Chapter 6

15 0 0
                                    

Chapter Six: Thankyou, Goodnight

Habang naglalakad kami, nag-iisip ako kung saan kami pwedeng dumaan. Hindi kami pwedeng dumaan sa main. Magtataka sila sa sitwasyon ni Ice ngayon.

"D-dun ka dumaan sa basement. May alam akong p-private elevator dun.." Basement daw. So, naglakad ako habang inaalalayan si Ice papuntang sa basement. Dito din ata siya nakatira eh.

"14th floor a-ako, MR 106.." malalalim na yung paghinga niya at pinipilit nalang niya yung sarili niya na wag makatulog. Wait..

14th floor?! MR 106? Wtf, so kalapit room ko lang siya. MR 108 ako eh.

Tinignan ko yung braso niya, nanunuyo na yung ibang dugo.

Nang makita ko na yung private elevator. Pinindot ko yung button para magbukas. Nang magbukas na pumasok agad kami. Pinindot yung 14th floor button.

Pinaupo ko muna siya habang naghihintay kami. Tinignan ko yung wrist watch ko. 4:23am na.

Nakapikit na yung mata niya. Hindi siya pwedeng matulog. So, i slap him.

"Fvck." Inda niya sabay mulat ng mata. "Why did you slapped me?" Nakakunot-noong tanong niya na halatang naiinis.

"Oh, akala ko kasi nakatulog kana eh." Sabi ko nalang. Malay ko bang nakapikit lang pala siya.

"Tss." Grabe ha. Ang sungit padin. Buti mabait padin ako. Kung hindi, iniwan ko siya sa bakanteng lote na ganiyan kalagayan niya.

*ting*

Narinig yung tunog nang elevator, hudyat na nasa 14th floor na kami. Inalalayan ko ulit siya at naglakad papunta sa unit ko. Dito ko nalang siya gagamutin. Wala naman akong narinig na reklamo mula sa kaniya.

I type my password. ****

Nang magunlock, binuksan ko agad 'to at nung makapasok na kami. Sinarado ka naman agad.

Inalalayan ko siya papunta sa kwarto ko. Walang malisya 'to. Kailangan niya lang talaga ipahinga yung katawan niya, at makahiga siya ng maayos.

Pagkarating namin sa loob, inalalayan ko siya paupo sa kama at isinandal ko siya sa sandalan nito.

Binuksan ko yung drawer sa side table ng kama ko kung saan nakalagay ang first aid kit ko. Kinuha ko 'to at binuksan.

Tinanggal ko muna yung mask ko at pinusod yung buhok ko.

Tinignan ko siya na nakatingin sa ginagawa ko. Hindi ko siya pinansin, at nagsimulang gamutin yung sugat niya. Buti nalang hindi masyadong malalim, kung malalim yung sugat niya. Kailangan niya nang ipagamot sa hospital 'to.

Naramdaman kong napapapikit siya sa sakit. Pinagpatuloy ko lang yung paggagamot sa braso niya. Ramdam ko yung titig niya sa'kin kaya medyo naiilang ko. Pero hindi ko pinapahalata.

Nilalagyan ko na ng benda yung braso niya. Nang matapos ko na siyang gamutin. Niligpit ko na yung mga ginamit ko at binalik yung first aid kit sa drawer.

"You should take a rest." Sabi ko sa kaniya at inalalayan siyang humiga. Nang makahiga na siya, tatayo na sana ako para lumabas nang kwarto nang hawakan niya yung kamay ko kaya napatigil ako at napatingin sa kaniya.

"Where the heck are you going?" He asked. Mahina lang yung pagkakasabi niya dahil nanghihina padin siya.

"Sa labas. Sa sofa ako matutulog." Sagot ko nalang.

"Nah, you'll sleep beside me." Sabi nito tsaka umurong pagilid. Napataas yung kilay ko.

"What are you talkin about? No way in hell." Irita kong sagot sa kaniya tsaka hinila yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon