Chapter 4

19 0 0
                                    

Chapter Four: Legend Ember

Im your nightmare: Lets play a game. You ready?

Napatigil ako nang mabasa ko ang nilalaman ng mensahe mula sa hindi ko kilalang nagmesssage sakin. Sino 'to? Anong kailangan niya sa'kin? Akala ko ba titigilan na nila ako. Bakit ginugulo nanaman nila ako!

Nilagay ko yung kamay ko sa keyboard para magtype. Nanginginig yung kamay ko. Hindi ko alam kung ano bang itatype ko. Para bang namental block ako.

Magtatype na sana ako nang may another message nanaman akong nareceived mula sa kaniya.

Im your nightmare: You'll die soon. *evil smile*

Nag-init bigla yung ulo ko. Ang duduwag nila! Ayaw nila akong harapin agad. Hindi ko alam kung ano ba talaga kailangan nila sakin. Nakuha na nila yung gusto nila noon. Ano paba gusto nila? Argh!

I replied: Who the fvck are you?!

Nagkakandalaiti na ko sa inis dito. God! Kaleah, Easy. I just need to be careful at kailangan kong maging alerto.

Nagflashback sa isip ko yung taong sumusunod sa'kin kanina. Siya kaya yun? Pero hindi eh. Mararamdaman ko naman yung presensiya nang mga demonyong taong yun eh.

Sumasakit yung ulo ko. Tangina! Ang dami nanamang tanong sa utak ko.

Binalik ko ulit yung tingin ko sa chatbox nung im your nightmare. Hindi ko alam kung lalaki ba 'to or babae eh. Nakita kong nagoffline na siya 3mins ago.

Napabuntong hininga nalang ako tsaka niclick yung 'x' sa upper right. Nakita kong nagreply na si Ice kaya clinick ko 'to para mabasa yung message niya at literal na napanganga ako dahil tinadtad niya ko ng messages.

Iniscroll up ko para basahin yung pinakareply niya sa huling message ko.

He replied: Or else.. I'll kiss you.

WTF?! Nasa matino pabang pag-iisip 'tong lalaki na'to. Ano bang pinagsasasabi niya? Siraulo pota.

Iniscroll down ko ulit para basahin yung ibang messages niya.

Why you did not fvckin reply?

HEY!

Are you still there?

You're still online. But you couldn't reply my messages.

What the fvck are yah doin?

Seen my fvckin messages, woman!

What the heck..

YAH!

-________- nakapoker face lang ako habang binabasa lahat ng mga messages niya.

Me: What?

Typing message...

He replied: Anong klaseng reply yan?

Me: A word?

He replied: Tss. Just fvckin accept my friend request. What took you so long anyway?

Me: Why do you care asshole?

He replied: Tsss

Me: Im gonna log out na.

I click the 'x' button. Bago ako maglog out. Inaccept ko muna yung limang ugok pati yung tatlong bitch.

Then i logged out. Sinarado ko na yng laptop ko. Umunat unat muna ako at ininom yung vitamilk. Feel ko nauhaw ako dun kaya naubos ko agad yung vitamilk.

Binuksan ko yung Pic-A. At nagsimulang kumaen. Humiga ako sa sofa habang nasa tiyan ko yung Pic-A. Nakatingin ako sa TV. Kung titignan, parang nanunuod ako. Pero nag-iisip ako kung anong gagawin ko.

May mga tao nanaman na epal sa buhay ko. Ang masaklap pa, hindi ko sila kilala.

Ayoko nang mangyari ulit yung nangyari 4years ago. Hindi ko nga aakalain na mabubuhay pa pala ako ngayon sa matinding dinanas ko noon.

Hindi ko alam kung bakit ako yung mas matindi ang dinanas, hindi naman ako yung hinahanap nila noon. Kundi, yung bestfriend ko. Si Meisha. Hindi ko maintindihan eh. I am just 13years old for pete's sake before.

Ginawa ko lahat para maligtas siya. I even take my fvckin life just to save her. Pero hindi, pinatay padin nila siya. Ang bestfriend ko. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam. Akala ko nung pinatay na nila yung bestfriend ko, Titigilan na nila ko. After 3years. Guguluhin nanaman nila ako ngayon. Ano nanaman bang kailangan nila sa'kin? Pinatay na nila yung bestfriend ko. Ano paba gusto nila?

