Chapter 18: Tiramisu

567K 12.8K 4.5K
                                    

Akira's POV.

"Mukha yatang pinagpapalit mo na ko Akira?" napahinto naman ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Sanya.

I frowned at her. Napakaselosa talaga nito kahit kailan!

"Ang OA mo naman! Ikaw pa din naman ang bestfriend ko" sabi ko bago bumalik ulit sa pagkain ng tiramisu.

"Hey slow down baka mabulunan ka na nyan, pang apat mo na yan and there still plenty of that kaya dahan-dahan ka lang" sabi sakin ni Cloud kaya napatigil naman ako sa pagkain.

Seriously? Pang apat ko na to? Ang lakas ko naman atang kumain ngayon? Well, masarap kasi ito at sinusulit ko na din ang baon ko. Sayang naman ang yaman ng parents ko.

I smiled at Cloud dahil pagdating sakin ay napaka attentive nya kaya lahat ng bagay napapansin nya sakin.

"Tol, alam kong patay na patay ka kay Akira, pero male-late na kasi tayo alam mo namang terror ang prof natin doon" paalala ni Josh.

Tumingin sakin si Cloud as if asking for permission na hindi naman nya kailangang gawin.

"Ano ka ba Cloud, ayos lang ako kaya wag mo na kong tingnan ng ganyan. Pumasok na kayo dali" sabi ko at halos itulak pa sya.

"Okay fine, I'll pick you up tomorrow. No buts! Bye! See you!" sabi nito as he run to follow Josh na nagmamadali na, nagwe wave pa ito sakin habang tumatakbo.

May next subject pa naman kami pero hanggang 6pm na lang unlike kila Cloud na 8pm or minsan 9pm pa kaya di nya na ko mahahatid. Ayos lang naman, sanay na ako mag commute kahit papasok kaso nagsabi na syang susunduin na lang nya ko bukas.

Nung makaalis ang dalawa ay bumili pa ko ulit ng lima pang tiramisu para i-take home. Pag aaralan ko ngang mag bake.

Pagkabalik ko sa table namin ay nakasimangot na nakatingin sakin si Sanya.

"Hoy babae, napakatakaw mo naman yata ngayon? baka mamaya lumobo ka at mas lalong hindi ka magustuhan ni Sir Thunder" sabi nito sakin.

"Ngayon pa nga lang na sexy ako ayaw nya sakin, it doesn't matter anong size ng katawan ko pero wag kang mag alala magda diet ako after nito. Parehas naman tayo nila Ella, mabilis yata metabolism natin kaya nami maintain ang figure" sabi ko.

"Ella na naman, lagi na lang sya, tsk! Sabi ko na nga ba at itatapon mo yung since kindergarten nating friendship sa Ella na yan na isang buwan mahigit mo pa lang na kilala" nag pout sya after magsalita.

Yep! Isang buwan mahigit na simula ng magturo si Ella samin at naging super close na kami at halos ituring ko na din syang bestfriend. Mabait kasi sya sobra at sobrang komportable kausap. Pakiramdam ko nga pag tumagal pa tong pagkakaibigan namin, baka masabi ko na sa kanya yung about kay Thunder. Malamang magugulat sya kasi ko prof nya yung asawa ko.

"Wag na sabing magtampo, sige bilang apology, bibilan na lang kita ng make ups mo" pang uuto ko dito.

Biglang nagningning ang mata nya, hay nako! Akala mo hindi rin mayaman kung mangburaot, akala mo ginugutom sya.

"Totoo yan Akira ha?" tanong nito kaya tumango na lang ako. "Yehey! Wala ng bawian, pag binawi mo-"

Tumango na lang ulit ako, kumakain kasi ako at naiistorbo nya ko. Mahilig si Sanya sa make up sobra, kaya kapag nagtatampo sya, ayan yung pang console ko at sobrang effective. Pakiramdam ko nga sa dami ng make ups nya, makakapagtayo na sya ng sarili nyang watson.

"Grabe ang takaw mo, nung nakaraang linggo, sandamakmak na crabs at seafoods ang nilantakan mo. Hoy Akira, isang linggo kang puro crabs tas ngayon naman mag iisang linggo mo ng nilalantakan yang tiramisu, konti na lang iisipin ko buntis ka"

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon