Tanessa submitted her research project to Ms. Helena Fiona, masayang inabot ito ng guro at umalis kaagad si Tanessa.
Hindi batid ni Tanessa na may nagmamanman sa kaniya.
Naglaro kaagad sa isipan ng taong nagmamanman kay Tanessa ang masamang nais nito.
Lihim na tumungo siya sa likuran ni Tanessa at kinuha ang isang kwaderno nito.
At madaling umalis sa likuran ni Tanessa at masaya namang umalis si Tanessa.
Habang abala si Ms. Fiona sa pagbabasa sa ipinasang research project ni Tanessa.
Agad namang isinuot ng taong nagmamanman kay Tanessa ang isang maitim na damit at lihim niyang nasaksak si Ms. Fiona sa likuran
tagos sa puso
at umalis kapagkuwan.
Sa kabilang banda, nakita nito sina Barbara at Maggie.
Naisin man niyang ipahamak si Barbara ngunit nabigo siya.
Gayunpaman inutusan niya ang isang studyante at ipinabigay ang likidong bagay kina Barbara at Maggie, nawalan nga ng malay ang dalawa matapos makainom ng strawberry juice na may berdeng likido.
Agad nitong hinatak si Barbara sa Room XI, inabandonadong silid ng Thalium University, silid kung saan malayo sa karamihan.
Hinatak naman niya nang madalian si Maggie sa Office of the College Proffesor, at gamit ang isang maduming panyo ay agad niyang kinuha ang matalim na bagay na nakasaksak sa likuran na tumagos sa puso ni Ms. Fiona at inilagay ito sa kamay ni Maggie.
At nilisan ang tagpong iyon.
Sa kabilang banda, nakarating muli si Tanessa sa tagpo kung saan nagkausap silang tatlo ni Barbara at Maggie ngunit wala na ang mga ito, napaupo siya at hinalungkat ang kaniyang shoulder bag kung kaya't nagulat ang dalaga ng nawala ang kaniyang paboritong kwaderno.
Tinungo niyang muli ang Office of the College Proffesor at nagulat ng makita si Maggie hawak ang matalim na bagay mula sa duguang katawan ni Ms. Fiona.
Inalog-alog niya si Maggie at maging ito'y nagulat sa nangyari't namataan.
Umiyak si Maggie ngunit batid ni Tanessa na hindi iyon magagawa ng kaibigan, kaya't nilisan nila ang tagpong iyon, itinapon nila ang bagay na iyon, hinanap nila si Barbara, ngunit nagtataka sila ng matagpuan ito sa Room XI.
Pumasok si Maggie at umalis na si Tanessa.
Kanilang nilimot ang pangyayaring iyon, nagkunwaring hindi batid ang nangyari.
BARBARA
"Hey!" naalimpungatan ako ng may nag-aalog-alog sakin.
"Oh, I'm sorry, saan na ba tayo?" tanong ko ng mamataang si Maggie pala ito.
"We're here at Room XI,"
"Why are we here?, how 'bout Ms. Fiona, did you found her?"
"Yes, but,"
"But? May problem ba?"
BINABASA MO ANG
MYSTERIOUS CRIXOS
Mystery / Thriller"... alam kong hindi madali 'tong sitwasyong papasukan natin, kailangan ito ng panahon para talagang makapagpasya..." "Makasarili ka! Sarili mo lang iniisip mo! That's why I hate you! I really hate you!" Mahilig sa pagbabasa ng mga wirdo ngunit mist...