Cloud's POV.
"How do I look bro?" tanong ko kay Josh.
Ito kasi yung araw na nagkalakas na ko ng loob para magpakita at mas makilagkilala kay Akira.
Dapat ay noong nakaraang linggo pa ito pero may nangyaring masama sa kanya, kaya mas gusto ko syang makita ngayon, I wanna check and see personally na ayos na sya. Sobra kasi akong nag-aalala para sa kanya.
"Ano ka ba naman tol? Ang OA mo na, don't worry dahil hindi nadadala ng pogi lang si Akira. Sabi naman ni Sanya sakin, NBSB daw si Aki kaya kung liligawan mo sya at malinis ang intensyon mo, we will support you" assurance sakin ni Josh. "Ayan na pala sila"
Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng makitang bumaba na ng sasakyan nya si Akira at mula sa passenger seat nito ay lumabas si Sanya.
"Good morning babe!" bati ni Sanya kay Josh, bago pumunta at yumakap dito.
"Tss umagang-umaga ang aga ng landian, di pa ko nakapag breakfast pwede bang kumain muna tayo sa cafeteria?" pagyaya ni Akira.
Tila nabagabag naman ko ng marinig kong hindi pa sya kumakain? Bakit nya naman pinababayaan ang sarili nya ng ganyan? If she want, I can take care of her all my life, I wanted to tell her that pero baka magulat sya at ano ang isipin nya sakin.
"Yes we will Aki, after you meet my teammate na isa rin sa mga close friends ko. Akira, this is Cloud. Cloud, this is Akira" pagpapakilala samin ni Josh habang binibigyan ako ng mapanuksong ngiti.
Bumaling si Akira sakin na tila nagulat pa
"Wait, OMG! Cloud! It's nice to see you again! Grabe, thank you talaga sa pagtulong sakin dati!" nakangiting sabi sakin ni Akira.Tila saglit akong na stuck while staring at her face, grabe ang ganda-ganda nya na nga, mas maganda pa sya pag ngumingiti.
Napakamot ako ng batok dahil pakiramdam ko para akong kamatis nawawalan ako ng sasabihin.
"Wala yun, I was just glad I was there to help you, pero ayos lang ba kung makikipag-kaibigan ako sayo?" grabe buti nasabi ko din sa wakas.
"Ano ka ba naman? Tinatanong pa ba yan?Sure, no problem pero sa ngayon kasi kahjt gusto kong makipagkilalahan pa sayo, I am really, really hungry kaya sumama ka na samin, kumain na tayo!" pagyaya nya.
"Ako?" tanong ko.
"Oo naman! Let's go! Gusto ko na talagang kumain, feeling ko may dragon ako sa tiyan" nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at hatakin papuntang cafeteria.
Sana mag freeze muna ang oras saglit. Napakasaya ko habang hawak ang malambot na kamay ni Akira.
Akira, you really make my heart beats fast.
She is like an angel.Akira's POV.
Grabe nabusog ako doon sa kinain ko, hindi kasi ako nakapag breakfast dahil late na naman akong nagising. Puyat na naman kasi ako lagi. Hindi na naman kasi umuuwi ang magaling kong asawa. Akala ko after nung nag black-out serye namin ay magiging okay na kami pero mali pala ako.
Thunder is still cold as ice to me. Wala pa rin syang pake sa existence ko. Na-guilty lang sya, yun lang yun!
Ang dami naming napagkuwentuhang apat, grabe ang saya palang kasama ni Cloud. Napaka komportable ko sa kanya kahit kakakilala pa lang namin. He is genuine and very transparent.
Kapag nagtatawanan kami ay pakiramdam ko lahat ng atensyon ng mga tao ay nakapukol na samin.
Nasa kalagitnaan kami ng tawanan ng mapahinto ako dahil sa taong pumasok sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (Montenegro Series #1)
Lãng mạn(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Business Administration. 3rd year na ko. Oh if it isn't obvious. I'm already married. I'm the secret wif...