Natigil ako sa pagaalala sa mga nangyari noon nang may tumawag sa phone ko. Kinuha ko yung Pic-A mula sa pagkakapatong sa tiyan ko at nilapag sa table. Tumayo ako sa pagkakahiga at kinuha yung phone ko katabi sa laptop ko.

Who the hell is calling? CASSIE?

I slide the screen to answer a call. Nilagay ko sa tenga ko yung phone ko para marinig ko yung sasabihin niya. Hindi muna ako nagsalita.

("UWAAAA! LEAH. I MISS YOU SO MUCH!") Nilayo ko sa tenga yung phone ko nung marinig ko yung hyper voice niya. Seriously? Gabi na. Ang hyper niya padin!

"Don't shouting. Its really annoying Cassie." Walang kwenta kong sabi sa kaniya. Sumandal ako sa sofa.

("Heto naman, wala manlang i miss you too?") At alam kong nakapout yan ngayon. Tsss

"What do you want?" Nagtataka siguro kayo kung sino siya no? Kasama ko siya sa isang gang. Yes, I have a gang before. Pero binuwag ko na'yun. Matagal na, 2years ago. So after the incident happen 4years ago. Nagkaroon ako ng gang nung 15years old ako. Tas tumagal ng ilang buwan. Tas binuwag ko na. Lima kami nun, Legend Ember ang name ng Gang namin.

Tatlong lalaki, at dalawang babae ang bumubuo ng Legend Ember. Ako at si Cassie yung dalawang babae na'yun. Kahit nangunguna kami sa Ranking, ibinuwag ko padin yun dahil sa tatlong rason.

Una, madaming gustong kumalaban samin. Pangalawa, Ang daming threats natatanggap namin. At pangatlo, heto ang pinakamain reason ko kaya napilitan ko nang buwagin ang gang namin.

Dahil, namatay ang isa sa mga members namin. Si Kyle. Ang huling threats kasing natanggap namin ay kung di namim bubuwagin yung gang namin. Iisa isahin kaming papatayin. Nung una, hindi namin 'to pinapansin. Pero nung pinatay nila si Kyle. Napilitan ko nang buwagin.

Yung dalawang ugok, wala na kong balita sa kanila. Pero ang alam ko lang noon, pumunta silang ibang bansa nung time na binuwag ko yung gang group namin. Until now, wala padin akong balita sa kanila.

Si Cassie naman, nasa south korea siya ngayon for some business. Nakakausap ko padin siya at isa siya mga taga balita ko.

("Hey Leah! Are you still there?") Napabalik ako sa wisyo nang marinig ko yung boses ni Cassie. Huh? Gawd! Im spacing out again.

"Ah.. yeah. What are you saying again?"

("Like what i've said. Im going home naaaa! At nakausap ko ang mga parents mo. Diyan ako sa condo mo titira once na makabalik na ko diyan. And we're studying in the same school also") Just what the fvck is she talking about?

"What?! No hella way." Sabi ko. Gusto ko nga ng tahimik na buhay eh. Tapos makakasama ko 'tong babae na'to sa iisang bahay? The heck! Ang ingay kaya ng bunganga neto. Kahit na may isang kwarto pang available dito. Ayoko padin.

("Wether you like it or not, i will live there. See yah soon leah.") Magsasalita pa sana ako nang biglang maend yung call.

Tss. Sige na nga, para naman hindi na hassle at para safe mga balita niya sa'kin. Kapag through call kasi, naghahanap pa siya ng lugar kung saan safe para sa update niya. Siya lang din kasi nakakaalam yung mga nangyayari sakin bukod sa pamilya ko. Kaya i feel comfortable with her.

By the way, The question is. Kailan siya uuwi? Hindi ko manlang natanong ts.

Tinignan ko yung wall clock kung anong oras na. 9:47pm na. Bakit ang bilis ng oras? Niligpit ko na yung mga kalat ko tsaka pinatay yung TV. Nilock ko muna yung pintuan at mga bintana. Bitbit ko na yung laptop at cellphone ko, bago ako pumasok sa loob ng kwarto ko. Pinatay ko muna yung mga ilaw.

Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon