Chapter 4

302 9 0
                                    

Trent's POV

Wala nang nagawa si Nat nang magdrive ako pauwi ng condo. She was silent the whole ride, and so did I because I don't want to irritate her anymore. I opened the car door for her, nasa parking lot na kami ng condo.

"I'll just take a cab on the way to the nearest hotel, bye." Akmang aalis na si Nat.

"It's already late. It's not safe out there." Pagpigil ko habang hawak ang kamay niya.

"Yeah right, and you think you're not harmful." Sarcastic niyang sagot.

"I know you're tired and I have a place for you to stay. If you still want to be mad at me, just save it for later." I offered a proposition.

Ilang segundo siyang nakatingin sa'kin na para bang pinapakiramdaman niya kung katiwa-tiwala pa ba ako bago niya binawi ang kamay niyang hawak-hawak ko.

"I'm warning you, don't try to do anything funny to me or else..." She said while her arms are crossed over her chest.

"Yeah, yeah. Takot ko lang sa'yo." Sagot ko habang nakataas ang parehong kamay.

"Now, go." Bossy niyang utos. Siyempre, sunod naman ako agad.

Maya't maya ang lingon ko kung nakasunod ba siya sa'kin, mahirap nang masalisihan. She's glaring at me everytime I look back at her.

Cute.

Pumasok na kami sa elevator. Kaming dalawa lang ang nasa loob, mag-uumaga na rin naman kasi.

"Won't your girlfriend get mad that you brought me here?" Tanong ni Nat nang derecho lang ang tingin sa kakasarang elevator.

"You're already mad." Sagot ko. Tsaka lang siya lumingon sa'kin.

"I'm not joking around, Trent Willard." Oh diba, galit na naman si Sungit.

"And so do I. Nilinaw ko na sa'yo kanina, hindi naman tayo nagbreak. Kaya ikaw pa rin ang girlfriend ko. Wala naman akong balak na palitan ka."

Hindi na siya nakasagot nang magbukas ang elevator. Nasa floor na kami ng unit ko. I held her hand as we exit the elevator.

"Ba't basta ka na lang nang hahawak? I don't consent to this!" Reklamo niya at akmang babawiin na naman ang kamay niyang hawak ko ngayon.

I held on to her tighter, just enough to not let go.

"Baka kasi iwan mo 'ko ulit." Pagsesenti ko.

"Kasalanan mo naman." Mahina niyang sagot pero sapat para marinig ko.

Dahil nga hawak-hawak ko ang kamay niya, sumunod na lang si Nat hanggang sa makarating kami sa tapat ng mismong unit ko.

I scanned my thumb on the door lock. Tinipa ko ang passcode para maregister ko na rin ang fingerprint niya. It's a combination of our birth day and anniversary. Lumingon ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya sa keypad door lock. She must have realized something about the number combination. I took her hand and scanned her thumb to register her on my door lock.

Way Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon