Chapter 5

12 0 0
                                    

Chapter Five: Gangsters

Nagising ako ng alas tres dahil nakaramdam ako ng gutom. Heto na nga ba sinasabi ko eh. Hayst. Routine ko na talagang gumising ng gantong oras.

Nagsuot ako ng black jacket, at sinuot ko yung mask ko. Dinala ko yung wallet, cellphone at yung headphone ko.

Nilagay ko sa leeg yung headphone ko. Nang nakahanda na ko lumabas na ko ng Unit ko.

Nang makalabas na ko ng building, nagsimula na kong maglakad papuntang 7eleven. Buti nalang 24hrs ang bukas ng 7eleven. Kaya hindi ako namomroblema kung gugutumin ako.

Maayos naman akong nakarating sa loob ng 7eleven. Akala ko may susunod nanaman sa'kin eh. -____-

Kumuha lang ako ng dalawang big cup noodles . Beef flavor tsaka ng vitamilk. Binayaran at pinalagyan ko ng mainit na tubig yung dalawang cup noodles na kinuha ko.

After kong magbayad. Pumunta ako sa pwesto na inupuan ko kahapon. Naghintay ako ng tatlong minuto bago nagsimulang kumaen.

Habang kumakaen ako. Nagvibrate yung cellphone ko which is may text akong natanggap.

Sino naman magtitext sa'kin ng gantong oras?

Binuksan ko yung inbox ko. Unknown number? I click the message.

To: +63907****
Why the fvck are you there? Alas tres palang ah.

Napataas ang kilay ko sa nabasa ko. Who the hell is this?

Pinatay ko yung cellphone ko tsaka pinagpatuloy yung pagkaen ko. Isusubo ko na sana yung noodles nang magvibrate nanaman yung phone ko. -_-

Tinignan ko 'to at binasa.

'You should reply my fvckin text messages'

Tangina! Sino ba'to?! Wala ngang istorbo kapag personal. Through text naman. Nako naman talaga! Rereplyan ko na sana 'to nang may tumatawag sa'kin.

Nakita ko yung number, heto yung nagtext sakin ngayon. Wala sana akong balak sagutin 'to. Pero may nagtutulak sa'kin na sagutin 'tong call na 'to.

So, i did.

"Who the hell are you?"

("...")

Naririnig ko na may mga tunog ng mga busina nang kotse sa kabilang linya.

"I said, who the hell are you?"

("Look at your right side") tumingin naman ako sa kanan ko which is makikita mo yung labas.

Nakita ko ang isang lalaking nakajacket na itim, na nakatingin sa'kin habang hawak hawak padin yung cellphone niyang nakalagay sa tenga niya.

Ice?

Parang nagslow motion ang lahat nung makita ko siya sa labas nitong 7eleven.

Nakaramdam akong nang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kaniya.

Hanggang sa napabalik yung wisyo ko sa narinig ko sa kabilang linya. ("You're so beautiful...") Sabi niya. ("Even if you're not wearing your mask, mas lalo kang gumanda")

WTF!! Hindi ko pala suot yung mask ko. Gawd! Napakacareless kong tao. Hindi pwede 'to. Dali-dali kong sinuot yung mask ko, at kinuha yung wallet ko sa table. Tsaka lumabas ng 7eleven. Gash! Lagi nalang talaga ako nag-iiwan ng may tirang pagkaen. -_____-

Nakita ko siya kung saan nandun padin siya sa pwesto niya. Nilapitan ko siya at hinila kung saan walang masyadong tao.

I need to talk to him..

Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon