Chapter 9

295 9 0
                                        

ALEXANDRA 'S POV

I woke up feeling something heavy on my waist. Oh, how could I forget. Hindi pala ako natulog mag-isa. Trent is still sleeping beside me. I propped one hand on the bed to support my head as I lay sideways, facing him.

He's so handsome. I used my free hand to trace his thick eyebrows, down to his nose and..

"In love na in love ka na sa'kin n'yan." Gising naman pala ang loko.

"Kung may competition lang ng confidence level, isasali kita. Panalo ka for sure." Pambabara ko.

"I was just stating the obvious, Heart." He moved and caged me in his arms. My back is completely lain on the bed now while his slightly on top of me.

"Ang aga-aga, nanglalandi ka na naman." Paninita ko. I tried my best not to stutter. I can feel my cheeks burning as he stares at me intently.

"Sa gabi lang ba pwede?" He even wiggled his eyebrows. Natatawa na lang ako sa sinasabi niya.

"Stop it! Get off me. Nagugutom na ako."

"Well, you can have me for breakfast." Pilyo niyang offer.

"No, thanks. I'm not a cannibal." Mataray kong sagot at marahan siyang tinulak para makabangon.

"Hindi talaga naiiextend 'yong sweetness mo? Hanggang ilang oras lang 'yon kagabi. Balik sungit ka na naman sa'kin." Nagpout pa talaga siya habang naka-cross ang braso sa chest niya.

"Hindi na muna, baka maoverdose ka." Sagot ko at nauna nang lumabas ng kwarto.

Wala pang stock ng groceries si Trent kaya limited lang ang pwede kong lutuin. Corned beef, sunny side-up, at plain rice na lang ang hinanda ko. Ni wala ng siyang onions dito eh.

It's already 7:00AM kaya kailangang magmadali ni Trent. His work starts at 8:00AM. Nakaligo na rin siya habang nagluluto ako kanina.

"Dito ka lang ba muna or may gusto kang puntahan?" He ask me as he wear his shoes. "Teka, magfile na lang kaya ako ng sick leave? Baka lumabas na naman kayo no'ng Ethan eh." Dagdag niya pa.

"I'll just get groceries then babalik na 'ko dito. Ang OA mo, sa tingin mo yayain ko pang lumabas si Ethan now that we're together?"

"Ang ganda-ganda mo kasi, kahit sinong lalaki magkakagusto sa'yo. Kaya dapat maging alerto ako palagi." Nambola pa.

"Sige na, pumasok ka na. You'll still see me when you get home." I assured him. Sa tingin ko, takot lang siyang baka umalis na naman ako bigla.

"You really know me. 'Wag na 'wag mo na 'kong iiwan ha?" He said.

"I won't. I love you." I gave him a quick peck on the lips and urged him to go.

"Teka, sinong magdadala ng groceries mo? Hindi na 'ko papasok sa trabaho." Nakakubot pa ang noo niya pero ang cute niya rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Way Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon