ANTIMONY
Lumipas ang isang buwang pagmumukmok ko sa kwarto at walang ganang pumasok sa unibersidad at wala ring ganang magsalita buhat nung nawala ang matagal ko nang pinakamamahal na parang tunay na kapatid na si Adara, nagiging mamamatay-matay na ako na parang 'di na mabuhay-buhay ngayon, dagdagan pa ang impormasyong tungkol kay Barbara.
At maging ang mga pulang kuko.
Ano ba ang nais ipahiwatig ng mga iyon?Tumulo na naman ang mga likido mula sa mata ko.
"Bro, makakamoveon ka rin niyan, kapit ka sa akin, hindi kita bibitawan..." nagkakanta pa itong si Bronco, habang nagpapatugtog ng gitara,
"Sana naman bigyan pa ng blessings ang walanghiyang kumitil sa buhay ng mabait kong bro ko."
"Mabait ba talaga siya?" tanong ni Bronco
"Ha?"
"She k-"
Biglang tumunog ang phone ni Bronco, "Wait lang bro,"JULY
Nilapitan ko si Antimony, medyo hindi kami close nito dahil iba ang circle of friends na mayroon kami, pero bilang kaklase niya, may parte rin naman siguro ako sa buhay niya para aluhin siya.
Nakatulala lang ito, inabot ko sa kanya ang dala kong favorite biscuit niya, napangiti ito"Salamat,"
"Makakamove on ka rin," napatingin siya sa akin
"Adara?""Hindi ako si Adara, ako si July,"
"Adara ikaw ba talaga 'yan?" lumuluha na ito.
Napatingin ako sa paligid, kami lang naman dalawa dito.
Nakakatakot naman 'tong 'sang 'tong 'e. Kaya nakinig nalang ako sa hinanaing niya,
"Adara! Magsalita ka naman, pls?" umiiyak na ito,"Bakit ba? Bakit mo ko iniwan ha? Sino bang gagong pumatay sa'yo? Sabihin mo at papatayin ko rin siya! Wala siyang puso!"
Akala ko ako 'yung kausap niya, nakatingin pala siya sa isang puno, lumakad siya at parang may sinusundan
"July!" napalingon ako sa tumatawag sa akin, si Nova
"Sundan mo si Antimony,"
Agad ko namang tinakbo kong saang parte ng lugar naglalakad ito, baka ano pang mangyayari sa kanya.
Hindi ko namalayang napasuong na pala ako sa isang kagubatan."Antimony!" sigaw ko as if marinig niya ako, para magbalik na siya sa ulirat niya, kinuha ko sa bulsa ang phone ko,
"Bakit ba walang signal sa gubat na?!" inis kong sabi na paika-ikang naglalakad habang itinataas ang phone as if makahagilap ito ng signal at macontact ko si Nova.
At agad kong dinial ang number ni Nova matanaw kong may signal nang nahagilap ang phone ko, nagriring na ito.
"Hello Nova?"
"July? Sinusundan mo ba si Antimony?"
"Hinahanap ko pa siya, tulungan mo'ko, nandito ako sa isang gubat, shit!" napamura ako ng nahulog ang phone ko dahil parang may humila sa akin, agad kong dinampot ang phone ko,NOVA
"Bronco!" sigaw ko ng makita agad ang baboy na kaibigan ko na may kalandian pa yata sa phone nito, nilapitan ko siya
"Unggoy!" tawag ko, pero di ako pinapansin,
"Babe?" nagpacute ako sa harapan niya,
"Wait lang babe ha? Nandito kasi 'yung puppy ko," at agad niyang ibinaba ang phone niya
"Ha? Anong babe?" tanong niya sabay kunot ng noo
"As if naman kung maiinterrupt ko 'yung kausap mo sa phone mo, saka wag po kayong assume, 'di kita type, ang mga baboy cholesterol 'yun,"
"E bakit ka nasasarapan sa mga letchon ha? Nakita ko nga sa post mo sa fb account mo 'yung litratong post mo 'nung birthday mo e,"
"That was 5 years ago. Bronco please. Kailangan nating hanapin si Antimony," hinila ko na siya
"Bakit ba?"
"May masamang pangyayari, halika na!" hila-hila ko parin siya habang nagpupumiglas sa pagkahila ko
"Teka nga, excited ka masyado e kung mayroon mang mangyayaring masama hindi kay Antimony, sayo 'yun! Hindi sa kaibigan ko! Naiintindihan mo ba?"
Binitawan ko 'yung kamay niya,
"Makinig ka sa akin baboy ka, kahit ngayon lang, pls?"
"Fine, no choice, basta ba ililibre mo ko ng pizza?" nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko, sinapak ko 'yun "Aray!"
"Sa new year nalang 'yun!" at hinila ko na siya ng tuluyan,
"Dapat ngayon na! Nagugutom na ako!" sigaw niya ng sigaw ng 'di ko siya pinapansin, hinayaan ko nalang siyang magsalita hanggang sa napasuong kami sa isang gubat,
"Hoy! Hoy! Ano ba 'to dito? Kung may masama kang balak sa akin, sabihin mo nga para makaprepare ako hindi 'tong bigla-biglaan, baka mamaya-maya huhubaran mo nalang ako bigla, at 'di na ako makakasigaw kasi hahalikan mo -" pagdadada nito.
BINABASA MO ANG
MYSTERIOUS CRIXOS
Misteri / Thriller"... alam kong hindi madali 'tong sitwasyong papasukan natin, kailangan ito ng panahon para talagang makapagpasya..." "Makasarili ka! Sarili mo lang iniisip mo! That's why I hate you! I really hate you!" Mahilig sa pagbabasa ng mga wirdo ngunit mist...