Chapter Forty Five
Fast forward muna tayo ha? 2 weeks after ng date namin Josh at siyempre dalawang linggo din kaming nagkalayo ni Best Friend Chloe kaya sabi namin magkaka ‘girls’ night kami. And of course, para di boring, pinapunta na din namin sina Ate Hannah and Jane. After 1 billion years naging free na din si Jane at sa kasaklapan ng kapalaran, kailangan namin siyang ilayo kay Ivan ng 2 or 3 araw. Bad namin noh? Okay. Sa bahay ko siyempre ang location ng girls night. Friday night ang start tapos mag-eend ng Sunday night. Included na dun ang malling and group study sa Sunday which is strictly NO BOYS ALLOWED. Kaya matagal-tagal ding mananahimik ang buhay namin. Pati texting AY BAWAL DIN! Payag naman silang lahat sa gusto kong mangyari. Sabi nila magkaka-‘bonding’ moment rin raw ang boys parang sa amin. Mga gaya-gaya talaga oh. Mga walang originality! Actually, isa lang ang hindi payag which is, of course, Josh Martin. Sabi niya, “Girls’ night lang naman yun pero bawal ang texting or calling? Ano toh preso?” Ayun. Nakatikim ng uppercut galing sa akin. Joke, pero seriously, sinuntok ko talaga siya pero mahina lang at baka makulong ako ng di oras.
“Girls’ Night kung girls’ night! Ilang araw din nating hindi makikita ang mga sakit sa ulong boys!” - Chloe
She laughed.
“Single ako, FYI! Kakabreak lang naming ng boyfriend kong walang hiya!”
Sabat naman ni Ate Hannah. Yep, she HAD a boyfriend but due to unexpected events, nag-break sila kasi nambabae daw yung guy. Este, nanlalake pala. Yep, he’s gay.
“Grabe yun eh! Akala ko straight. Hindi pala! Boy pala ang type hindi girl!”
She took another sip on her tequila.
“Alam mo Ate Hannah, learn to move on okay? Kung hindi ka niya na gusto at sa ka-gender na siya gustong sumama, hayaan mo na siya. Yun ang gusto niya. Respetuhin na lang natin ang desisyon niya. Tsaka, andame dame pa namang guys diyan oh” - Ella
“Nako, Ella. Pasalamat ka at maganda ka. Kahit wala na kayo ni Josh hindi ka pa din mauubusan ng reserba. Ang dami-dami mo kayang manliligaw”
“Dakilang mambabasted yang si Ella eh. Goodluck na lang sa kanila. Mas mataas pa yata sa Mount Everest ang standards ni Ella, noh?” - Chloe
“Edi si Josh ang nagpatumba sa dakilang mambabasted? Aba ayos naman pala ng kapatid ko eh. Gwapong gwapo!”
“Hello? Andito lang po ang taong pinag-chichismisan niyo?” - Ella
“Oh tama na yan! TAGAY PAAAA!” – Ate Hannah
“CHEERS TO LOVELIFE!” - Chloe
At yun nga, nag-tagayan silang dalawa. Kami naman ni Jane, pakunti-kunti lang ang inom namin at baka mag-ala baliw kami sa sobrang lasing. Kagaya na nga lang ng nangyayari sa dalawang babae dito na tila nainom na ang stock namin tequila, wine at vodka dito sa bahay. Nag-yaya pang makipag-tagayan ah! Eh halos matumba tumba na nga sila eh. Tsk. Mga babaeng ito talaga oh. Di makapag-pigil eh.
“They’re just too wild” - Ella
“Ganyan talaga pag-lasing. Buti nga walang boys eh. Baka makitagay pa yung mga yun” - Jane
I laughed. “Oo nga eh. Lalo na si Josh and Ivan. Mga lasinggero yun eh”
“Pero kahit pa ganun sila, kahit papaano eh masasabi nating mabait sila”
“Tama ka. Paminsan talaga nagiging siraulo mode ang mga lalake. Di naman maiiwasan yun eh”
I looked at the sky. Nasa terrace kasi kami at since malawak naman ang terrace namin, kasyang kasya kami dito.
BINABASA MO ANG
Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)
Novela Juvenil**SLOWLY RE-EDITING** Naka-private ang special chapters. Fans lang ang pwedeng makabasa. :) About a gangster who can't move on from his ex-girlfriend and a girl who has a messed-up lovelife. What will happen if these two collide? Will they attract...