Chapter 5

290 11 0
                                    

Trent's POV

Ilang minuto na 'kong nagmumukmok dito sa kwarto pero wala man lang sumunod. Hindi na nga pala ako dapat mag-expect. Kahit anong pilit ko, hindi naniniwala sa'kin si Nat. Tingin niya sa'kin manloloko. Karma ko ba 'to sa pagiging playboy ko dati? I was so young back then. Kung kailan ako nagseryoso, tyaka pa ako binawian.

Halos isang oras na yata ang nakalipas at wala akong naririnig na ingay mula sa labas ng kwarto ko kaya ako na mismo ang lumabas para tignan kung ano ang ginagawa ng dalawa.

Anak nang!

Nasa'n na sila?

Tsaka ko lang nakita ang papel na nakalatag sa dining table.

I'm bringing her back to the mansion, Bro.

- Brent

Sumama talaga si Natasha kay Brent. Mas pinili niya ang kapatid ko na ngayon niya lang nakilala.

Napaupo na lang ako sa kabisera ng dining table habang pinagmamasdan ang hinanda kong breakast. Ni hindi man lang 'yon nagalaw. Nawalan na rin ako ng ganang kumain.

Sabado ngayon at sa Lunes pa ang trabaho, nakakabagot.

Sundan ko kaya sila do'n sa mansion?

Hindi na rin naman ako persona non grata do'n kaya pwede naman ah.

Naligo na ako at nagbihis kaagad. Siyempre kailangan pa ring pumorma. Time will come, marerealize ni Nat na hindi niya pala kayang tiisin ang charisma ko. Natawa ako bigla sa naisip.

Ganyan dapat, Trent. 'Wag kang nega, hindi 'yon makakatulong sa'yo.

Nagdrive na nga ako patungong mansion. Mabuti na lang at hindi ganon ka-traffic kaya mabilis pang rin akong nakarating. Pasipol-sipol pa akong lumabas ng kotse pagkatapos kong magpark sa garahe.

"Aba't bumalik ka ulit dito. Mabuti ngang dalasan mo ang pag-uwi, anak." Agad na puna ni Nanay Remie sa'kin nang makita akong pumasok.

Si Nanay Remie ang mayordoma dito sa mansion. She basically raised me and Brent, kasi obvious naman, busy ang mga magulang namin.

"Siyempre, gusto kong makita ang maganda kong Nanay Remie." Sagot ko.

"Sus, nambola pa. Ibang maganda yata ang timutukoy mo. Paalala, anak, magiging asawa 'yon ng kapatid mo." Grabe naman ang pakiramdam nitong si Nanay, ang lakas.

Pero hindi ako sang-ayon sa sinabi niyang magiging asawa ni Brent si Nat.

"Eh, nasa'n po ba si Natasha?" Hindi ko na pinansin ang babala ni Nanay.

"Sinong Natasha?" Kumunot ang noo ni Nanay at parang naguguluhan sa tanong ko.

Oo nga pala, Alexandra palagi ang pakilala ni Nat sa kaniyang sarili.

"Si Alexandra po."

"Hmm, kakasabi ko lang eh. Wag mo nang idamay si Alexandra sa kalokohan mo. Malalagot ka sa Daddy mo, pati na rin sa mga magulang niya."

"Si Nanay naman, parang walang tiwala sa'kin."

"Pinaalahanan lang kita, alam ko 'yang mga galawan mong 'yan." Natawa na lang ako sa sinabi ni Nanay Remie.

"I'll just go ahead, Nay. Promise, I'll be good."

"O siya. Marami pa akong aasikasuhin."

Ako na lang mismo ang hahanap kay Natasha. Sa pagkakaalam ko, nasa office ng ganitong oras si Brent. Aabsent absent pa kasi kahapon, pinarusahan tuloy ni tanda. Kaya may pagkakataon akong kausalin si Nat ngayon ng kami lang dalawa.

Way Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon