[June262017]
AKI
"Ate sana naglakad nalang tayo kanina pa, para kanina lang tayo nakarating sa bahay," ikasampung pagrereklamo ulit ni Ambre ng kanina pa kami nag-aabang ng masasakyan na halos dalawang oras na ang lumipas,
"Wag kang mag-alala Ambre, may sasakyan rin tayong masasakyan,"
"Hi," nagulat ako ng nasa tabi ko na pala si Canis
"Hi," nahihiya kong sabi"Buti naabutan kita,"
"Buti? bakit?"
"May itatanong lang sana ako sayo," sabi niya habang hinawakan ang kamay ko
"Ano 'yun?""Free ka ba tomorrow?"
"If after class, okay naman,""Thank you," sabi niya at hinalikan ang kamay ko saka umalis
'Ate may sasakyan na o!'
Nabalik ako sa ulirat ng matandaan ko si Ambre. Nilingon ko ang paligid, Ambre?
"Diana? Sinong hinahanap mo?" si Nova, kakarating lang.
"Ang kapatid ko, si Ambre nawawala!"
"Ano?""Kakasabi ko lang 'di ba? Nawawala ang kapatid ko, nawawala si Ambre,"
Hinawakan ni Nova ang kamay ko at sinabing,"Ayaw magpatukoy ng nilalang na kumuha sa kapatid mo na malaman kung nasaan sila,"
"Paano na'to? Tulungan mo ako Nova,""Aki, isang buhay ang kapalit para maibalik ang kapatid mo,"
"Ha? Grabe naman ata nun e, akala ko pa naman-""Aki, hindi natin isasagad ang buhay sa mga akala, sana at ewan sa baka siguro pwede, dahil buhay 'yun, nanganganib ang buhay ng kapatid mo,"
"Nova naman e, kinakabahan na ako ng bonggang-bongga, please h'wag ka naman magjoke, naweweirduhan na ako sayo e,"
"Nova?" napalingon kami, sinugod ko kaagad si Canis at hinawakan ko ang collar ng polo niya,
"Canis! Nasaan ang kapatid ko!?" hinigpitan ko pa ng hawak ang collar ng polo niya,"Aki, lemme explain-" binitawan ko ang pagkahawak,
"Explain mo mukha mo!""I wasn't even knew if where the hell your brother is, I was from school, then-"
"Huwag mo masabi-sabing 'where the hell my brother is' dahil ikaw ang demonyo! Sinungaling ka! Sinungaling!" inis kong sabi at akmang sasampalin ko sana siya nang macollapse siya, napansin ko ang pulang likido sa tagiliran niya. Buti agad namin siyang naagapan.
"Anong nangyari sayo?" tanong ni Nova"I will let you slap me if I did something wrong with you? Meron nga ba?" tanong nito
"Bwisit naman. Gusto kong matapos na 'tong bangungot ko e," umiyak na ako, 'di ko an alam anong nangyayari."At ayaw kong mapasama sa bangungot mo," sabi ni Canis nagawa pa nitong magpacute sa gitna ng pangyayari.
Tinignan ko siya ng masama at sinunggaban ng pahayag na,"Nakakatawa? Pero teka, di ba you asked me a while ago if free ba ako bukas?"
"No," mahina niyang tugon."Tapos na. Hindi si Canis ang nagyaya sayo kanina," sabi ni Nova
"E sino? Kambal mo ha? Ano ito joke? 'Di ko man lang pala alam na may kambal ka pala Canis ha? Nasurprise naman yata ako ng bonggang-bongga nito e," sabi ko at dahan-dahang tumulo na ang aking luha"Possible. Imitation, ginamit ang katauhan ni Canis para makuha ang kapatid mo, dahil siguro alam ng taong 'yun na gusto mo si Canis, at gusto karin ni Canis" pahayag ni Nova
"Ano? Gusto ko siya?" sabay naming tanong ni Canis
"Possible, at isa 'yun sa mga clues na pwede nating mapuzzle later on,""As if naman kung gusto ko siya," react ko parin
"Lalo na ako," react rin ni Canis
"Wag na nga kayong magdedeny, its normality to be attract to someone, walang bawal nun lalong walang taong allergy sa bagay na 'yun, at kapag puro kayo deny ng deny, 'di niyo alam nakakain niyo na pala 'yung salitang kadirihan na idenideny niyo, anyway, tutulungan kita Aki sa paghahanap ng kapatid mo," mahabang pahayag ni Nova
"So, ano ngang nangyari sa'yo?" tanong ulit ni Nova.
[June272017]
May inabot siyang pirasong papel,
"Iwan niyo na'ko," nawalan na siya ng ulirat.
"Hoy Canis!" alog ko pa sa kanya. Napatingin ako sa kalangitan.
Madilim-dilim na nga.
Kaya iniwan na namin siya.
"Diana, saka mo na basahin 'yan kapag nakauwi ka na," huli kong naalalang sabi ni Nova matapos naming maghiwalay pero huli na, nang buksan ko 'yun ay may humablot nito.
Ano bang mayroong sa papel na iyon?
Bahala na nga 'yon.
Pero ang buhay ng kapatid kong si Ambre.
Mamatay na muna ako huwag lang ang kapatid ko.
Hindi ako makakatulog sa pag-aalala sa nawawala kong kapatid.
Hinding-hindi ako tatantanan ng kaluluwa ko kapag may nangyaring masama sa nag-iisa kong kapatid, baka mumultuhin pa ako ni mama.
Sana po iligtas niyo si Ambre sa panganib.
[March282016]
It's 11:30 pm ng magising ako sa tunog ng phone ko, hindi nakaphonebook 'yung number na tumatawag, nag-aalinlangan narin ako sa pagsagot, pero sa huli, nadaig rin ako sa kuryosidad, baka may kinalamanan 'to sa kapatid ko.
"Hello?"
"Hello?!!"
"Hello?!!!!!!!!!!!!!!"
kanina pa ako sumisigaw pero walang sumasagot. 'Di kaya pinagtripan lang ako nito?
Pinatay ko nalang 'yun, kapanira ng tulog, nang biglang may nagtext, same number, binasa ko 'yunPumunta ka sa address na matatanggap mo sa pangalawang message ko.
Kinakabahan na ako ng may sumunod na message, ito na 'yung address.
Agad-agad akong lumabas ng bahay kahit na nakapantulog lang, tungkol kaya 'to sa kapatid ko?
Hindi ko maalis ang kaba ko nang papalapit na ako sa address na pupuntahan ko.
Magkikita na tayo Ambre, kukunin ka na ni Ate Aki, dali-dali na akong pumasok sa isang gubat, may lumang pintuan, kinakalawang na ito. at pamilyar ang paligid pero bahala na, pumasok na ako.
Madilim ang paligid wala akong halos makita, nang biglang nasara ng mag-isa ang pinto na ikinabilis tuloy ng kaba ko at biglaan nalang na may umilaw isang spotlight, nakatuon ito kung saan nakaupo sa isang upuan ang kapatid ko, si Ambre.
Malayo-layo 'yun kaya nagmamadali ako sa paglalakad ng biglang may humawak sa binti ko, madalim pa naman ang paligid.
"Aray....!" sigaw ko dahilan na nahulog ang phone ko at napagising si Ambre,
"Ateeeeeeeee!!!" umiiyak ito
Nandito na ako Ambre, magsasama narin tayo ulit.
Mahigpit ang hawak nito sa binti ko na para bang babalian ako ng buto nito, sinubukan kong sisipain sa mukha 'yung taong 'yun pero dalawang binti na pala ang hinawakan niya, iniinda ko 'yung sakit.
May matulis na bagay na naramdaman ko sa tagiliran ko, kinakabahan na ako.
[April62016]
"Happy Friday," bulong niya saka idiniin ang saksak sa matulis na bagay sa tagiliran ko, at iniharap niya ang phone ko sa mukha ko.
'Friday, 12:00 AM'
BINABASA MO ANG
MYSTERIOUS CRIXOS
Mystery / Thriller"... alam kong hindi madali 'tong sitwasyong papasukan natin, kailangan ito ng panahon para talagang makapagpasya..." "Makasarili ka! Sarili mo lang iniisip mo! That's why I hate you! I really hate you!" Mahilig sa pagbabasa ng mga wirdo ngunit mist...