Chapter 13: Holding Hands

589K 14.8K 3.3K
                                    

Dedicated to: CynthiaPalmerolaGard, Super_girl020, Kookieselle, LeoQ03, 1Dark_143, and lairahme.

You guys rock my world as a writer, your comments are really motivating me. I really love you guys. You are my forever bibies! xoxo 💗💗💗

----

Akira's POV.

Nakailang check na ko sa bag na dadalhin ko, actually isang maleta at may backpack pa ko pero feeling ko nga kulang pa ito. Kaya check ako ng check kung may kulang pa at nakalimutan ako.

Buti na lang, marami-rami akong swimsuit at sunblock na binaon. Sobrang ready at excited na ko sa araw na ito.

Sinilip ko ang relo ko at nakita kong ilang oras na lang pala ay dapat nasa airline na kami.

Napahinto ako sa ginagawa ko ng may kumatok sa pinto ko at walang sabing binuksan yun. Sino pa ba? E di ang magaling na mister ko.

"Don't tell me you're not done yet?" tanong nya.

"Chinicheck ko lang naman kung may kulang pa" sagot ko sabay pout.

"What? May kulang pa dyan? That's two bag already Akira, hindi tayo doon titira!" ramdam na ramdam ko ang pagka-iritable sa boses nya. "Akin na nga tong mga to" nagulat ako ng bitbitin ni Thunder ang mga bagahe ko.

Napansin ko din na naka backpack sya pero yung kanya di hamak na maliit lang kesa sakin at isa lang.

"Ako na maglalagay nito sa kotse, baka mamaya maisipan mo pang dalhin tong buong bahay" pagkasabi nya nun ay bumaba sya.

Napangiti ako, what Thunder's doing right now is giving me hope, so much hope that this vacation will be really great and that this can help fix our marriage.

Pagbaba ko ay narinig ko ng pinapaandar na ni Thunder ang makina ng sasakyan kaya nagmamadali ako papunta sa kanya. Nakasalubong ko si Yaya Minda.

"Bye Yaya Minda! See you when we get back!" pasigaw kong sabi habang tumatakbo papuntang garahe.

"Sige Akira, mag enjoy kayo ni Thunder" paalam nito sakin.

Agad agad akong sumakay sa kotse ni Thunder, grabe first time kong makakasakay dito nang hindi injured. Alam ko kasi sinakay nya lang ako dito nung dinala ako sa ospital at nung pauwi naman ay dito rin ako sumakay dahil di ko pa kayang magnaneho.

Namangha ako while looking at his car, bukod sa high-end car ito ay dito ko napapatunayan that Thunder is an OC. Sobrang linis nya at ang pabango nya ay amoy na amoy rito.

"Umidlip ka muna, hindi ka yata natulog kakaayos ng gamit mo, one hour away pa naman tayo mula sa airport" sabi sakin ni Thunder.

Tumango lang ako at isinandal ang ulo ko sa bintana.

Tiningnan ko sya pero diretso lang ang tingin nya sa daan. Masyado syang focus sa pagmamaneho kaya nagkaroon ako ng chance para titigan sya.

Sa gwapo ba naman nitong asawa ko, sinong hindi mahuhulog. He's so damn perfect for me.

"Quit staring Akira, I told you to go to sleep hindi ang titigan ako" pagkasabi nya nun ay binalingan nya ko ng tingin pero mabilis din nya namang inalis yun at binalik ang atensyon sa pagmamaneho.

Damn those chocolate eyes. You really can't resist them.

"Yes prof, oo na iidlip na po" yun na lang ang sinagot ko. Gusto ko sanang sabihin na

Pwede bang i holding hands mo na lang ako habang nagmamaneho?

Yun ang usually kong napapanood sa palabas. Pero wag na lang baka masira ko pa mood nya at iwanan nya ko sa kalsada.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon