Chapter 3

10 0 0
                                    

Chapter Three: Im Your Nightmare

Sander's POV

Nandito kami ngayon sa pwesto ng babaeng nakamask. Nakasandal lang ako sa pader habang pinalilibutan ng mga kasama ko itong babae na'to. Hindi ko alam pero parang naramdaman niya na lalapit kami sa kaniya kaya nilagay niya agad yung mask niya sa mukha niya para hindi namin makita. Bakit tinatago niya ang mukha niya? For what?

Hindi ako naniniwala na hindi siya maganda na katulad ng sinabi ni Tristan. I am perfectly sure that she's beautiful. I just don't know why is she hiding her face.

Tapos nung dumating si Ice at binanggit ni Jedrick at tinuro 'tong babaeng 'to. Parang nagulat pa siya na nakita niya yung babae. Kaya namin siya sinundan nung nilapitan niya ito. Kilala niya kaya 'to? Pero never naging interesado sa babae si Ice. Oo, womanizer siya like Jedrick. Kaso never siya naging interesado dito. Hindi niya nga tinatanong yung pangalan ng mga babae nakakaflirt niya. Pero ngayon, siya pa unang lumapit ah.

"What the hell do you want?" Malamig na sabi nung babae. Wth! Who the hell is she? Seriously, Si Ice lang ang nagpapakilabot sakin kapag malamig magsalita si Ice or kapag seryoso siya. Pero now, Kapiraso lang ang sinabi nitong babae na'to. Kinilabutan na'ko bigla. Parang sinasabi niya na move-or-you-will-regret-it.

Parang kakaibang babae 'to ah. Napakamisteryosa niyang tao.

"We're just want to introduce our--" hindi na natuloy ni Jedrick yung sasabihin niya nang sumabat agad yung babae na kinalakihan ng mata nila. Except me and Ice. "Im not interested" nagitla kami kasi nakatayo at nakaharap na siya samin. Whoa! Ang bilis nun ah.

Hindi nagawang magsalita nung tatlo. Para silang natameme kasi yung kausap nilang nakaupo at nakatalikod sa kanila ngayon nakatayo at nakaharap na sila at tinitignan kaming lima. Napadako yung tingin niya kay Ice. Hindi ko mabasa yung sinasabi ng mata niya. Tinignan ko naman si Ice na nakatingin din sa kaniya. Eye to eye talk?

Inalis nung babae yung tingin niya kay Ice at akmang aalis na siya nang harangan siya ni Jedrick at Tristan na nakarecover na sa pagkagulat.

"Miss, kinakausap kapa namin eh." Sabi ni Tristan.

"Move." Walang kaemo-emosyong sagot nung babae.

"Pwede ba kita makada--" nagulat nalang kami dahil nakahiga na sa tiles si Jedrick at iniinda yung sakit ng katawan niya. Papaanong nagawa niya yun nang hindi namin namamalayan? Napakabilis niyang kumilos.

"Block my way again, hindi lang yan ang makukuha mo." Tinignan niya si Tristan na biglang tinaas yung dalawa niyang kamay na parang sumusuko na siya.

Naglakad na palabas ng 7eleven yung babae. Tinulungan naman ni Tristan at Caliber si Jedrick na tumayo. Kinarma agad ang loko! Buti nga.

Napadako yung tingin ko kay Ice na tinitignan yung pintuan na nilabasan nung babae. Mukhang interesado siya dun ah. This is the first time i've seen him like that.

"Fvck! Babae ba talaga yun? Ang sakit nun ah." Ngitngit ni Jedrick habang hawak yung likod niya. Yun kasi unang bumagsak sa kaniya.

"Ikaw kasi eh. Inaya mo agad makipagdate. Pwede naman magpakilala ka muna." Sabi naman nitong si Tristan na natatawa dahil sa nangyari kay Jed.

"Ang astig niya. Sino kaya siya 'no?" Sabi naman ni Caliber na halatang halata sa mukha niya na may paghanga sa babaeng 'yun. Well, di ko siya masisisi. Dahil ako din isa sa mga humahanga sa babaeng yun. Hindi kasi siya katulad ng mga babaeng parang mga linta. I hate those girls. Its so annoying. -______-

Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon