Chapter 7

307 12 3
                                    

TRENT'S POV

Marami ang bisita ni Devi; may mga kakilala akong former schoolmates noong high school pati na rin college, pati na rin mga models na minsan ko na ring nakatrabaho, pero hindi ko magawang makisabay sa kanila para i-enjoy ang party ni Devi. Mas gusto kong mapag-isa at siyempre, uminom. Hindi ko na nga mabilang kung nakailang salin na ako ng alak sa baso ko, mabuti na lang at sanay na ako at hindi agad nalalasing. Pero ngayon parang gusto ko na talagang maglasing.

Wala na akong kasama sa table dahil lahat ng mga kasama ko ay nag-s'slow dancing.

Tapos biglang naging pang broken hearted ang music. Nanadya ba ang DJ ngayon?

Tss.

Talagang “Half A Heart” ng One Direction, huh?

Naaalala ko na naman si Natasha. Hindi ko alam kung dahil sa senting kanta na ipinatutugtog ngayon o dahil sa hindi naman talaga siya nawawala sa sistema ko.

Why do we have to end up like this?

I really miss you, Nat. But I have to keep my distance so I could stop hurting you more.

Pinunasan ko ang luhang nasa mata at pisngi ko, baka makaagaw pa ako ng atensyon dito.

Maya-maya ay papalapit na sa'kin si Devi.

"Trenty.. why don't you join us there?" Umupo siya sa tabi ko at sumandal bahagya sa'kin.

Ang arte naman, hindi nga bagay sa kaniya eh.

Bakit kapag si Nat, hindi naman pangit pakinggan?

"Not in the mood, Devi." Pagtanggi ko.

"Why? Kanina pa mainit ang ulo mo. Is this about work?" Pang-uusisa niya. Ihinilig pa talaga niya ang ulo sa balikat ko, agad akong umiwas.

Parang nandidiri ako sa kaniya.

"Don't mind me. Just enjoy your party." Mas inilayo ko ang sarili sa kaniya. Isang mahabang couch kasi ang inuupuan namin.

"I wanna help. C'mon, kwento ka." Pamimilit niya pa. Makulit, pilit na tinatawid ang space sa pagitan naming dalawa.

"Wag na." Wala akong balak na magpacomfort sa babaeng 'to.

Siya naman ang dahilan kung bakit ako nagkagan'to eh.

"I'm just concerned about you." She caressed the side of my face.

"I'm fine, Devi. I don't need your concern." Nauubos na ang pasensiya ko.

"Maybe you need some distraction?" Malandi niyang tanong at mas lalong lumapit sa'kin. Halos magpakandong na nga sa'kin eh.

I never like easy girls kahit noon pa.

What makes her think I would want to be with her?

She's really nothing compared to Natasha.

"Devi, you're invading my personal space." Warning ko sa kaniya. Baka hindi na ako makapagtimpi mamaya at mabigwasan ko na 'to.

"I'm sure by now, alam mo na ang feelings ko sa'yo, Trent. I--"

"Let's not talk about this if you want me to stay, Devi." I cut her off. Wala akong interes sa naramdaman niya.

"I don't know why youstill want to play hard to get. I'm saying it anyway. I love you, Trent." Sinabi niya 'yon at basta na lang sumampa sa kandungan ko.

Way Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon