Chapter 7

12 0 0
                                    

Chapter Seven: I want you to be my friend

Hila-hila padin ako ni Ice kahit ang layo nanamin kay Caliber. "Let me go." Irita kong saad. Binatawan naman niya agad ako.

Nakaharap na siya sa may pintuan ng room namin. Wtf? Hindi pa bell. Kaya panigurado nandito pa yung teacher namin sa ICT.

Magsasalita na sana ako nang buksan niya na yung pintuan. Napatingin lahat ng mga kaklase namin samin ni Ice, even the teacher ay napahinto sa dinidiscuss niya.

"Pumasok pa kayo sa klase ko, 5mins nalang magbebell na." Sabi nang teacher namin sa ICT. Hinila naman agad ako ni Ice papasok sa loob. Sinarado niya muna yung pintuan bago ako hilain ulit. Seriously? Trip ba talaga niyang hilain ako?

Ramdam na ramdam ko ang death glare ni Charlotte sakin. Tsss.

Umupo naman siya sa upuan niya, kumuha ulit siya ng upuan at nilagay sa tabi niya. "Now, sit." Utos nito sabay tap sa upuan. Ano ako? Aso? -___- umupo nalang ako. Wala akong balak magdada ng magdada.

*ringgggg!*

Okay. Next subject na. Tinignan ko naman 'tong katabi ko na nakayuko na sa may arm chair niya. So, balak niya lang matulog dito magdamag?

Hindi ko nalang siya pinansin. Sinuot ko nalang yung earphone ko tsaka nagpasoundtrip. Im bored. -.-

Habang nagpapasoundtrip ako. May narinig akong boses mula sa speaker ng room na'to. Pinindot ko yung button ng earphone para magstop yung music at nakinig sa sinasabi sa speaker.

"Goodmorning Woodlanians. We would like to inform you that we're gonna cut the classes this morning because of the urgent meeting with all of teachers. Be good and have a nice day." So, cut ang classes? Wala na kaming klase? Ang galing naman. Ang dami dami kong natutunan.

Hayst. Uuwi nalang ako. Akmang tatayo na'ko, inunahan na ko ni Ice at hinila nanaman ako for the nth time. Nakakatangina na 'tong lalaking 'to ha!

Sa inis ko, padabog kong kinuha yung kamay mula sa pagkakahawak niya. Tsaka nakakunot-noo ko siyang tinignan.

"Ano bang trip mo at hila ka ng hila?" Nakasimangot kong sabi sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita. Nakapoker face lang siya.

Tinignan ko yung paligid, nakatingin na pala samin lahat ng estudyante. Ts! How i hate attention.

"Im sleepy." Sabi nito. Tinignan ko siya. Anong pake ko kung inaantok siya? Kasalanan ko ganun?

"Edi matulog ka, dinadamay mo pa ko." Sago ko. Magsasalita na sana siya nang tumunog yung phone niya. Sinagot naman niya agad to.

"Yeah?..." napansin kong napakunot-noo siya. Sino ba kausap niya? "Okay. I'll be there in 5mins" sabi nito sabay baba ng cellphone niya. Tumalikod na siya sakin at naglakad palayo.

Tignan mo 'to. Hinila hila ako tas iniwan nalang ako basta basta. Pakyu siya! Ts. Maglalakad na sana ako paalis nang may humarang sa daanan ko.

"Look who's here." Mataray na sabi ni Charlotte.

"Ibang klase ka talaga no? Transferee kalang kung makipaglandian ka kay Ice, kala mo papatulan ka nun?" Sabi ni Angelique.

"I think ginayuma niya si Ice." Sabi naman ni Kendra. Wala talaga silang magawa sa buhay nila kung hindi makipag-away no?

Tinignan ko sila isa-isa sa mga mata nila. Napakawarfreak talaga ng mga 'to. Kaya hindi umaasenso pilipinas eh.

"So, kinaganda niyo yan?" Mataray ko ding sabi sabay crossed arms.

Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon