, mas mabuti na yun kesa pa may digmaang nagaganap. Nung high school kami ganun ang laging theme ng dalawa pero ngayong college na kame, mas close pa silang dalawa kesa sa amin nila Chloe!

Si Stefanie? Asa Baguio pa din siya and mukhang walang balak bumalik. Sabi ni Kuya, babalik lang daw siya pag Dec. 21 na. Ako naman eh party party lang with matching tequila and vodka nung sinabi ni Kuya yan. Hindi naman sa sinasabi kong ayaw kong makita si Stefanie. Ay teka, ayaw ko nga talaga siyang makita. Sigurado naman akong enjoy na enjoy siya dun at sagana ang news feed ko sa Facebook na puro posts niya at naiirita na talaga ako kasi paulit-ulit lang naman. Kulang na lang bawat bahay sa Baguio pasukin niya tapos mag-pictorial dun sa sobrang dami ng pictures. Madami ngang nag-lalilike pero mukha namang pilit yung ngiti. Nakakainis talaga, parang ewan lang eh. Ako nga, ilang buwan at taon na ako sa Pilipinas pero mas kunti pa ang pictures ko kesa sa kanya.  More like kung ako may 200 pictures siya 10 times sa dami ng akin. Malamang nag-iinit na ngayon ang camera at SLR niya sa sobrang pag-pipicture.

Okay next. My parents. Mom and Dad won’t be here as usual pero ang buong sandatahang Mendoza naman ang pupunta dito. Particularly, my cousins and other relatives or some second or third family na parang mga tigre at leon kung  umasta. Di ko alam kung anong gagawin nila dito  pero sana naman hindi puro pang-kalokohan lang at baka mapalipad ko sila ng hindi oras. Na-eexcite akong makita sila na hindi ko maintindihan kasi knowing my cousins alam kong hindi sila basta-basta uuwi dito sa Pilipinas. Hindi naman sa ayaw nila o ano, sadyang tamad lang sila mag-schedule ng flight at bumili ng ticket. Nagulat na  lang ako ng meron akong 50+ na notifications yun pala puro wallpost lang na nag-sasabing pupunta na sila. Ang dami namin noh? Yung iba ko kasing pinsan may mga anak na at siyempre asawa kaya mas lalong kumapal ang family tree namin tapos madadagdagan pa yan kasi kinasal na si Kuya. Speaking of Kuya, nasa prescon siya ngayon together with her wife para sagutin ang mga tanong ng mga reporters. Alam niyo na, family thing. Naging issue pa nga yung girlfriend ni Kuya before. Parang ang big deal kapag may girlfriend ka tapos anak ka or related sa mga taong sikat sa kahit anong industry. Well, our family sa business industry malaki ang hatak. Masaya nga kami kasi never pang na-bankrupt ang company.

“Okay, class dismissed”

Yan lang ang isang bagay na naintindihan ko sa mga ni-lesson ni Sir ngayong araw. Ang sipag ko talaga noh?

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon