Chapter 8

309 10 0
                                    

TRENT 'S POV

Papaalis na ako ng Zenith nang may humarang sa nilalakaran ko. Pamilyar ang lalaking 'to ah. Naaalala ko na. Siya 'yong kasama ni Nat no'ng nagkita kami dito.

"Hey! You know Alexandra, right?" Feeling close naman ne'to.

"Ano naman sa'yo?" Hindi naman ako plastic para magpaka-friendly sa ungas na'to.

"Kasama ko lang siya kanina eh. I can't find her at the spot I left her. Nagbabakasakali lang ako, baka nakita mo siya."

Bakit kaya nandito si Nat, eh birthday party 'to ni Devi?

"Anong ginagawa niya dito?" Kunot noo kong tanong kay ungas.

"I took her with me, I didn't know she's not in good terms with Devi. I tried calling her but she's not answering." Bigla naman akong nag-alala sa sinabi niya.

Paano kung nakita, si Nat, ni Devi?

Baka kung ano na naman ang maisip gawin ng baliw na 'yon.

"Ako na ang bahala." Sagot ko kay ungas at iniwan na siya.

Kinuha ko ang phone sa bulsa at tinawagan si Brent. Baka umuwi na rin si Nat sa mansion. Hindi pa raw nakakauwi si Natasha sabi ni Brent. Kinausap ko na rin si Zac para mabilis kong mahanap si Nat.

Pero imbis na si Nat ang makita ko, nakaharap ko ulit si Devi. Mukhang galing sa pag-iyak. Wala akong pakialam sa kaniya pero kailangan kong malaman kung may ginawa siya kay Nat.

"Trent." Maluha-luhang tawag ni Devi sa'kin tyaka siya lumapit para yumakap sa'kin.

Umatras ako, hindi pa man siya nakakalapit ng tuluyan.

"I just need you right now." Tulyan na siyang umiyak sa harap ko.

"Alam mo ba kung nasa'n si Alexandra?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"So, alam mong nandito siya? Ikaw ba ang nagdala sa kaniya dito? I didn't expect that from you, Trent. Kailangan mo ba talaga akong saktan ng ganito?" Panunumbat ni Devi.

"Ikaw ba? Hindi mo kami sinaktan?" Sumbat ko pabalik.

"What are you talking about? All I did is loving you!" Talagang nagmamaang-maangan pa rin siya.

"Mali ang definition mo ng love, Devi. Hindi kasama sa pagmamahal ang pagsira mo sa relasyong iningatan ko. Alam mong mahal ko si Alexandra, pero bakit mo sinadyang sirain kaming dalawa? Ikaw ang dahilan kung bakit niya ako iniwan." I just want to end everything that makes a connection between the two of us. I don't even care if she'll hate me.

"So, you already knew."

"Kaya sana aminin mo na lang ang kasalanan mo at tigilan mo na ang kakapilit ng sarili mo sa'kin. There will never be a chance for you and me."

Way Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon